Chapter 25

45 10 0
                                    

Napasimangot ako habang pumipila kami sa mataas na linya sa loob ng Minimart. Nilingon ko si Gem sa aking gilid na malapad ang ngiti at nakatingin lang doon sa counter. Napakurap ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o nananaginip dahil ngayon ko lang nakita ulit ang ngiti na madalas pinapakita sa amin ng dating Gen na nakilala namin. Kung kaya, binabagabag ako ng kaunti kasi baka napipilitan lang siya sa emosyong pinapalabas niya.

Palihim akong sumulyap muli kay Gem at nakatingin pa rin siya doon sa harapan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kanina lang, inaya niya akong lumabas dahil gusto niyang magpasama dito sa Minimart kasi may latest release ng ice cream. Wala akong ideya kung bakit kailangan niya pa ng kasama kahit pa man pwede naman siyang pumunta mag-isa dito. Iba tuloy ang interpretasyon ko sa sinambit niya kanina sa harapan ko.

Napapilig ko ang aking ulo at bumaling na lamang sa ibang direksyon. Kanina pa nakangiti itong si Gem na halos mapupunit na iyong labi niya ng wala sa oras. Pakiramdam ko nanlalamig ang kamay ko ngayon kasi hindi ako mapakali at sobrang bilis rin ng pintig ng puso ko lalo na't alam kong katabi ko lang siya ngayon.

"K-kailangan ka pa nahilig sa ice cream?"

Tanong ko sakaniya nang inangatan ko siya ng paningin. Bago pa siya makalingon sa akin ay agad kong inilipat ang aking mga mata sa ibang direksyon. Malamig dito sa loob ng Minimart pero mas lalo yatang lumamig ang paligid dahil magkasama kaming dalawa ngayon ni Gem. Ramdam kong bahagyang nanindig ang aking mga balahibo at hindi rin mapakali ang puso ko.

"May ice cream business ang pinsan ko sa SM Downtown. Kinahiligan kong pumunta doon dahil gusto ko ang mga flavors ng paninda nila. Kaya lang, late ng pumunta doon ngayon kasi malayo 'yung bahay niyo mula SM at baka gabihin na tayo ng uwi."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na pinsan niya pala si Miss Roche Adamson. Tama nga naman si Gem, nakakapukaw ng interes ang mga flavors ng ice cream sa store ng pinsan niya kahit pa man isang beses lang ako nakapasok doon.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang eksenang ipinakita namin ni Gem noong magkasagutan kami doon sa store. Sobrang nakakahiya at hindi kaaya-aya ang bangayan namin na kahit noong sampalin ko siya ay nagdulot ito ng matinding kahihiyan sa harap ng maraming tao. May pagsisisi akong nararamdaman noong mga oras na iyon pero nanaig sa akin ang galit dahil na rin siguro sa masasakit na salitang binitawan ni Gem at wala sa sariling pagpatol niya sa isang sensitibong babaeng tulad ko.

Inaamin kong kapag si Gem ang naasar at nagagalit ng todo sa akin, masasakit at nakakapangwasak ng puso ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ngunit kahit pa man ilang ulit kong pinilit ang aking sarili na intindihin siya, alam ko na minsan ay hindi rin maiwasan ng puso ko ang mapagod ng sobra at mawalan ng pag-asa sa isang iglap.

Sa mga sandaling ito, hinihiling ko na sana hindi na iyon mangyari muli gayong nakahingi na kami ng kapatawaran sa isa't-isa. Ayaw kong mabasag ng tuluyan ang pagkakaibigan ni Gem nang dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.

"Ha? Ano namang kinalaman ng bahay ko sa distansya ng SM mula dito?"

Naguguluhang tanong ko sakaniya. Hindi ko alam kung bakit niya inuugnay ang layo ng aking bahay mula sa SM Downtown at kung bakit gagabihin kami ng uwi gayong wala naman akong planong pupuntahang lugar maliban sa pagsama ko sakaniya dito sa Minimart.

"Ihahatid kita pauwi."

Natigilan ako at napatingin sakaniya. Kunalabog ang puso ko nang makitang nakangiti siya sa akin. Kumurap ako at nag iwas ng tingin. Hinahabol na naman ako ng aking hininga ngayon at sumisikip ang lalamunan ko.

"B-bakit naman? H-hindi naman na kailangan e. Wala akong inutos sa'yo na ihatid mo ako."

Nauutal na sabi ko habang nakatingin lang ng diretso sa likuran ng mga taong naunang pumila kaysa sa amin. Napasalikop ko ang aking kamay nang magsalita ulit si Gem.

"Nakapagpaalam na ako kay Grindel na  umuna na siya ng uwi ngayon at magpasundo sa driver namin. Tutal dala ko ang sarili kong sasakyan na nasa parking lot ngayon ng Cruishine."

Sambit ni Gem. Pakiramdam ko lumambot ang aking tuhod sa narinig. Hindi mo alam na kaya niyang umuwi ng hindi nakakasama si Grindel. Sa tuwing matatapos kami sa aming working hours sa Cruishine, walang araw na hindi ko sila nakikitang dalawa na magkasama sa waiting shed at hinihintay ang family driver nila bago umuwi.

Kung kaya hindi ko inasahan ito... na dadating ang araw na ako naman ang makakasama niya bago siya umuwi.

"Hindi ka na dapat nag abala pa. Kaya ko naman ang sarili ko."

Pamuna ko sakaniya. Hindi maawat ang aking puso ngayon na animo'y nagwawala siya sa loob ng aking dibdib. Napakagat ko ang ibabang labi ko. Tumikhim si Gem kaya napabaling ako sakaniya. Nakita kong nagtaas siya ng kilay habang tinitignan ako.

"Ihahatid kita. Huwag ka ng umangal diyan. Kilala naman na ako ni Tita Fara."

Pagkasabi niya non ay agad siyang nag iwas ng tingin na may nakasilay na ngiti sa kaniyang labi. Goodness, Gem. Bakit mo ginagawa ito? Hindi mo ba alam na natataranta ang puso ko ngayon sa inaasta mo? Nasaan na 'yung Gem na inaasar, sinisigawan at iniinis ako tuwing magkasalubong ang mga landas namin?

"Pinsan mo pala si Miss Roche Adamson?"

Pag-iiba ko ng usapan. Napayuko nalang ako at abalang kinalikot ang aking wristwatch. Pakiramdam ko kasi nawawala ako sa sarili kapag tinitignan ko ang nakakalusaw na mga mata ni Gem. Bakit ba kasi hindi niya ako inaaway ngayon? Hindi niya ba alam na mas gumwapo siya ngayon dahil sa ngiti niya?

"Magkapatid 'yung Mom niya at ang Dad ko. Siya ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng mga pinsang nakilala ko."

Rinig kong sagot ni Gem sa aking tabi. Napalingon ako sa harap at nakitang kami na ang susunod sa counter. Akma ko na sanang bubuksan ang bag ko nang inilapat ni Gem ang palad niya sa kamay ko habang inabot naman niya sa cashier ang isang credit card gamit ang kabila niyang kamay.

Pakiramdam ko uminit ang aking buong mukha kasi para akong nakuryente sa kamay niyang nakadikit sa akin. Hindi agad ako nakagalaw kung kaya agad ring bumitaw si Gem sa akin atsaka tinanggap ang ice cream mula sa cashier. 

Nauna siyang maglakad habang hawak ang mga ice cream na iyon. Tahimik akong sumunod sakaniya papalabas ng Minimart 'saka niya inabot ang ice cream ko. Habang naglalakad kami pabalik ng Cruishine ay sinasadya kong magpahuli ng lakad kasi hindi ako sanay makipagsabayan kay Gem ngunit natigilan ako nang huminto siya at sinenyasan akong sumabay sakaniya.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa sandaling iyon nang mapagtantong sinasabayan niya na ang banayad kong paglalakad. Hindi umiimik si Gem habang binabalatan ang ice cream kung kaya ako ang unang bumasag sa katahimikan.

"Ang ganda ng pinsan mo tapos napakaaliwalas ng kaniyang mukha kasi palagi siyang nakangiti. Lalo na nong kinawayan niya ako habang pumipila sa counter."

Pagsasalita ko. Narinig kong bahagyang tumawa si Gem at tumikhim na para bang natutuwa siya sa pinuri ang sarili niyang pinsan. Hindi ko naman mapigilang sumulyap sakaniya kasi napapansin ko talaga na sobrang weird niya ngayon dahil napakaaliwalas ng mood niya na para bang kagagaling niya lang mula sa kalangitan ng mga anghel. Parang biglang nawala 'yung malditong Gem at itong kaharap ko iyon ay ang opposite na side niya.

Hindi kaya may doppelganger si Gem? May split personality ba siya? O isang impostor itong nasa harap ko ngayon?

Natigil ako sa paglalakad. Napagmasdan ko ring nasa tapat na kami ng parking lot. Ngunit mas tumigil ang pagtakbo ng buong sistema ko dahil sa biglaang sinabi ni Gem bago siya maunang maglakad papunta sa sasakyan niya.

"Kilala ka niya."

Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ideya kung binibiro lang ba ako ni Gem o totoo ang sinabi niya ngunit napansin kong seryoso ang pagkakasabi niya non. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ang ibig niya bang ipahiwatig ay nakilala na ako ng pinsan niya dahil sa kahihiyang nangyari sa amin ni Gem sa store niya o kilala niya na ako bago ako mapadpad doon sa store. Coincidence lang ba 'yung nginitian niya ako? Pero paano? Bakit?

"Huy, dali na! May bibilhin pa ako saglit bago kita ihatid sa bahay niyo."

Halos malunod na ako sa mga walang humpay na katanungang nabubuo sa isip ko nang bigla akong tawagin ni Gem at sinabihan akong sumakay na sa fontseat. Napapilig ko naman aking ulo at lumapit papunta doon sa kinaroroonan niya. Pakiramdam ko mababaliw na yata ako sa dami ng iniisip ko.

TO BE CONTINUED

****

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon