Chapter 7

58 12 0
                                    


"Patrick Flynn!"

Nakangiting sinalubong ng yakap ni Mom si Flynn. Magkamukhang- kamukha talaga sila. Mula sa labi, sa mga mata, sa hulma ng mga pisngi, kuhang-kuha talaga lahat. Napapaawang na lamang ako ng aking bibig habang pinagmamasdan silang dalawa. Hindi kaya pinanganak na twins ang dalawang ito ngunit hindi lang sila pinagsabihan ni Lola at Lolo?

Samantalang ako naman nito, hindi ko alam kung kamukha ko ba si Mom. Sabi nila, parang foreigner ang level ng beauty ko kasi full-blooded British si Dad tapos si Mom naman ay pure Filipina talaga kaya parang na-combine ang physical features nila at ang mukha ko ang naging resulta non. Maraming nagsasabi na napaka sopistikada ko raw at pwedeng panlaban sa mga modelo ang ganda ko pero hindi ko naman pinaniniwalaan iyon kasi wala rin namang silbi itong panlabas na anyo ko kung hindi ako mahal ng taong mahal ko. Chos.

"Ate, kumusta ka na dito?"

Pinasadahan niya ng tingin si Mom at ngumiti rito. Nilapitan din siya ni Dad at tinapik sa balikat kaya napalingon siya rito. Kung pagmamasdan ko sila malayo, para silang isang pamilya. Kasi ba naman, napakabata ng mukha ni Kuya Flynn at parang ka-edad ko lang siya sa hitsura niyang iyan.

Hindi ko rin siya tinatawag na Tito kasi sabi niya hindi pa naman daw siya kasado at masyado pa raw maaga para maging katumbas ng isang ama ang paningin ko sakaniya. Ewan ko ba kung bakit hindi pa siya nag aasawa e' halata namang habulin ng chicks itong mukha niya.

"I'm fine. Sobrang na miss kita. Nasaan na pala ang pasalubong namin?"

Humalukipkip si Mama habang nakangiti. Bahagya namang napakamot ng ulo si Flynn kaya natawa si Dad. Umangat din ang gilid ng aking labi habang nakikinig sa kanilang usapan.

"Nasa bahay pa po e. Puntahan nyo nalang mamaya. Doon malapit sa High Ridge." Nanlaki ang mata ni Mama. Tumango naman si Papa at inakay sila na umupo sa sofa.

"Ah, so lumipat ka sa bagong tirahan?"

Tanong ni Dad. Sa Westwoods Subdivision kasi dati nakatira si Kuya Flynn. Siya lang yata mag isa doon kasi Lola at Lolo ko nandoon sa North Carolina nakatira. Bumili siya ng sarili niyang tahanan dito sa Cagayan de Oro para kahit papaano ay may mapagstayan siya. Ilang ulit na nga rin siyang pinapayuhan ni Mom na dito nalang muna makituloy sa amin tutal pabalik-balik siya lagi sa America ngunit masyado yatang nakasalampak sa lupa ang mga paa niya dahil ipinagpipilitan niya pa rin na ayaw niyang makaistorbo sa pamilya namin.

"Opo, last 2 years pa yata."

Sabi ni Kuya Flynn. Umayos ng upo si Kuya sa sofa at kinuha ang fruit soda na inabot sakaniya ni Dad. Lumapit nalang rin ako sakanila at sumali sa usapan. Tumabi ako kay Dad at kinuha ang apple na nakalagay sa isang maliit na plate.

"Kuya Flynn, kung dito ka nalang kaya tumira sa amin? Tutal ikaw lang naman mag isa doon. Sayang 'yung pinangbili ng bahay mo doon kung bihira ka lang rin namang makikituloy tuwing dumadating ka galing ibang bansa. 'Tsaka minsan ka lang naman kasi umuuwi dito sa Cagayan De Oro e'."

Singit ko sa usapan nila. Gusto ko kasing dito tumira si Kuya Flynn para naman may kasama ako tuwing nasa trabaho si Mom at Dad. Nakakabagot kaya dito sa bahay kung ako lang mag-isa. Mas masaya 'yung kasama ko si Kuya Flynn kasi pakiramdam marami rin kaming similar hobbies na pwede naming mapaglibangan sa tuwing uuwi siya dito. Para naman hindi lang puro trabaho nalang lagi inaatupag ni Kuya. Dapat niya ring mag enjoy minsan tuwing may bakanteng oras kagaya ko!

"Yeah, nice idea. Pwede ka talaga dito Flynn e. Ikaw lang naman kasi 'yung palaging tumatanggi kasi nahihiya ka pa."

Pagsang-ayon ni Mom. Bahagya namang natigilan si Kuya Flynn at nag iwas ng tingin. Tumawa nalang si Dad nang makitang pumula ang mukha ni Kuya Flynn. Napahinga nalang ako ng malalim. Kahit kailan talaga, napakainosente nitong lalaking ito.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon