Chapter 6

54 11 0
                                    


"Hey, Fate uuwi ka na ba? Hali ka, sumabay ka nalang sa amin ni Gem."

Katatapos lang namin mag serve ng niluto sa presentation room kung saan nandoon ang kabi-kabilang kliyente ng Cruishine Company.

Tinignan ko si Grindel at Gem sa likuran ko. Magkalapit sila sa isa't-isa. Kung wala lang masaklap na nangyari sa relasyon nilang dalawa noon, iisipin ko talaga na sila parin hanggang ngayon. They were the most head-turner couple before kaya lang naninibugho ako kaya hindi ko nalang sila pinapansin maliban nalang kung si Grindel lang ang kasama ko. I'm jealous. Hindi ko maipagkakaila iyon lalo na't bagay na bagay silang dalawa sa isa't-isa. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa noon... kaya lang napag-alamang magkapatid sila e'.

"Ah, huwag na. Napagsabihan ko na kasi ang driver namin kanina na sunduin ako ngayon pauwi."

Pagsisinungaling ko kahit sa totoo lang, ayaw ko talaga sila makasama kasi ayaw kong magmukhang third wheel. Sabagay, kahit hindi ako magpapasundo dadating at dadating pa rin iyang driver ko ngayon. Kahit alam kong wala ng nararamdaman si Grindel at sobrang napamahal na siya kay Grae ngayon na childhood bestfriend niya rin, alam kong siya pa rin ang nasa puso ni Gem hanggang ngayon. Kaya alam ko sa sarili ko na mahihirapan talaga akong umibig kay Gem.

"Ganoon ba. Sabihin mo lang kapag hindi makakadating 'yung driver mo, ayos lang naman na makisabay ka sa amin."

Sabi ni Grindel at matipid na ngumiti. Bumaling siya muli sakaniyang phone at parang nagtitipa siya ng mensahe soon habang nakaangat ang gilid ng labi. Sinulyapan ko si Gem sa tabi niya na walang ka emo-emosyon ang mukha at diretso ang tingin sa kawalan. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang awkward siguro niyan para kay Gem, pero si Grindel parang wala lang sakaniya e'. Naiintindihan ko rin naman kasi si Grindel dahil alam kong ayaw niyang masira ang matagal na pag kakaibigan nilang dalawa nila Gem simula noong nasa elementarya pa lamang sila. Pakiramdam ko tuloy nasasaktan ako sa sitwasyon ni Gem kasi wala siyang choice lalo na't magkapatid silang dalawa at nakatira sa iisang mansion ng mga Drizdella.

"Grindel, kumusta nga pala si Grae? Nagkita ba kayo ngayon?"

Paunang tanong ko kay Grindel. Nakita ko namang napalingon siya sa akin habang nakangiti. Nahagilap kong hindi gumagalaw si Gem sa pwesto niya at nakikinig lang sa music mula sa nakasaksak na headphone sa tainga niya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Grindel na naghugis puso ng banggitin ko ang pangalan ni Grae. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang silang dalawa na ni Grae ang nagmamahalan ngayon kahit pa man sobrang sweet ni Grindel at Gem noon sa isa't-isa.

"Hindi e' May trabaho siya sa Bellañicas ngayon. Babawi lang daw siya bukas sa akin."

Ngiting tugon ni Grindel habang kumikislap ang mga mata niya. Tumango lang ako at nag iwas ng tingin.

"Ay siya nga pala Fate, paparating na dito 'yung driver namin, hindi ka ba talaga magpapahatid sa amin? Magkalapit lang naman kasi ang mga tahanan natin."

Pagsalita ulit ni Grindel kaya napabaling muli ako sakaniya. Umiling-iling ako at ngumisi ngunit agad na natigilan nang malamig ang ekspresyong napatingin sa akin si Gem at ibinaba ang headphones niya.

"Huwag mo na pilitin ang ayaw sumama kasi hindi ka mananalo kung papatulan mo siya sa pagpapakipot niya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Gem kay Grindel. Feeling ko napantig ang aking magkabilang tainga sa sinabi niya. Ano bang problema ng hayop na ito?! Akala niya ba nakalimutan ko 'yung kasalanan niya sa akin kahapon, kanina at noong nakaraang gabi? Sinisimulan na naman ba niya ako?

"Hey, Ge—" Aawatin na sana ni Grindel si Gem ngunit akong nagsalita sa harap ni Gem at diretsong tinitigan siya sa mga mata niya.

"Papayag na sana akong sumama sainyo Grindel e', kaso may mga taong bitter sa akin kaya huwag na lang. Baka mabugahan pa ako ng apoy sa kotse niyo kaya hindi nalang ako sasama. Ayaw ko rin kasing may mapalapa ako sa buwaya ngayong araw na ito."

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon