Chapter 9

56 11 0
                                    


"First of all, thank you so much for coming in this very special event tonight. We feel sincerely euphoriic and greatly honored because you spare some precious time with us to celebrate the grand birthday celebration of one and only son— please give your cheers and applauses to Zeyn Ryanille Evans!"

Lumabas si Zeyn sa backstage at umakyat sa stage. Agad na nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Nasurprised kaming lahat kasi halos di na namin makilala si Zeyn dahil sa kapogihan niya ngayon. Pormal na suit at tuxedo ang kaniyang suot habang malapad na nakangiti at kinakawayan kaming lahat.

Marami pala talagang inimbitahan si Zeyn dito sa birthday niya. Simula sa mga elementary classmates niya, hanggang sa mga close friends niya both highschool and college, pati na rin ang mga businessmen at businesswoman ng Dulberz Company, isang sikat na manufacturing engineering company sa Cagayan de Oro na pagmamay-ari ng pamilyang Evans.

Nagsimulang magbigay ng welcoming speech si Zeyn. Mga fifteen minutes siyang nagsasalita at nakatayo sa harapan namin. Sobrang talas magsalita ni Zeyn at halatang may kabuluhan talaga ang kaniyang iniisip lalo na't napakanatural ng pananalita niya at hindi scripted ang kaniyang mga sinasabi. Mataas ang stage na kinatatayuan niya at nasa bandang harapang linya kami ng upuan kaya kitang kita namin ang saya sa mukha niya ngayon. Todo palakpak rin ang lahat pagkatapos niyang magsalita. Biglang may pumasok na emcee sa stage at parang may binulong si Zeyn dito. Tumango 'yung babae atsaka muling humarap sa amin.

"Before we proceed to the individual message for the the birthday celebrator, let us give a huge round of applause to Gem Jiovanson Drizdella, Asper Nathaniell Ynico, Joleena Celestine Go, Darson Jared Saludes, Jacque Revan Hanson and Fate Christellene Arena for their group intermission number!"

Agad na naghiwayan ang mga bisita sa likuran namin. Natigilan naman ako nang mapagtantong natawag din ang aking pangalan. Nagtatakang napatingin ako kay Joleena na lumapit sa akin at sinenyasan akong tumayo na sa aking kinauupuan. Nagsalubong ang kilay ko. Bakit ako nakasali diyan?

"Guys, halina kayo!" Natatawang sabi ni Asper at tumayo 'saka biglang nag unat-unat ng braso. What? May plano ba kayong ipahiya ang mga sarili niyo? O baka gusto niyong masira ang party na ito?

"Teka, wala kaming alam dito ah."

Nagtatakang sabi ni Darson. Sumulyap ako sakaniya at napatango-tango rin. Tama nga naman, wala naman sa plano namin na magpe-perform kami sa birthday ni Zeyn. Baka magmukha talaga kaming timang nito kung sasabayan namin ang taong lintek na may pakana nito.

"This is one of Zeyn's birthday wishes."

Nakangiti sabi ng emcee sa amin nang makalapit siya sa aming table. Walang pag aalinlangang nagsitayuan kaming lahat na tinawag at naglakad paakyat ng stage. Naghiyawan ang mga bisita at nagpalakpakan naman sila Kooky sa upuan kasama ang iba pa naming mga kaibigan na nakaupo lang doon.

Napalingon ako sa gilid ng stage at nakitang nakaupo doon si Zeyn 'saka nakangiting pinagmasdan kami. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Joleena sa mikropono. Biglang nag-iba ang liwanag ng lights at napanganga na lamang ako nang makitang may mga bumubusilak na kulay na ito. Sobrang ganda tignan lalo na kapag nandito ka sa ibabaw ng stage.

"Hello, guys! Good evening sainyong lahat." Natatawang sabi ni Jolina sa mikoropono.

"Waaaah, go guys!" Malakas na pag cheer nila sa baba. Nakita kong napatayo na si Manesa, Kooky at Alva habang malalapad ang ngising nagche-cheer sa amin. Nakangiti na rin ang halos lahat ng mga bisita at nagpalakpakan na rin. Nakita ko naman na may inilabas na instruments at inilapag ang mga iyon sa stage. Ayie! Pwede ako sa drums!

"Ang kantang ito ay inihahandog namin para sa nag-iisang birthday boy, Zeyn we hope you will have a good blast and fun tonight! This is your favorite song." Masiglang pagkakapahayag ni Joleena. Muling kaming nagpalakpakan.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon