Author's Note: Tama kayo, namiss kong magsulat ng POV ni Gem. I just want to dedicate this story to Christellene Pontepedra Galarrita, my close friend. Sakaniya ko po kinuha ang second name ni Fate. Ang kaniyang Pontepedra naman ay hiniram ko bilang apelyido ni Alisthasiane Sonielle sa isang story ko na The World Beyond Us. I hope may time kayo para mabasa rin iyon, although ongoing pa siya.
Another dedication to Patrick, Roche, Shania, and Shane, I'm greatly honored to lend your names and scribble it on this story. Thank you, my precious friends. (:
Thank you. You may now read.
*****
GEM JIOVANSON DRIZDELLA'S POINT OF VIEW
"Hindi mo man lang ba siya napansin na nakatayo sa harapan mo bago mo siya nabangga? Hindi ka man lang nag excuse o nagsalita bago ka dumaan? Ano tingin mo sa kaibigan namin, may sixth sense?"
Iritadong tanong ni Joleena roon sa lalaking nakabangga kay Faith. Hinawakan naman ni Darson at Clariza ang magkabilang balikat niya para pakalmahin siya. Yumuko lang ang lalaki at ilang ulit na humingi ng paumanhin sa nangyari. Nanlilisik din ang mga mata ni Daneery at Alva na nasa gilid ko habang nakatingin doon sa lalaki na mukhang newly hired employee sa Cruishine.
Napaupo ako ng maayos at nagbuntong hininga na lamang. Hindi ako makapaniwalang hindi niya sinadya ang pagkabangga na iyon dahil simula pa lamang kaninang umaga, napansin ko na panay titig kay Fate ang saltik na lalaking iyon. Sigurado akong sinubukan niya lang kunin ang atensyon ni Fate noong binangga niya ito pero nagkamali siya ng ginawa kasi naging dahilan iyon para diretso ang bagsak ni Fate sa pool at nahimatay sa ilalim ng tubig.
Napahilamos ako ng mukha at napatiim bagang. Naaasar ako kasi napakalampa rin ng Fate na iyon at hindi man lang napansin na kanina pa may umaaligid sakaniyang lalaki. Nagawa niya pa talagang maglibot-libot sa 15 feet na pool na para bang confident siyang maisalba ang sarili niya kapag hindi sinasadyang bumagsak siya doon.
Kung hindi lang ako lumusong sa pool at dali-dali siyang tinulungang umahon, paniguradong sasamantalahin ng lalaking iyon ang kabalastugang iniisip niya. Bahagya akong napamura sa aking isipan at pailing-iling na nagbuntong hininga. Hindi ko inaasahang makakagawa ako ng CPR sakaniya. Wala sa plano kong gawin iyon pero wala akong choice dahil hindi siya nagising kanina nang makaahon kaming dalawa.
"Pasensya na po. Hindi ko naman sinasadya iyon. Nagkataon lang po na nagmamadali ako sa paglalakad non at hindi ko na napansing nabunggo ko na pala siya. Pasensya na po talaga."
Nakita kong mas nangalaiti ang mukha ni Joleena. Hinila ni Asper ang braso niya para patigilin siya sa pagsasalita ngunit hinawi niya lang ang kamay ni Asper at nakaarko ang kilay na tinignan ang lalaking iyon.
Napaismid ako. Siya na nga itong nakabiktima ng babae, siya pa itong nagsisinungaling. Mukha ba siyang nagmamadali kanina? Lokohin niya ba naman kami ni Joleena na kaming dalawa mismo na magkatabi ang nakapansin sa lalaking iyon na panay pagmamasid kay Fate.
"Hoy, kung magpapaliwanag ka na nga lang, pwede ba huwag mo ng habaan? Napaghahalataang defensive ka lang e'. Atsaka isa pa, huwag ka sa amin mag sorry. Doon ka kay Fate."
Inis na sabi ni Joleena. Inawat siya nila Alva, Kooky at Ivy kaya iritado siyang umalis sa harap ng lalaking at pumasok doon sa loob ng infirmary. Sakto namang kalalabas lang din ni Sir Dexxon sa pintuan doon kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Okay lang ba siya?"
Alalang tanong ni Grindel. Napatingin ako sakaniya ngunit ibinaling ko agad ang aking paningin kay Sir Dexxon na nasa harapan niya.
"Oo, maayos lang naman ang vitals niya. Pero kailangan niya munang magpahinga para bumalik sa normal ang daloy ng kaniyang dugo sa katawan. Sobrang pamamanhid ang naranasan niya kanina nang mahulog siya sa pool kaya hayaan muna natin siyang magpahinga sa loob ng infirmary."
Natahimik kami sa sinabi ni Sir Dexxon. Napatango naman sila Alva sa sinabi ni Sir Dexxon habang si Joleena naman mukhang umaliwalas na ng kaunti ang kaniyang mukha. Panay yuko pa rin ang lalaki sa gilid habang nakasalikop ang magkabilang kamay. Napaismid ako at ibinaling ulit ang tingin kila Sir Dexxon.
Muntik na akong matigilan nang makitang nakatingin si Grindel sa akin kaya mabilis kong iniwas ang aking paningin.
"Sige na, bumalik na kayo sa doon sa swimming pool. Let's not ruin the celebration just because of what happened earlier."
Sabi ni Sir Dexxon 'saka naunang umalis sa amin. Pinasunod niya naman ang lalaki na nakabunggo kay Fate. Tinapik ni Asper ang balikat ko at sumenyas na babalik na kami doon sa pool. Umiling ako at mahinahong pinauna muna sila. Nagpaalam naman sila Daneery na magtungo na doon sa swimming pool. Nanatiling nakapako ako sa aking kinauupuan. Hindi ko alam ang rason. Hindi ko alam ang dahilan. Ngunit alam kong may kung anong nag uudyok sa akin na bisitahin sa loob ng infirmary ang babaeng kinaayawan at kinaiinisan kong makita sa buong buhay ko.
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...