Chapter 21

41 10 0
                                    

FAST FORWARD

TWO MONTHS LATER

Dalawang buwan na ang lumipas at ramdam kong naka adjust na ako ng kaunti sa paligid ko. Hindi ako pinababayaan ni Grindel at palagi siyang nandiyan para tulungan ako sa mga bagay na nahihirapan akong gawing mag isa sa tuwing nandito kami sa school. Hindi rin nagtagal, nasanay na rin akong maglakad mag isa sa hallway kapag mas nauna akong makapunta dito sa school kaysa kay Grindel. Kapag may mga gurong dumadaan o mga seniors na nakakasalubong ko sa paligid, hindi ko nakakaligtaang batiin sila at ganoon rin sila sa akin pabalik. Sa tuwing gusto kong magtanong sa mga tindera sa cafteria o hindi kaya'y humingi ng kopya ng libro sa librarian, hindi na bumablangko ang aking isipan at hindi na rin ako tinatablan ng sobrang hiya lalo na kapag kinakausap ako. Nakikinig ako sakanila at palagi kong iniintindi ang kanilang sinasabi ng may paggalang at respeto. Kung minsan rin kapag may biglang kumakalabit o kaswal na kumakausap sa akin na may tawanan, sumasabay ako at hindi ko sinisira ang mood ng paligid.

Hindi ko akalaing magagawa ko ito sa loob lamang ng dalawang buwan. Akala ko nga walang katapusan itong pagiging introvert ko pero laking pasasalamat ko dahil parating nandiyan sa aking tabi si Grindel at tinutulungan ako ng mga kaibigan niyang naging kaibigan ko na rin sa panahong ito.

"Gem!"

Napalingon ako sa aking likuran nang makita kong kumakaway si Joleena at patakbong lumapit sa akin. Tinignan ko siya at mukhang kagagaling niya lang sa field kasi suot niya ang kaniyang PE uniform.

"Naglunch ka na ba? Halika na, sumabay ka sa akin. Papunta akong cafeteria kasi nalaman kong nandoon na silang lahat."

Sabi ni Joleena sa akin. Napatingin ako sa aking wristwatch at nakitang 11AM na nga at oras ng kumain. Kinakailangan na naming mag lunch ngayon dahil may Literature class pa kami mamaya. Kaya lang, may ibang sadya pa ako ngayon kaya hindi muna ako makakasama sa kanila.

Inangat ko muli ang aking paningin kay Joleena at napansing nakayuko siya at tila may hinahawakan na kung ano sakaniyang braso. Napakunot-noo ako at lumapit sakaniya 'saka ko nakitang may sugat pala siya roon.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit may sugat ka?"

Tanong ko. Tinignan ko iyon at napansing mukhang bago pa lamang niya natamo ang sugat na iyon. Iniwas ni Joleena ang kaniyang braso at natatawang umiling-iling.

"Wala. Muntik na kasi akong madapa kanina pero agad akong napahawak sa sementado ngunit bitak-bitak na pader sa aking gilid kung kaya nagkaroon ako ng daplis na sugat."

Natatawang sabi niya. Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi lang naman daplis iyon kasi pulang-pula ang gilid ng sugat niya at at halatang magdurugo iyon kahit sa isang pisil lang ng daliri.

Binuksan ko ang aking packbag at hinalungkat doon ang isang kit na parati kong dala-dala simula pa lang ng elementary ako. Si Dad kasi ang kusang nagpapayo sa akin na hindi tayo mga manghuhula upang malaman kung kailan dadating ang aksidente kung kaya mas mainam na maging handa. Kahit ang isang maliit na first aid kit ay malaki na ang maitutulong para maaksyunan agad ang isang sakuna. Inilahad ko iyon kay Joleena ngunit agad siyang umiling-iling.

"Ano ka ba, ayos lang kahit band aid—"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Alam ko namang mukhang wala siyang planong tanggapin iyon dahil baka nakakaabala sa akin ngunit ayaw ko naman na ipagkait sakaniya iyong gamit na iyan dahil hindi naman ako ganoon kamakasarili para balewalain ang sitwasyon ng kaibigan ko.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon