Chapter 12

50 11 0
                                    

"Holy grail! Anong nangyari sainyong dalawa at ang mumugto ng mga mata ninyong dalawa?"

Gulantang tanong sa akin ni Mom. Napakusot-kusot ko ang aking mga mata 'saka lumapit doon sa dining table. Umupo ako sa katabing upuan at sinulyapan ko si Kuya Flynn na nakayuko at mukhang wala rin sa sarili. Bumuntong hinga ako nang maalala 'yung pag uusap namin ni Kuya Flynn. Sa gitna ng paghagugol iyakan namin kagabi, biglang nakatulog si Kuya Flynn sa balikat ko kaya hinayaan ko na lamang siyang makatulog sa aking kwarto hanggang sa nakatulog nalang din ako.

"Wala ito, Ate."

Parang nahimasmasan na pagsalita ni Kuya Flynn kay Mom at bahagyang ngumiti. Nagsalubong naman ang kilay ni Mom na parang hindi siya naniniwala sa ayos lang si Kuya. Humarap si Mom sa akin na nakaangat ang isang kilay.

"And you're going to the Cruishine welcoming party today with that face of yours?"

Napahilamos ako ng mukha nang maalalang ngayon pala gaganapin 'yung welcoming party. Kung pupunta ako na ganito ang hitsura, mugtong-mugto ang mga mata, nangangawit na pisngi at pulang-pula na ilong, talagang tatadtarin ako nga walang katapusang tanong ng mga echosera at echosero kong mga kaibigan. Ngunit wala akong choice kasi strict si Professor Dexxon sa attendance ngayon.

"O' siya, kumain na muna kayo. Nga pala Flynn, tumawag 'yung isang kasamahan mong accountant sa home telephone kanina. Sabi niya may mga erroneous financial reports daw sana siyang ipapasuri sa'yo dahil kinakailangan na raw masumite itong muli sa auditing department."

Sabi ni Mom. Tumango-tango lang si Flynn at kinuha na ang mga kubyertos sa sala. Nagpaalam si Mom na aalis na muna siya para mag grocery atsaka kami na raw bahala sa mga kanya-kanya naming lakad ngayon. Nagsimula na akong kumain at hindi ko maiwasang mapatingin kay Kuya Flynn sa paulit-ulit niyang bulong sa sarili.

"I hate her." Panglabing-apat na beses na niya itong ibinubulong sa sarili kaya hindi ko mapigilang magsalita sa harap niya.

"No. You hate the meat."

Nakita ko kasing kanina niya pa tinutusok-tusok ang karne gamit ang tinidor na parang wala sa sarili. Napapailing na lamang ako kasi napaka-obvious na binabagabag siya sa sinabi ko kagabi. Alam kong wala ako sa posisyon para ibulgar iyon sakaniya, pero sa tingin ko kailangan niya ring malaman para may rason siya upang unti-unting makapag move on kay Clariza na malapit ng ikasal sa kaniyang boyfriend.

"I hate her so much... but I can't help myself from loving her even more... and even after knowing what will likely happen in the future."

Maswerte si Clariza kasi may Tito ako na sobrang tapat at mapagmahal sakaniya. Kaya lang, sa pagkakataong ito, kailangan ring bumangon ni Kuya Flynn para mahismasan siya sa sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Si Ervinn Chaldine Espalejo ang boyfriend ni Clariza na isang full-blooded Spanish. Sa pagkakaalam ko, childhood friend ito ni Clariza Louisse Alferen dahil ipinakilala ni Clariza sa akin ang boyfriend niya noong nakaraang kaarawan ko na inimbita ko silang dalawa. Hindi maipagkakailang mahal na mahal nilang ang isa't-isa sa mga galawan nilang clingy, sweet at talagang mapapanganga ka nalang sa pag iibigan nilang dalawa. Kahit isang estranghero ka lang na titingin sa kanila na mula sa malayo, masasabi mo talaga na may malalim na lebel ang relasyon nila sa isa't-isa.

"You hate her because you love her."

Hindi umimik si Kuya sa sinabi ko at nagpatuloy lang siya sa kinakain siya. Napatikom ko ang aking bibig. Kahit kailan talaga naman o, pareho lang kami ng sitwasyon ni Kuya Flynn ngayon na hashtag heartbroken at hashtag wasak na pag-ibig at hashtag hanggang one-sided love lang ang lahat.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon