Finale

52 9 0
                                    

GEM JIOVANSON DRIZDELLA'S POINT OF VIW

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na naisambit ko ang mga katagang iyon sa harapan ni Fate. Pagkatapos nang mga hindi kaaya-ayang pangyayari noon sa aming dalawa, ni hindi minsan sumagi sa isip ko na muli akong magbabalik sa babaeng una kong minahal ng lubos noon. Kahit pa man pakiramdam ko ay parang naalimpungatan lang ako ngayon at wala sa sariling lumulutang sa mga ulap, hindi ko maitatangging kulang isang salita para maipaliwanang kakaibang uri ng saya na nararamdaman ko ngayon na hindi ko kailanman naranasan sa buong buhay ko. Walang ako ka ide-ideya na si Fate lang pala ang matagal ng hinahanap nitong puso ko pero masyado akong naging bulag noon para pagbuksan ang kumakatok na pinto ng aking damdamin.

Noong mga panahong sagad ang paghanga ko kay Fate, alam ko sa kaniya ko lang matatagpuan ang bukod-tanging ligaya na humahaplos sa aking puso ngunit nang mabigo akong iparating sakaniya ang tunay kong hangarin na mahalin siya, hindi ko sinasadyang mahulog sa iba kahit alam kong matindi naman ang pwersa ng pagpipigil ko noon ngunit hindi ko nagawa.

Nang malaman kong tutol ang tadhana sa aming dalawa ni Grindel, nagbago ako na para bang isang klima na biglaang umiba sa isang iglap lamang. Hindi ko akalaing ang mga pasanin na dala ko ay katumbas rin ng pasanin na dala ni Fate. Labis akong nagsisisi sa mga kahayupang nagawa ko sakaniya dahil hindi ko alam na matagal na pala siyang nananahimik at nagdudusa ng mag-isa.

Kaya ngayon, nais kong maituwid ang lahat ng pagkakamali sapagkat ayaw ko ng maulit ang mapait na nakaraan. Nais kong maipabatid kay Fate ang pagmamahal na karapat-dapat sa isang tulad niya kahit kung tutuusin man, alam kong isa lang akong imperpektong tao na pabigat sa buhay niya. Wala akong pag aalinlangan noon na magtapat sa nararamdaman ko sakaniya kung kaya kakayanin kong tatanggapin ang hatol ng tadhana para sa aming dalawa kahit kapalit man nito ang pangmatagalang paghihintay sa tamang panahon.

"G..Gem?"

Napabalikwas ako sa aking kama at parang naibalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Fate sa kabilang linya. Sinandal ko ang aking likuran sa headboard at napangiti sa hindi malamang dahilan. Kaninang alas syete pa kami nag uusap sa phone pagkatapos maghapunan ngunit parang hindi ko pa kayang bumitaw sa tawag ngayon sa kadahilanang mas gugustuhin ko pang makausap siya kaysa sa matulog na.

"Hmmm?"

Narinig kong medyo may katahimikan sa kabilang linya kaya hula ko nasa kwarto rin siya ng mga sandaling ito. Naulinigan kong may biglang tumunog na alarm clock sa tawag pero agad rin iyong naglaho 'saka narinig ko muli si Fate na nagsalita.

"Hindi ka pa ba inaantok? It's almost 12AM midnight, kanina pa tayo nag uusap through phone."

Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi sa sinabi ni Fate. Tumingala ako sa unahan at nakita sa orasan na hatinggabi na nga. Napailing ako kasi hindi ko man lang napansin na ilang oras na pala kaming nag uusap tungkol sa iba't-ibang pangyayari na sumagi sa aming mga isipan. Hindi ko rin maiwasang mapangiti o tumawa tuwing may sinasabing nakakapukaw-interes si Fate sa akin kung kaya mas nalibang ako pag uusap namin.

"Why? Don't you wanna talk a little bit longer with me?"

May halong pang-aasar at paglalambing na tanong ko. Napasapo ko ng kaunti ang aking noo nang mapagtantong ngayon lang ako nakababad ng matagal sa phone kahit pa man hindi ako mahilig sa mga tawag at kadalasan hanggang text lang talaga ang kinagawian ko lalo na kay Grindel noon.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon