FLASHBACK
WILSON FORDE JUNIOR HIGH
TEN YEARS AGO
"Gem, halika dito!"
Biglaang pagtawag sa akin ni Grindel sa bandang table ng cafeteria. Nang mapalingon sakanila ay parang biglang nanigas ang aking buong katawan nang makitang lahat ng mga kaibigan niya ay napadapo ang tingin sa akin.
Nasulyapan kong sinenyasan ako ni Grindel na lumapit sakanila kaya unti-unti akong tumayo sa aking kinauupuan at nakayukong nagtungo sa kabilang table nila.
Ito ang unang pagkakataon na ipapakilala ako ni Grindel sa mga barkada niya dahil hindi ako sanay na makipaghalubilo sa ibang tao. Noong tumuntong ako ng elementary sa Wilson Forde Grade School ay palaging si Grindel ang nakakasama ko sapagkat kilala siya sa pagiging masiglahin at palakaibigan niyang ugali.
Kababata ko si Grindel simula pa lamang noong mga bata pa kami at siya ang kauna-unahang kaibigan na nakilala ko sa buong buhay ko. Siya ang unang babae na lumapit sa akin at hindi nagdalawang isip na kilalanin ako lalo na noong nalaman niyang bagong lipat kami sa village nila.
Kinalakihan ko ang pagiging walang kibo at tahimik lamang kung kaya't labis ang aking paninibago noong naging magkaibigan kami ni Grindel. Natutunan kong makipag usap sakaniya na hindi lang isang letra ang lumalabas sa aking bibig. Nagagawa ko ring makipaglaro, makipagkwentuhan at makipag asaran na hindi ko akalaing magagawa ko pala sa buong buhay ko.
Ngunit lahat lang iyon ay nangyayari tuwing si Grindel ang kasama ko. Kapag ibang tao ang nakikipagkaibigan at gustong makipag-usap sa akin ay agad ko silang tinatalikuran na para bang natatakot ako makipagsocialize sa kanila, pero laking pasasalamat ko sa mga panahong iyon dahil tanggap pa rin ni Grindel ang buong pagkatao ko at hindi niya ako tinangkang iwanan.
Ngunit ngayong nakatapak na ako dito sa Wilson Forde Junior High School, alam kong kailangan kong mapagka independent at hindi ko na dapat i-asa pa ang ganitong bagay kay Grindel dahil hindi naman pupwedeng palagi nalang siyang nakabuntot at nakatali sa akin samantalang ako, hindi ko man lang magawang labanan ang takot ko o palakasin ang aking loob na humarap sa reyalidad ng buhay.
Huminto ako sa tapat nila. Ramdam ko ang biglaang pagkalabog ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan pero nanatili akong nakatayo doon at kinukumbinsi ang aking isip na dapat akong magpakatatag ngayon.
Nasulyapan ko sa gilid ng aking mga mata na bahagyang ngumisi si Grindel at inakbayan ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin at nakitang nakatingin silang lahat sa akin, mga pawang nakangiti na tila ba masaya sila na makita.
Napalunok at nag iwas ng tingin. Agad namang patulak na sinundot ni Grindel ang pisngi ko kaya napabalik ang aking mga mata sa kanilang lahat. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang aking mga kamay at hindi ako makatingin ng maayos sakanila.
"Gem, ito si Daneery Jane Lim, si Asper Nathaniell Ynico, Alva Hyacinth De Yanara, Clariza Louisse Alferen, Manesa Nevada, Johannes Czarina Luxtic, Jacque Revan Hanson, Joleena Celestine Go, Darson Jared Saludes, Kooky Clandestine Luxtic, Ivy Sabreen Vegas, Zeyn Ryanille Evans at—"
Naputol ang sasabihin ni Grindel nang magsalita ang babae na nasa harapan niya at nakahalukipkip na nakatingin sa kaniyang wristwatch. Napahigpit ang hawak ko sa aking packbag at pakiramdam ko'y namamawis ang palad ko dahil sa kaba na nararamdaman ko sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
قصص عامةEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...