"Holy goodness! Sinong nagpaiyak sa'yo, anak?"
Tahimik akong nakaupo sa kwarto habang nakatunganga sa harap ng salamin. Rinig ko ang mga yabag ng paa ni Mom na dali-daling lumapit sa akin at tinignan ako. Hinawakan niya ang aking mukha at iniharap sakaniya. Nanlaki ang mata niya at bakas ang pag-aalala sa buo niyang mukha.
"Tell me Fate, who did this?!"
Galit na tanong ni Mom. Umiwas ako ng tingin at nag buntong hininga. Kitang-kita ko na nakahalukipkip na si Mom at para bang handa na niyang kalbuhin kung sino man ang taong isasagot ko. Huminga ako ng malalim. Walang kaalam-alam si Mom sa nararamdaman ko kay Gem. Alam kong magtataka siya kapag babanggitin ko ang pangalan dahil si Gem lang ang kilala niyang kaibigan ko. Hindi kasi ako palakwento ng mga karanasan ko sa paaralan at kung sinu-sino 'yung mga nakakasama ko kaya hindi nila kilala sila Daneery.
"Nothing, Mom. I'm fine. Just close the door when you leave. Matutulog na ako. Goodnight."
Matabang na sabi ko at nagtungo na sa aking kama. Gusto ko munang magpahinga ngayon. Gusto ko munang matulog. Masyadong nakakawasak ng utak ang mga nangyari ngayon at pakiramdam ko kailangan ko pa ng sapat na oras para mapakalma ang sarili ko at maiproseso ang lahat ng mga nangyari kanina. I better need a rest.
"Mag usap tayo bukas."
Seryosong sabi ni Mom. Batid kong wala akong maihaharap na mukha bukas. Wala rin akong magiging sagot sa mga tanong nila. Kung hindi sana ako sumugod nalang nang basta-basta doon, siguro hindi ito nangyayari ngayon. Hindi na sana ako sobrang nasaktan sa mga sinabi sa akin ni Gem. Hindi na sana nayaning ang buong mundo ko nang kusa niya akong tinalikuran na para bang wala akong parte sa buhay niya. Bakit ba kasi siya pa ang minahal ko? Marami namang lalaki sa mundo, pero bakit sakaniya pa napiling tumibok ang puso ko?
Bakit siya parin hanggang ngayon Ganoon na ba kalalim ang ugat ng pagmamahal ko sakanya na kahit sarili ko ay kaya kong ipahiya kanina sa harap ng maraming tao sa bar? Am I that too inlove? Or am I that too selfish for loving him too much?
Pinahid ko ang mga nag uunahang luha sa aking pisngi. Kasalanan ko ba kung mahal ko siya? Pero kasalanan ko rin bang hindi niya ako mahal? Na kapatid niya ang mahal niya?
Tinignan ko ang wristwatch ko. It's almost 10PM. Napahinga ako ng malalim nang mapagtantong basta-basta lang pala akong lumayas doon sa Oneus Hotel at hindi na bumalik pa.
Umuwi na rin si Sofia na halatang iniiwasan ang sunod-sunod na tanong mga magulang sakaniya kung bakit namumugto ang maganda niyang mga mata. Hindi ko maiwasang mahiya sa ginawa ko kanina. Nakakahiya pala iyon sa pinsan ko lalo na't iyon ang unang pagkikita namin. Hindi rin mawala sa isip ko kung paano niya nakilala si Gem at nagawa akong dalhin doon sa Chamels Bar. Pakiramdam ko tuloy matagal ng maraming alam si Sofia tungkol sa buhay ko kasi palagi akong nakababad sa social media updates kapag may mga bagay na nangyayari sa akin.
Bumangon ako at dumiretso sa dining room namin. Kumuha ako ng limang bote ng soju at dinala iyon sa balcony namin. Wala ng katao-tao ang mansion dahil maagang pinapatulog ni Mom at Dad ang mga maids namin pati na rin ako kahit pa man umaabot pa ng madaling araw 'saka ako makakatulog ng mahimbing.
Sunod-sunod kong nilagok ang beer at tumawa na lamang ng mapakla. Pakiramdam ko mas sasarap pa ito kapag may kasama ako ngayon. Tumingala ako sa kalangitan at nakitang walang mga bituin ang nakasilay doon.
Napaismid na lamang ako at napailing-iling. Nakikiramay rin yata ang kalangitan sa nararamdaman ko ngayon. Ni isang salita walang lumabas sa aking bibig at patuloy lang ako sa pag inom. Dama kong humahapdi na ang aking lalamunan pero wala na akong pakialam roon. Saksi ang mga boteng ito sa paghihinagpis ko ngayong gabing ito.... kung kailan tuluyan na akong itinakwil at ibinasura ni Gem sa buhay niya.

BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...