Chapter 19

48 10 0
                                    


"F-fate? Anong nangyayari sa'yo? Tapos ka na bang utusan ng guro natin? Atsaka bakit ba napaka haggard ng mukha mo?"

Tanong ni Daneery sa babaeng kadadating lang. Hinihingal-hingal pa siya habang hinahawakan ang kaniyang dibdib. Inabutan siya ng tubig ni Johannes na nasa kaniyang gilid at agad niyang ininom iyon. Sandali siyang huminga ng malalim 'saka ibinagsak sa mesa ang isang mahabang box na dala-dala niya. Seryoso ang kaniyang tingin na para bang inuutusan kaming ibaling sakaniya ang buong atensyon namin ngayon.

"Hindi iyan ang importante ngayon. Kailangan ko ng tulong niyo."

Matabang na sabi niya at kinuha ang laman nong box. Napatingin naman ako doon sa mga kinukuha niya na para bang... puzzles? Nanlaki ang aking mga mata ngunit agad akong nahimasmasan. Hindi ako mapakapaniwalang ang laki ng mga pieces non. Parang mas malaki pa sa palad ng aking mga kamay. Pakiramdam ko may kung anong humaplos sa puso ko nang maalalang sobrang kinahihiligan ko ug paghulma ng mga puzzles noong elementary pa ako. Ilang beses na rin ako sumali sa mga paligsahan at naiuuwi ang kampyonato dahil sa pinapalunan ko talaga ito ng matagumpay.

"T-teka, kay Izzy Divina ba ito? 'Yung representative sa History Quiz Bowl interclass competition under ni Mrs. Agcopra?"

Nagtatakang tanong ni Kooky habang pinagmamasdan ang mga pieces na na nakalapag doon sa mesa. Napatingin ako roon at nanliit ang aking mga mata nang maobserbahang parang pamilyar ang mga pieces na iyon sa akin. Kung ipagdudugtong-dugtong lahat ng iyon, malakas ang kutob ko na makikilala ko ang puzzle na iyon. Humalukipkip si Fate sa harapan namin kaya hindi ko maiwasang mapalingon muli sakaniya.

"Oo, at kailangan ng tulong niyo na maikonekta ang mga lintik na puzzles na ito na sobrang dami. Mamaya na kasing alas dose ang competition nila sa gymnasium tapos wala siyang mahingiian ng tulong kasi may meeting pa ang mga guro ngayon sa Communications Room. Tapos diretso ng magsisimula ang competition mamaya pagkatapos nila. Ngunit sa pagkamalas-malas na pagkakataon, e' ngayon lang nainform si Izzy na kailangan pa pala niyang maresolba ang puzzle na ito para may mapag aralan siya tungkol dito at may mga maisasagot siya mamaya!"

Tarantang sabi ni Fate kaya napapitlag ako at napayuko. Pakiramdam ko mukha akong ewan dito kasi may mga pinagkakaabalahan pala sila at wala ako sa posisyong manghimasok sa pinag uusapan nila. Luminga-linga si Alva na nasa tabi ni Joleena na para bang may hinahanap sa paligid.

"N-nasaan ba si Izzy? 'Diba siya lang 'yung nakapasok sa final rounds. Sayang naman kung matatalo siya dahil lang sa hindi niya nalaman na may gagawin pa pala silang ganito." Tanong ni Darson na nasa aking likuran at hinahanap rin ang babaeng tinutukoy nila.

"Nasa baba siya, umiiyak doon sa restroom. Kanina ko pa pinapatahan pero ayaw pa rin umawat kaya kinuha ko na itong mga puzzles niya para madala dito. Tulungan niyo ako, bilis!"

Pamuna ni Fate sa amin na bahagyang tuminis na ang boses. Bigla silang nagsitinginan kay Daneery at Grindel kaya pati ako napatingin na rin kay Grindel. Mukhang nagegets ko na rin na sakanila mapupunta ang responsibilidad na ito dahil sila ang pinakamatatalino sa barkada nila. Napabaling ako kay Fate na ngayon ay mapaklang tumawa ng isang beses at napasapo ang kaniyang noo. Halatang nadismaya siya na akala niya magtutulong-tulong ang lahat pero ay Grindel at Daneery lang pala ang kababagsakan ng mga puzzles. Napalunok ako at napayuko muli. Gusto kong tumulong pero....

"Huwag kayong mag alala, kayang isolve iyan ni Gem ng tatlong minuto lang."

Natigilan ako nang biglaang magsalita at banggitin ni Grindel ang pangalan ko. Lahat kami ay napalingon sakaniya. Nanlaki ang aking mga mata. Nginisian niya ako na para bang confident siya na matutulungan ko sila ng mga kaibigan niya. Aangal na sana ako nang biglang nagsalita si Fate.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon