Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng welcoming celebration ng mga newly hired employees sa Cruishine. Malugod na tinanggap ni Sir Dexxon ang kanya-kanya nilang pasasalamat dahil buong puso silang tinanggap at binigyan ng pagkakataong makapagtrabaho at ipamalas ang kung abilidad na mayroon sila dito sa kompanyang ito. Isa-isa rin silang giniyahan ng sekretarya ni Sir Dexxon sa iba't-ibang departments, ipinakilala sa mga officials at officers, at pinalibot o tinour sa mga buildings ng Cruishine Company. Tanaw na tanaw namin sila dito sa baba ng function hall habang manghang-mangha silang nagtour sa kabilang building.
Humalukipkip ako at sumandal sa ledges. Kasalukuyan kaming nandito sa function hall dahil katatapos lang namin magluto at mag dine ng mga dishes sa mga kliyente ni Sir Dexxon kanina na kagagaling pa sa Netherlands.
Nag unat-unat ako ng aking ulo dahil pakiramdam ko ay mukhang hihiwalay na ang aking katawan sa kaluluwa ko dahil sa sobrang pagod na natamo. Tatlong oras ba naman kasi akong nakatayo at pabalik-balik doon sa oven kasi puro mga cold desserts ang specialties ngayon ng mga kliyente atsaka isa rin ito sa mga araw kung saan madaming clients kasi kapag maraming nababalitaang newly hired employees ang Cruishine, tinatadtad ng tawag at executive requests ang opisina ng ina ni Sir Dexxon dahil sa kabi-kabilang foreign investors na dumadating. May limang subsidiary companies ang Cruishine, sa North Carolina US, Roma sa Italy, Shanghai sa China, United Kingdom at dito sa Pilipinas. Kung kaya hindi maipagkakailang sobrang successful at malago ang kompanyang ito na pagmamay-ari ng pamilya ni Dexxon.
Nagulat ako nang may maglahad ng isang bottle ng tubig kaya napalingon ako kung sino iyon. Tinignan ko iyon at nakita si Joleena na sumandal din sa ledges. Inabot ko iyon at agad na binuksan para inumin.
"Maayos na ba kayo ni Gem? Mukhang hindi kayo nag iimikan ah. Ayos na ba kayong dalawa o may cold war lang kayo ngayon?"
Napalingon ako kay Joleena na nakataas ang kabilang kilay habang tintignan ako. Humarap ako sa ledges at tinanaw ang botanical garden ng Cruishine na nasa aming harapan. Napakapresko ng hangin ito sa labas ng function hall, tamang tama lang pampagaan ng loob pagkatapos ang laban na naranasan namin kanina.
Kanina pa kami hindi nag iimikan ni Gem at kaninang umaga ko pa napapansin iyon. Hindi kami na-assign sa parehong station ngayon kung kaya't hindi ko pa siya nakakausap. Ngunit noong nakita namin ang isa't-isa ay parang wala lang nangyari kasi tinignan ko lang siya tapos tinignan niya rin ako pabalik, ngunit banayad lamang na reaksyon ang pinapakita niya na parang hinihintay niya akong batiin o ngitian siya kaya lang — mas pinili kong mag iwas na lamang ng paningin.
"Wala. Mas pinili lang namin na manahimik ngayon at hindi istorbohin ang buhay ng isa't-isa."
Wala sa sariling sabi ko habang pinagmamasdan ang mga halaman sa botanical garden. Kung may ganito kalaking garden lang kami sa bahay, tiyak araw-araw kong didiligan ang mga bulaklak at mga halaman, kaso nga lang, wala kaming garden dahil hindi mahilig sa mga halaman ang parents ko at wala ring plano si Mom na magpatayo ng garden sa bahay namin.
"Wow, bago iyan ha. First time naging mutual ang feelings niyo ano? Nagkakaintindihan na ba ang mga puso niyo ngayon, Fate?"
Nang aasar na sabi ni Joleena. Napailing na lamang ako sa kawalan habang dinig na dinig ko sa aking tabi na tinatawanan ako ni Joleena ngayon. Napalingon ako muli sa aking likuran at nakita sa pinto ng function hall na abala pa ang iilan sa mga kaibigan ko na mag introduce at pagpapaliwanag ng mga dishes sa mga naka assigned na clients sakanila.
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...