Chapter 27

41 9 0
                                    

Nangibabaw ang sandaling katahimikan sa loob ng sasakyan ni Gem habang nanatiling nakapako ang paningin ko sakaniya habang may namumuong luha sa aking mga mata. Bumaling sa akin si Gem at hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin siya sa akin. Ito ang unang beses na pareho ang emosyong nakakubli sa mata naming dalawa. Banayad ang mukha ni Gem ngunit may nakasilay na lungkot sakaniyang mga mata. Hindi ko inalis ang paningin ko sakaniya at ganoon rin siya.

"Kung sakaling napagpasyahan mong dinggin ang pag-ibig ko sa'yo noon, sa tingin mo ba magagawa ng puso ko na pakawalan ka ngayon?"

Sambit niya habang diretso ang tingin sa aking mga mata. Napayuko ako at agad na nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sakaniya lalo na ngayo'y unti-unti na namang sumisikip ang dibdib ko na para bang may nakabaon na patalim doon.

Totohanan man o hindi ang nararamdaman mo sa akin noon Gem, kung babalik at babalik ako sa sitwasyong iyon, iisang desisyon pa rin ang pipiliin ko. Ayaw kong ipagkait kay Grindel ang pag-ibig na nararamdaman niya sa'yo. Ayaw ko ring magpadalos-dalos sa mga kilos dahil baka darating ang araw na pagsisisihan ko ang lahat.

Mas pipiliin kong maghintay sa wala kaysa sa sakalin ka sa bagay na hindi naman ikakasaya ng puso mo. Hindi ako nagsisi sa desisyon kong pakawalan ka dahil alam mong minahal ka ni Grindel ng lubos kahit pa man ganito ang nagiging kahihinatnan ng lahat.

Bumaling ako sa labas ng bintana at napansing nandito na pala kami sa labas ng mansion. Sumulyap ako kay Gem na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Kahit hindi mapakali ay sinubukan kong magsalitang muli.

"Nandito na tayo."

Sabi ko kay Gem. Nag iwas siya ng tingin at may pinindot na button sa harap. Nauna siyang lumabas sa pinto ng sasakyan at pinagbuksan niya ako pinto sa gilid ko. Nang makalabas ako ay agad akong nagbow at nagpaalam sakaniya 'saka maglalakad na sana paalis nang bigla niyang pinigilan at hinawakan ang braso ko.

"Fate, s-sandali."

Sabi niya. Kumalabog ang puso ko. Muli akong humarap sakaniya at nakitang may hawak siyang payong sa kabilang payong. Bumitaw siya sa akin at inabot sa akin ang payong na iyon kaya bahagya akong natigilan at nagtaka. Napaangat ako ng tingin sakaniya at magtatanong na sana nang bigla siyang magkamot ng batok bago nagsalita.

"Dalhin mo iyan. Nalaman ko sa forecast na uulan bukas ng maaga. Magdala ka ng payong papuntang Cruishine."

Sabi niya. Napakunot noo naman ako at tinignan iyon. Inilahad ko iyon sa harap niya kaya napatingin siya muli sa akin at ibinaba din ang tingin doon sa payong.

"Ayos lang, may payong naman kami sa bahay e."

Umiiling na sabi ko sakaniya. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi at humakbang papalapit sa akin. Natigilan ako lalo na at huminto siya malapit sa tapat ko at ginulo ang aking buhok habang nakatingin pa rin sa akin.

"Huwag ka ng kumontra, freebie iyan kanina sa Minimart nong may inutos si Sir Dexxon sa aming dalawa ni Darson. Sa'yo na iyan, hindi ko naman na kailangan magdala niyan."

Nakangiting sabi niya habang tinitignan ako. Heto na naman ang puso ko, hindi na naman maawat sa pagkalakas-lakas ng pintig. Tumigil ka na, Gem, kung ayaw mong sumabog ako na parang bulkan sa harap mo. Naramdaman kong uminit ang aking mukha kaya humakbang ako ng isang beses paatras.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon