Chapter 2

84 15 0
                                    

Nang makapasok ako doon sa loob ng bar, agad kong nahagilap si Gem sa gilid ng malaking table. Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang aking buong mukha sa nakita. Kahit pa man napakaingay sa loob at maraming tao nagpapakasaya na para bang mga walang problema sa buhay, kusang gumalaw ng mabilis ang aking magkabilang paa at pumunta doon sa pwesto ni Gem.

"Fuckbirds!"

Agad kong hinila ang mahabang buhok ng babaeng kahalikan ni Gem dahilan para magulantang silang dalawa. Walang pag aalinlangan ko siyang sinabunutan kung kaya't ang iba pang kababaihan na kasama nila ay napalapit sa amin at pinigilan kaming dalawa. Dumadaing lang ang hawak kong babae at papalag na sana siya nang marahas kong itinabig ang mga kamay niyang pumipigil sa akin.

"Hayop kang babae ka! Anong karapatan mong halik-halikan ang pagmamay-ari ko? At sa leeg pa talaga ha? Napakalandi mo, bitch!"

Gigil na singhal ko. Halos hindi naman magkamayaw ang ibang taong malapit sa kinatatayuan namin na nag iinuman at gulat na napatingin sa amin. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may mga bouncer na lumapit sa amin.

"Cous, stop that already! Calm down!" Hindi ko alam na nakasunod pala si Sofia sa akin ngunit wala na akong pakialam doon. Nangangalaiti talaga ako sa pinaghalong inis, sakit at galit ngayon.

"Miss, tama na! Awat na po kayo!"

Bakit hindi ka pumapatol diyan, babae? Lumaban ka, hutangina mo! Sinipa ko ang tagiliran niya kaya napasigaw siya. Napasinghap naman ang mga nanonood sa amin. Sapilitan na akong hinila ng mga bouncer at pinalayo sa babae.

Nagpupumiglas ako kasi gusto ko pang sugurin ang babae ngunit hindi na ako makalapit dahil ang hihigpit ng mga pagkakahawak nila sa akin. Napakagulo na ng buhok niya at hindi ko makita ang hitsura niya dahil tinatakpan niya ito. Halos matumba na rin siya kaya mabilis siyang hinawakan ng ibang bouncer.

Nagkagulo ang mga tao sa loob at napahinto ang malakas na tugtog sa paligid. Lahat ng mga tao ay nasa amin ang atensyon. Napaangat ko ang gilid ng aking labi na parang wala sa sarili habang tinitigan ang babae. Dumako ang paningin ko kay Gem na matalim ang tingin sa akin habang inalalayan din ang babae. Muntik na akong matigilan pero hindi ako nagpatinag. Alam ko na ganitong reaksyon ang mismong ipapakita niya sa akin sa una pa lang.

"Oh, gosh! Please be careful!"

Kinaladkad ako ng mga bouncer sa labas ng Chamels. Rinig kong ilang ulit na humingi ng paumanhin si Sofia sa loob 'saka kami sinundan palabas. Hindi ko alam pero nanghina ang aking buong katawan at nang makalabas na kami ay agad akong napasalampak sa daan. Ramdam kong nanginginig ang aking buong katawan at hindi ako makapagsalita.

"Oh goodness... cousin, I'm very sorry. My bad. I'm very sorry, oh goodness. I should haven't brought you here. I'm very sorry.."

Inangat ko ang aking paningin kay Sofia na na umiiyak at basang-basa ang pisnging nakatingin sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko'y bigla akong nahismasmasan. Nilapitan ko siya at niyakap. Napapikit ako ng mariin at napamura. Pinaiyak ko ang kabago-bago ko pa lang nakilala na pinsan. Hindi ko namalayan na nag unahan na ang aking mga luha sa pag-agos dahil sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ng aking dibdib.

"I'm so sorry... Sofia. It's not your fault. Please don't blame yourself."

Alam kong sa mga oras na ito, mapapatay talaga ako ni Mom kapag malalaman niya ang nakakahiyang pangyayaring ito. Bigla akong nagsisi na hindi ko nasabihan si Sofia na huwag na sumunod sa akin sa loob. Huta talaga.

Bago pa man ako bumitaw sa pagkakayakap kay Sofia ay may marahas na humila sa akin papatayo. Napatili naman si Sofia dahil sa gulat. Napapitlag din ako pero noong pagkaharap ko nanlaki ang aking mga mata at walang kurap na napatingin kay Gem na nangangailiti sa galit ang mukha.

Sobrang pula ng pisngi niya at kitang-kita ko sa mga mata niya walang bahid ng tuwa ang reaksyon niya ngayon. Lumandas ang luha sa aking pisngi at nagtiim bagang din sa harap niya. Itinabig ko ang mga kamay niya ngunit mabilis niya itong nahuli at hinigpitan ang pagkakahawak. Napadaing ako sa sakit at dinig kong nagsasalita si Sofia sa likod upang pigilan kami.

"What the fuck did you just do?! Anong klaseng babae ka para gawin iyon sa harap ko? At sa harap ng maraming tao?! You're so fucking desperate! Ano bang pumasok sa maliit na kukote mo at napakalakas ng loob mong mang atake dito sa bar? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?!"

Sunod-sunod na singhal ni Gem sa harap ko kaya naestatwa ang aking buong katawan. Ramdam kong bumagsak ang buo kong sistema sa sinabi niya at may kung anong pumaslang sa puso ko. Mas lalong nagsiagos ang aking mga luha habang tinitignan siya. Agad ko siyang sininghalan pabalik.

"Why would I feel ashamed and embarrassed of myself? Hindi ba ikaw dapat ang mahiya?! Hindi ka ba nandidiring makipaghalikan sa babaeng hindi mo naman kilala? Ganoon ka ba ka-bitter kay Grindel kaya nagawa mong magpakasarap ngayon na parang nabubulok na hayop?! Who's the real desperate here, huh? Wala kang karapatang husgahan ang ginawa kasi alam mong ikaw ang may saltik sa utak dito!"

Bulyaw ko sakaniya. Narinig ko naman na inaawat na ako ni Sofia sa likuran pero hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Galit na galit ako sa ekspresyong pinapakita ni Gem ngayon. Hindi na siya dating Gem na nakilala ko. Hindi na siya ang dating Gem na minahal ko ng sobra-sobra na para bang siya lamang ang lalaki na kaya kong ibigin sa panghabang buhay.

Natigilan akong muli nang itinuro-turo ako ni Gem. Halatang hindi rin siya nagpaawat sa sinabi ko at talagang may masasabi pa siya sa kagagagahang nagawa ko kanina. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong tratuhin ng ganito ngayon na para bang hindi ako isa sa mga matalik na kaibigan ng kaniyang dating minahal na babae.

"Shut the hell up, Fate! Kaano-ano ba kita, ha? Bakit ba sobrang pakialamera mo sa buhay ko? I don't give a fuck about your life, kaya pwede ba tantanan mo na ako?! Wala kang mapapala sa akin, for heaven's sake. You know what... if the scandal you made tonight spreads out of nowhere, I'll make you pay for this! You'll going to pay for your desperation!"

Singhal ni Gem at walang pasubaling mabilis na naglakad palayo sa akin. Naiwan akong natulala at hindi makagalaw sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ako ka-desperada? Bakit ba pinipilit niya akong lumayo sakaniya? Hindi niya ba alam na lahat kaming malalapit sakaniya ay nag aalala na sa sitwasyon niya?

Napaluhod na lamang ako at napahikbi. Sobrang sakit ng puso ko ngayon na para bang may patalim na nakabaon nito. Naramdaman kong yumuko si Sofia sa aking gilid at niyakap ako. Mas lalo akong napahagulgol sa awa, sakit, pagsisisi, galit at lungkot na nararamdaman.

"I'm sorry, Fate..." Ilang beses na humingi ng patawas si Sofia habang ang isipan at kaluluwa ko naman ay para bang biglang naglaho at naging maiitim na abo sa isang iglap lamang.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon