Naramdaman kong bahagya akong siniko ni Joleena na nasa kabilang tabi ko pero hindi ako napakurap habang nakatingin kay Gem. Siya naman ay diretso lang ang tingin sa stage habang nakahalukipkip. Sa dinami-dami ng vacant chairs sa paligid, bakit sa tabi ko pa siya naupo? Naghahanap na naman ba siya ng away?
Napalunok na lamang ako at nag iwas ng tingin. Pakiramdam ko tuloy hindi ako mapapakali nito dahil nasa tabi ko siya. Ilang minuto ang nagdaan 'saka lumabas si Sir Dexxon sa stage na sobrang lapad ng ngiti at mukhang pormal na pormal sakaniyang suot. Galeng. Sila lang naka formal attire samantalang kami dito sa baba ng stage pawang mga naka swimming suit lahat. Nagsipalakpakan naman kaming lahat nang magsimula ng magsalita si Sir Dexxon sa aming harapan.
"Una sa lahat, maraming salamat sa pagdalo niyo dito sa welcoming celebration para sa newly hired employees ng Cruishine Company. Sa mga hindi rin po nakakaalam, ang selebrasyon ding ito ay ipinagdidiriwang para sa advanced promotion for senior levels at awarding para sa ating mga executive officials. Lubos na nagpapasalamat ang Cruishine Company sainyong presensya, dedikasyon at tapat na serbisyo bilang mga chefs ng kompanyang ito. Nawa sana'y pagbutihin niyo ang inyong trabaho at huwag kakalimutan ang mga aral na makukuha niyo sa araw-araw na kayo'y naririto sa loob ng Cruishine. Magsilbing inspirasyon sana sainyo na ang pagluluto ay maikukumpara rin sa takbo ng ating buhay. Lahat tayo ay may kakayahang bigyang kahulugan ang mga sangkap na nasa ating mga kamay at gamitin ito upang makabuo ng isang kahihinatnan na naaayon sa ating kagustuhan. We hold the destiny within our hands and it is up to our decisions as to how could we make it worthy to be reached and how we would be able to achieve it with all of our efforts and dedication. Mapaso man tayo, masugatan, mainitan o matalsikan ng mga problema sa buhay, sa huli ay pinagpapatuloy natin ang mga bagay na dapat tapusin upang matagumpayan natin ang magandang resulta na ating inaasam. Sana'y huwag kayong sumuko sa mga bagay na gusto niyong makamit at gawin ang lahat upang maabot niyo ang mga natatanging pangarap sa buhay. Iyon lang. Maraming salamat sa lahat. I hope you will enjoy the rest of the day."
Masiglang sabi ni Sir Dexxon kaya nagpalakpakan kaming lahat. Naghiyawan naman ang iba na nasa aming likuran kaya napangiti nalang din ako. Nakakainspire talaga kapag si Sir Dexxon ang magsasalita sa harapan. Hindi mo talaga maiisip kung manager ba siya or isang ordinary chef lang gaya namin kasi sobrang bata pa ng hitsura ni Sir Dexxon pero napakatalas na niyang magsalita at halatang may silbi talaga ang kaniyang mga iniisip.
Inabot ng trienta minutos ang programme dahil may mga annunciation of promotions at awarding ang naganap. Ramdam kong uminit na ang aking palad dahil sa pagpapalakpak pero keri naman kasi natutuwa akong masaya ang halos lahat ng mga chefs dito sa loob.
Nagsimula na ang lunch at pumila na kami roon sa malaking table na sobrang daming pagkain. Ramdam ko naman na kumikinang na ang mga mata ko sa sobrang sarap at bango ng mga ulam na nasa aming harapan. May mga chefs na nagse-serve ng mga food sa plates namin kaya malaya kang mamili kung ano ang gusto mong kainin at isantabi ang mga pagkain na nagpapa allergy saiyo.
Nabigla ako nang may naglagay ng Richttene Pasta sa aking plate mula sa gilid ko kaya napalingon ako sa tabi. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Gem iyon. Nilagay niya iyong extra small bowl sa plate ko na may lamang pasta kaya kunot-noo ko siyang tinignan. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong inunahan.
"That's your favorite, right?"
Natigilan ako at para bang kumalabog ang puso ko sa tanong niya. Ilang segundo kaming nagkatinginan pero agad siyang bumitaw ng tingin 'saka nagpasalamat sa chef na huling nagserve ng dessert sa plate niya. Napakurap ako at magtatanong na sana ngunit agad siyang tumalikod 'saka naglakad paalis papunta sa mga dining table na kinaroroonan nila Asper. Teka lang talaga ha, paano niya nalaman na favorite ko ito?
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...