Chapter 8

51 11 0
                                    




"Huwag kang uminom doon, okay? Alam mo namang may hika ka. Atsaka huwag mong kalimutan na ipabati kami kay Zeyn. Tell me that we're happy for him."

Untag ni Mom sa akin. Tinanguan ko lang siya at ngumiti habang sinusuklay ang buhok ko harap ng salamin. Isang simpleng maxi pink dress at white sandals ang suot ko ngayon. Nagdala na rin ako ng purse para sa mga gamit ko pang retouch mamaya.

Balak ko sanang mag sleepover doon kila Zeyn, kaso hindi pwede kasi may welcome party sa Cruishine Culinary. Binilin sa amin ni Professor Dexxon na dapat maaga kaming pumasok sa trabaho bukas. Kada taon kasi may welcome party sa mga bagong applicants, employees at nagtatalaga rin sila ng mga bagong head officials every department lalo na ang mga board of directors na silang higpit na namumuno sa company. Atsaka, doon pa rin iyon sa loob ng Cruishine gaganapin bukas.

"Bye, Mom. Alis na ako." Pagpaalam ko kay pagkatapos kong makapag-ayos lahat lahat na. Lumapit ako sakaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi. Niyakap naman ako pabalik ni Mom.

"Sige mag iingat ka."

Matapos kong makipagbeso beso kay Mom ay agad na akong nagpahatid sa driver namin papunta sa venue kung saan ipagdidiwang ang kaarawan ni Zeyn. Si Dad naman ay wala sa bahay kasi mago-overtime daw siya work ngayon dahil sa sobrang daming clients na kararating lang galing sa US.

Black Sapphire ang ginamit naming sasakyan pag punta sa bahay nila Zeyn. Trienta minuto pa ang dumaan bago ako makarating ako kila Zeyn. Sa Zeus Avenue kasi ang sakanila kaya malayong maaga akong makarating dito. Pinark ng driver namin ang sasakyan sa parking lot. Nagpaalam naman siya na tatawag lang ako sa home telephone namin kapag magpapasundo na ako sakaniya. Tumango naman ako at nagpasalamat sakaniya bago naglakad papuntang mansion nila Zeyn.

Huminto ako sa tapad ng guard house at inangat ko ang aking paningin. Muntik nang malaglag ang aking panga dito sa harap ng gate dahil kitang-kita kung gaano kalaki at kaganda ang mansion nila. Huta. Mayaman din pala ang Zeyn na ito ha. First time kong makapunta dito sa kanila.

"Invitation letter po."

Napalingon ako nang magsalita ang guard sa gilid. Napakurap ako at wala sa sariling hinalungkat ang purse. Agad akong napaayos ng tayo nang mapagtantong wala namang invitation letter na binigay si Zeyn sa amin na mga kaibigan niya.

"Sir, wala po siyang pinamigay na invitation let—"

Hindi ako natapos sa pagsasalita nang walang ka emo-emosyon at napapailing akong tinalikuran ng guard. Nanlaki naman ang mga mata ko sa reaksyon niya. Teka! Invited po ako! I'm not lying here.

"May invitation letter po siyang pinaabot sa mga taong gusto niyang imbitahan, Maam."

Seryosong sabi ng babaeng guard na katabi nong nakausap ko. Napakurap ako at napaisip ng ilang sandali. Wala akong matandaan na personal siyang nag abot ng letter sa amin doon sa Cruishine kasi naman hindi kami palaging nagkakasalubong ni Zeyn noong mga nakaarang araw lalo na't nasa ibang station siya naka assign. Maliban nalang kung....

Hinalughog ko muli ang aking purse at kinuha ang aking phone. Agad kong binuksan ang messenger at ipinakita sa dalawang guard ang message sa amin ni Zeyn. Hindi pa nakuntento ang babae at pinatignan pa sa akin ang profile ni Zeyn kung legit ba na siya 'yung nag message sa amin. Napasapo ko ang noo ko nang tumango ang babaeng guard atsaka agad akong pinagbuksan ng gate. Napahinga ako ng malalim. Humanda talaga itong si Zeyn mamaya. Napakastrikto ng mga guard niya. Tas invitation letter ba 'yung message niya ha?! E' napaka informal nga no'n e, may 'no gift, no entry' pa siyang nalalaman diyan.

______________________

Nang makapasok ako sa napakamarangya at napakaekslusibong venue, agad akong sinalubong ni Tita Elena, ang napakaflawless at mala-diyosang na Mommy ni Zeyn.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon