Chapter 5

68 11 0
                                    


"Grindel!"

Niyakap ko si Grindel. Nginitian niya ako at sinabayan ako ng pasok sa magiging room rin niya. Ewan ko ba. Hindi ko magawang magalit kay Girelyn sakabila ng mga nangyari. Pinaasa niya ang taong mahal ko pero lumalabas parin ang katotohanan na mahal ko rin si Grindel kasi ilang taon na rin kaming magkaibigan. Atsaka alam kong malalim ang pagmamahal niya kay Grae ngayon lalo na't hindi nakakaligtaan ni Grae na patunayan kay Grindel kung gaano niya ito kamahal simula pa lamang noong kabataan nila.

"Uhm, saan ba area ko?"

Napatingin rin si Gion at Gem sa amin. Nagtama ang aming paningin kaya agad rin niyang ibinaba ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sakaniyang ginagawa. Napakuyom ko ang aking palad dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Hindi man lang siya nakahingi ng tawad tapos ang sasakit pa ng mga salitang binitawan niya. Nakakainis. Buti at hindi ako nabalian ng buto kahapon matapos akong mapasampa dito sa sahig. Atsaka naintindihan din ni Professor Dexxon ang nangyari kung kaya't pinayuhan niya ako na sana hindi na iyon mangyaring muli at mag iingat na ako sa aking mga galaw.

"Grindel, kumusta ka na? Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo? Kaya mo na bang magluto ngayon?"

Tanong ni Gion sa akin habang nagpupunas siya ng kitchen knives at thongs. Ngumiti lang ako sakaniya nang makitang nakangiti siya sa akin. Inalalayan ako ni Grindel papuntang pwesto ko 'saka rin siya bumalik sa area niya. 'Saka ko lang rin napagtantong ang layo ng pwesto ni Gem mula sa akin.

Pinagmasdan ko ng ilang segundo si Gem nang makitang lumapit si Grindel sa kaniya at may tinanong tungkol sa ingredient ng Panzenella at Veal Parmesan na ginagawa niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa aking dibdib sa tuwing nakikita ko silang dalawa na malapit sa isa't-isa. Alam ko namang wala ng malisya iyon kay Grindel ngunit alam ko rin naman na nagpapanggap lang na okay 'yang si Gem. Napabuntong hininga na lamang ako at tulalang tinignan silang dalawa.

"Fate! 'Yung bacon na niluluto mo, nasusunog na!"

Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Gion. Binalingan ko ang stove at makitang si Gion na mismo ang nag off niyon. Mabilis akong lumapit roon habang napamura sa sarili.

"Will you snap out your finger infront of you, Fate? Alam mo namang mahigpit na ipinagbabawal sa atin na makagawa ng kamalian dito sa loob ng station, hindi ba? Could you please set aside your personal problem if you are really determined to do your task here?"

Seryosong sabi ni Gion. Napalunok ako at napayuko. Pakiramdam ko nawala rin sa isip ko na si Gion ang station leader namin dito. Kung magawa kami ng kasalanan at pagkakamali dito sa loob, siguradong siya ang malilintikan ni Professor Dexxon. Naman kasi, Fate. Bakit ka ba kasi natulala kanina? You have to be professional kapag nasa trabaho ka!

Nasulyapan kong lumapit si Grindel sa akin. Nanatili namang nakatayo si Gem sa pwesto niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa amin.

"Hey, are you okay? Fate, I think you should rest for now. Huwag mo nalang ipilit na magluto kasi kailangan mo ring magpagaling para makakilos ka ng maayos sa pagluluto mo."

Alalang pagpayo sa akin ni Grindel at hinawakan ang aking braso. Napabuntong hininga na lamang ako. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napailing-iling si Gion at bumalik na sa pwesto niya.

"Iyan kasi ang napapala ng mga nagtatangahan. Nadapa na nga kahapon, lampa pa rin hanggang ngayon."

Nanlilisik ang mga matang tinignan ko si Gem. Napalingon naman si Grindel sa kaniya na para bang nagulat sa sinabi niya. Samantalang walang reaksyon sa mukha si Gion at nagpapatuloy lang sakaniyang ginagawa.
Pakiramdam ko nag iinit na naman ang buong mukha ko kagaya kahapon. Aba, ang hilig niya talaga maghanap ng away ano.

Inawat ako ni Grindel ngunit mas nanaig ang inis na nararamdaman ko kay Gem. Nakaangat ang kilay na tinignan niya lang ako habang nakasandal malapit sa oven na pinanggamitan niya kanina. Pakiramdam ko umuusok ang tainga ko sakaniya ngayon.

"Haha. Sino kaya 'yung mas tanga sa amin? 'Yung tanga na nadapa o yung tanga na humahabol-habol?"

Alam kong napaka childish na ng mga kilos namin ngayon ngunit wala akong pakialam! Sasabak ako sa giyera kapag alam kong inaapak-apakan na ako lalo na't hindi ko naman siya inunahan kanina sa pang aasar. Siya lang naman itong inatake na naman ng pagkasaltik niya. Nakita kong napalayo si Grindel sa gilid ko at hindi makapagsalita. Balak ko sana siyang aluhin at sabihing labas siya sa isyu namin pero hindi ko na siya binigyang-pansin lalo na't mas naging mapang-asar ang reaksyong ipinakita sa akin ni Gem.

"Syempre, 'yung nadapa ang tanga. Paano naman naging tanga ang humahabol-habol? Tss, that's what we called common sense. Mas ayos pa sigurong humabol-habol nalang."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Napakatalino sana ng taong ito, pero napakatalunan naman pagdating sa pag-ibig. Batid kong kahit kailan hindi siya mananalo sa paligsahan ng pagkuha sa mga puso ng babae. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Talaga? Maghahabol ka sa wala? Tanga pa rin ang tawag non. Para lang ligaw na pusa na nakamasid sa daga gamit ang pang-amoy." Nagsalubong ang kilay ni Gem. Napagtanto ko rin ang sinabi ko. Ang kadiri naman sinabi ko. Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Gion na ngayo'y pinagmasdan na kaming dalawa ng tingin.

"Ang alam ko kasi ang daga ang nadadapa. Wala silang ginagawang masama pero patuloy pa rin silang hinahabol sa pusa. Hindi ba katangahan rin iyon? Naghahabol ka sa wala?" Dagdag ko pa. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Gem. Napatikhim naman si Grindel sa tabi ko na para bang pinapatigil kami ni Gem sa mga walang kwentang pinagsasabi namin.

"Kasi ang hinahabol ng pusa ay ang daga. Siya ang pakay nito. Hindi katangahan ang tawag doon. Gutom iyon!"

Sabi ni Gem at tumalikod na sa akin. Pakiramdam ko nasusuka ako kasi nandito kami sa loob ng kitchen ngunit ang sasagwa ng mga sinasabi namin. Pero hindi ako papatalo sa hayop na ito. Umarko na rin ang kilay ni Grindel at umiling-iling na tinignan ako.

Bumuntong hininga ako at nagsalita sa huling pagkakataon.

"Buti alam mo. Pero sa tingin mo ba magpapahabol ang daga sa pusa? Syempre, hindi. Kaya parang tangang maghahabol ang pusa sakaniya. Iyon ang totoong katangahan. Mas kawawa ang mga taong naghahabol kaysa sa mga nadadapa."

Mariin na sabi ko atsaka tinalikuran silang lahat. Mabilis akong umalis doon at napagpasyahang ipakalma muna ang aking sarili sa loob ng restroom. Napahilamos na lamang ako ng mukha at maya-maya pa'y nagbuntong hininga. Nagsimula na namang bumigat ang aking pakiramdam.

Bakit ganoon ka makaasta sa harapan ko, Gem? Bakit mo ba ako binibigyan ng rason para mainis at magalit saiyo? Wala ba talaga? Huli na ba talaga ang lahat para maghilom ang sugat sa puso mo upang mabuksan muli ito sa isa pang pagkakataon? Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo?

Kahit hindi ko man nakikita ang aking sarili sa salamin, alam kong sa mga puntong ito, may nakasilay na namang lungkot at awa sa aking mga labi.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon