Simula

272 17 3
                                    

GEM JIOVANSON DRIZDELLA'S POINT OF VIEW

Tinitigan ko ang whiskey na nasa harapan ko ngayon. Napahaplos ako sa mukha ko at mapaklang tumawa. Hindi ko alam na pagkatapos ng lahat-lahat, ito pala ang magiging kahahantungan ko. Mahal na mahal ko si Grindel. Simula pa lang noon. Simula pa lang noong bata pa kami.  Siya ang kauna-unahang babaeng naging close ko noon kasi hindi ako pala-kaibigan at siya ang naglakas-loob na makipagkaibigan sa isang tahimik at walang kibo na tao gaya ko. Wala akong ibang naging kasama tuwing pasukan at uwian sa school kung hindi siya lang. Masaya kami noon. Masayang masaya.

Minsan napagkakamalan akong bakla ng mga kaklase ko dahil kadalasan ng mga kasama ko ay ang mga barkada ni Grindel na sila Daneery, Fate, at pati na rin 'yung iba, hanggang sa naging kaibigan ko na rin sila Asper, Zeyn at Darson noong tumuntong kami ng Junior High kahit pa man hindi ako ganoon kalapit sa kanila at hindi rin ako masyadong sumasama sa mga gala nila. Minsan lang din ako nakikipag usap sakanila dahil mas binibigyan ko ng atensyon si Grindel.

"Oy Gem! Susunduin mo na naman ba si Grindel mamaya?"

Nakahalukipkip na tanong ni Fate. Nilapitan niya ako at humarap sa akin na nakaarko ang magkabilang kilay. Hindi ko siya kinibo at malamig lamang siya na sinimangutan. Umigting ang panga niya.

"Hoy, sagutin mo ako."

Inihampas ni Fate ang kaniyang palad sa mesang nasa harap ko. Hindi ako natinag sa matinis niyang boses at patuloy na nagsalin ng whiskey sa aking baso. Napalunok ako ng maramdamang may kung anong uminit na naman sa aking dibdib.

"Ayaw mo akong sagutin, ha? Sige, ako na ang sasagot para saiyo."

Humalukipkip siya sa harap. Napaikot ang aking mata at binaling na lamang sa baso akong aking paningin. Ramdam ko na malakas ang tama sa akin ng alak na ito ngunit wala na akong pakialam pa kasi wala ng mas ibibigat pa ng aking nararamdaman ngayon.

Sa mahabang panahon ma minahal ko si Grindel, hindi kailanman sumagi sa isip ko na ito ang magiging kahihinatnan namin. Hindi sapat ang isang salita upang maiging maipaliwanag ko ang mga panahong magkasama pa kaming dalawa. Mahal na mahal ko si Grindel. Ni alam ko sa sarili na wala akong ginawang bagay na naging dahilan upang masira o mawasak ang relasyon namin sa isa't-isa.

Naging maingat ako sa kaniya at naging sensitibo rin ako sa mga bagay na ayaw niya. Kusa kong ginagawa ang lahat ng walang hinihinging kapalit, mapasaya lamang siya ng lubos. Wala na akong ibang pinagdasal pa noon kung hindi ang mas tumagal pa aming relasyon, dahil alam ko na siya ang gusto kong makasama sa pang habang buhay.

Kaya noong araw na plinano ng mga magulang ni Grindel na sabihin sa aking anak nila ako at nais nilang ipaghiwalay kami ni Grindel, pakiramdam ko gumuho ang aking mundo. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bahay at pakiramdam ko isa akong patay na patuloy na nabubuhay sa mundong ibabaw. Gigising ako araw-araw ng wala sa sarili at wala na rin akong lakas na magpatuloy sa aking mga kinakailangang gawin. The moment I lost Grindel, I felt like I lost everything.

"Huwag mo na siyang sunduin o lapitan pa. Kasama na niya si Grae ngayon."

Natigilan ako ngunit ilang sandali pa'y mapakla akong tumawa at napailing. Diretso kong nilagok ang whiskey na nasa aking baso. Pipigilan sana ako ni Fate ngunit itinabig ko ang kamay niya at patuloy na ininom iyon.

"What the hell is your problem? Goodness, Gem! Halos magda-dalawang taon na o' hindi ka pa rin ba naka move on sakaniya?"

Tumaas ang tono sa boses ni Fate. Inilapat ko aking noo sa aking mesa at ipinikit ang mga mata. Nahihilo ako at pakiramdam ko'y mas lalong bumigat ang aking dibdib sa narinig.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon