Chapter 17

44 10 0
                                    

Tinignan ko si Fate na mahimbing na natutulog sa infirmary bed. Hindi ko maiwasang mapatitig sakaniya habang inaalala ang mga walang katapusang bangayan namin sa isa't-isa.

Napahinga ako ng malalim at umupo sa isang monochair na nasa tabi ng kama. Inangat ko ang aking paningin sakaniya at kitang-kita ko pa rin ang pamumutla ng buong mukha niya.

Lumandas ang tingin ko sakaniyang mga braso na nanunuyo na para bang nanlalamig ito dahil sa nangyari kanina. Napahilamos ako ng mukha.

Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin upang lumusong doon sa pool at sagipin si Fate pagkatapos siyang banggain ng hinayupak na lalaking kanina pa umaaligid-aligid sakaniya. Simula pa lamang kaninang umaga, nagtitimpi na ako dahil gustong-gusto kong sugurin at suntukin ang mukha ng lalaking iyon na halatang may planong kabalastugan na gagawin kay Fate.

Noong huling dumating si Fate dito sa Cruishine, hindi ko alam ang mararamdaman ko sapagkat naalala ko ang kahayupang nagawa ko sakaniya kagabi kaya hinayaan ko na lamang siyang mag-isa at hindi na nilapitan pa.

Ilang beses kong minura at sinisi ang sarili ko dahil pinairal ko sa gabing iyon ang aking kagustuhang makahingi siya ng tawad sa harap ko matapos niya akong ipahiya noong isang araw sa harap ng store ng aking pinsan.

Alam ko sa sarili ko na sa mga oras na iyon, ako ang nagpasimula ng gulo kasi nagawa ko na naman siyang asar-asarin dahilan para mauwi sa matinding bangayan ang pag uusap namin at napahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

Hindi ko rin alam ngunit sagad ang inis at galit na naramdaman ko non lalo na at nagawa niya pa akong sampalin 'saka iniwan sa ere habang pinag iiling-ilingan at pinagbubulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

Pakiramdam ko'y tumiwalag ang aking kaluluwa sa aking isipan kung kaya't walang habas ko siyang hinigatian ng gabing iyon. Ang gabi ring iyon ang nagpamulat sa akin sa katotohanang hindi na ako ang dating Gem na minsan nilang kinilala at minahal ng lubos kagaya ng naipamalas sakanila noon.

Batid ko sa aking sarili na malaki ang aking ipinagbago pagkatapos ng hiwalayan namin ni Grindel. Hindi na ako ganoon ka masiglahing tao kagaya ng nakagawian nilang makita sa akin na kahit pa man nakatanaw lang ako sa malayo, nginingitian at kinakumusta ko sila sa mga kanya-kanya nilang gawain.

Hindi na rin ako ang dating Gem na binibigyang kulay ang paligid sa pamamagitan ng masayang pakikipaghalubilo sakanila at pamumuno ng mga usapang nagpapaligaya sa aming lahat na magkaibigan.

Hindi na ako ang totoong Gem na kahit pa man si Grindel ang mas lagi kong nakakasama, may oras pa rin akong naiilaan para sa kanila lalo na kila Asper na silang nagiimbita sa akin sa mga kadalasang nilalaro at pinag aabalahan naming magkakaibgan.

Hindi na ako ang dating Gem na handang makinig sa kanila sa tuwing mayroon silang problema at ako mismo ang kusang nagpapagaan ng kanilang nararamdaman hanggang sa makabangon silang muli.

Hindi na rin ako ang dating Gem na pantay-pantay ang binibigay na pagmamahal at pagpapahalaga sa mga kaibigan sa oras ng hirap, ginhawa at tagumpay. Bihira na akong nakikipag usap sakanila ngayon atsaka lamang ako nagsasalita kapag may tinatanong sila, may importanteng sadya o kapag pinipilit nila akong makipag usap sakanila dahil ayaw nila akong manahimik lang sa gilid.

Lahat ng dating katangian ko ay nawala sa isang iglap nang dahil sa pagkawasak ng aking puso sa babaeng minahal ko ng lubos ngunit hindi kami ang totoong itinadhana para sa isa't-isa.

Napagtanto kong napakawalang kwenta at napakababaw kong tao dahil sobra kong kinamumuhian si Grindel sa nagawa niyang pagtaksil sa akin nang hindi man lang pinapakinggan ang sariling dinaramdam niya noon.

Pakiramdam ko naging makasarili ako at ubod ng kayabangan sa sarili dahil nagawa kong ipagkait kay Grindel ang karapatan niyang maging masaya muli kahit pa man nasa piling na siya ng iba.

Isa rin akong tarantadong lalaki dahil nagawa kong ibuntong lahat kay Fate ang galit, poot, inis, sakit at hinagpis na nararamdaman ko sa tuwing nanunumbalik sa aking puso ang mapait na nakaraang natamo ko sa pag-iibigan namn ni Grindel.

Tinignan ko muli ang mukha ni Fate at hindi ko mapigilang murahin ang aking sarili sa isipan ko sa lahat ng kagaguhang nagawa ko sakaniya. Alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi nagkasala si Fate sa akin dahil totoo at tunay na pagmamalasakit ang ipinapakita niya sa akin ngunit pilit kong binabasura ang katotohanan ito dahil ayaw kong may manghimasok sa sarili kong problema.

Kahit pa man pilit kong tinataboy, minumura at tinatapunan ng masasakit na salita si Fate, alam ko sa sarili ko na kaya kong pigilan ang pagkakamaling iyon ngunit para bang naging bato ang puso ko at hindi ko makontrol ang mga kawalang hiyaang lumalabas sa aking bibig dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko.

Sa tuwing nakikita kong nangingialam si Fate sa mga pambababae ko, pag iinom ko ng alak, pagwawala ko at pambabastos ko sa kaniyang harapan, hindi ko maawat ang aking sarili na ibuntong sakaniya ang pagkadurog ng puso ko kahit pa man labas sa isyu namin ni Grindel at wala siyang kinalaman sa problema naming dalawa.

Gustuhin ko mang manahimik at hindi na lamang siya kikibuin ngunit sa tuwing lumalapit siya sa akin at pinapayuhan ako na parang sobrang galing niya pagdating sa pag ibig, mas lalo lamang akong naiirita at nangangalaiti sa galit.

Dahan-dahan kong itinapat ang aking kabilang palad at marahang hinawakan ang kamay ni Fate na naglalamig na para bang nakababad ito sa yelo. Tinignan ko siyang muli habang mahimbing pa rin na natutulog.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya, lungkot at awa sa mga nagawa ko sakaniya. Huminga ako ng malalim at bibitaw na sana sa kamay niya nang matigilan ako nang biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Napaawang labi akong napalingon muli sakaniya ngunit kitang-kita ko na malalim pa rin ang tulog niya.

"Cupid..."

Mas lalo akong nanigas sa aking kinauupuan nang banggitin niya ang salitang iyon. Ilang sandali pa'y nanumbalik ang mga alaala ko pabalik sa taong hindi pa naging kami ni Grindel at kakakilala ko pa lamang sa mga kaibigan ko.

Pakiramdam ko nanlambot ang aking tuhod at sa hindi malamang dahilan, may kung anong bumigat sa aking dibdib at nagpabara sa aking lalamunan habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Fate.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon