Chapter 30

42 8 0
                                    

"Nakapunta ka na ba sa likurang bahagi ng SM Downtown?"

Napagpasyahan ni Gem na maglibot-libot muna kami sa mall dahil masyado pa namang maaga para umuwi. Bukod sa tanghali pa ngayon, gusto ko pang makasama si Gem at sulitin ang araw na ito. Ramdam ko naman na ganoon din si Gem kahit hindi niya man sinasabi sa akin. Ayaw kong sayangin ang mga nalalabing oras ko dito sa Pilipinas at mas pipiliin ko pang huminto ang takbo ng paligid para mas masama ko ng matagal si Gem ngayon.

"H-hindi. Anong mayroon?"

Sagot ko kay Gem habang itinusok ang straw sa sundae na hawak ko ngayon. Hindi ko akalaing wala akong nailabas na pera ngayon dahil bukod sa store lang kami ng pinsan niya kumain, nilibre rin lahat ni Miss Adamson ang mga orders namin. Naiisip ko tuloy na napakaswerte pa rin ni Gem kasi nagmamalasakit at tumatanaw pa rin ng magandang kalooban ang dating pamilya niya noon bago siya napunta sa kamay ng biological family niya ngayon.

"May malaking garden sila doon na tanging mga empleyado lang ng SM ang pinapapasok nila pero may entry card na ibinigay sa akin ang pinsan ko noon na ginagamit ko pa rin hanggang ngayon. Gusto mo bang magpunta doon?"

Napatingin ako kay Gem nang alokin niya ako at nakitang nakangiti siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Sinabi niya bang garden ang pupuntahan namin? Naalala pa kaya niya na malakas ang pwersa ko sa mga bulaklak kagaya noon?

"Watch out!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang hinila ni Gem ang baywang ko habang bahagya siyang napaatras na para bang mabilis na iniwasan ang muntik nang makabangga sa amin. Napapikit at napakapit ako sa braso ni Gem dahil sa sobrang lakas ng pagkahila niya sa katawan ko. Nang bumitaw siya sa akin ay agad akong napamulat at muntik ng magulat nang makitang sobrang lapit pala namin sa isa't-isa. Nakita kong nakatitig lang siya sa mga mata ko sa mga sandaling iyon.

"Sorry, Miss."

Napalingon kaming dalawa sa isang babaeng nasa edad 30's habang kinukuha ang anak niya na naglalaro ng skating board. Humingi ulit ng paumanhid ang babae atsaka niya hinawakan ang bata bago naglakad paalis. Napahinga ako ng malalim. Kaya pala ganoon, kasi kung hindi ako nakaiwas siguradong magkakabanggaan kami nong bata.

"Are you okay?"

Naibalik ako sa aking huwisyo nang hinawakan ni Gem ang magkabilang balikat at sinusuri ang mukha ko. Bakas sakaniyang hitsura na may kaunting pag aalala siyang nararamdaman sa akin ngayon.

Ramdam kong uminit ang aking mukha dahil sa lapit ng distansya namin sa isa't-isa kaya tinanguan ko na lamang siya at pasimpleng tumingin sa hawak kong sundae. Narinig ko namang nagbuntong hininga si Gem atsaka siya bumitaw sa balikat ko. Sana hindi narinig ni Gem ang pintig ng puso ko na ngayo'y naghuhuramentado na naman dahil sa presensya niya.

********

"Waaah! Sobrang napakaganda dito! Ang ganda ng mga halaman!"

Halos mapatili na ako sa sobrang pagkamangha at pagkastarstruck sa garden kung saan ako dinala ni Gem ngayon. Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang nalaman na may ganito kaganda at kaluwang na garden sa likod ng SM lalo na nang mapagmasdan kong sobrang dami ng uri ng mga bulaklak na nakahilera sa kada gilid. Natanaw kong sa unahang bahagi ay isang Flower Arch kung saan kitang-kita doon ang overview ng Cagayan de Oro.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, pakiramdam ko nabubusog at nalulula ang mga mata ko sa ganda ng paligid na napapalibutan ng mga bulaklak. Agad kong kinuha ang phone sa aking bulsa at binuksan ang camera para kumuha ng mga litrato. Goodness, pakiramdam ko tuloy gusto ko ng tumira na lamang dito at hindi na umuwi ng bahay.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon