Chapter 18:What I Think or What I Feel?

1.1K 48 1
                                    

LYON's Point of View

Its almost 4:30 in the afternoon at na dismiss na kaming lahat. Nagsiuwian na lahat ng students sa campus. I stayed at the main gate para hintayin si Kaye. Inisa-isa ko na nga ata lahat ng mga students na babae na umuuwi pero wala parin si Kaye. It seems,hindi pa siya umuuwi.
Saan na ba siya nagpunta? 30 minutes na ang nakalipas pero bakit hindi pa siya umuuwi? I asked the guards and showed them the image of Kaye pero umiling lang sila. Saan ba siya pumunta?
I waited for another few minutes pero parang wala na talagang natitirang estudyante dito sa school. Sakto namang nakita ko sina Zyro at Ivan kaya sa kanila na ako nagpatulong.

"Bro! I need your help. Kanina pa nawawala si Kaye and it seems hindi pa siya umuuwi. Hinintay ko siya dito sa gate pero wala pa siya. Tulungan niyo akong hanapin siya right away." I pleaded.
"Paanong hindi pa siya umuuwi? At,saan naman siya pupunta?" Ivan asked.
"I dont know. Simula kaninang third period,hindi ko na siya nakita." I answered.
"What the! Third period? So you mean,2 hours siyang nawala!?" Dagdag ni Zyro.
"I dont know bro. Whats important is mahanap na natin siya right away. I just hope walang nangyaring masama sa kanya." I replied.
"Think positive bro. Bilisan natin. Hanapin na natin si Kaye! Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya!" Pag-aaya ni Ivan.

Naglakad na kami papunta sa iba-ibang rooms. We searched in every corner of the school at kung saan pwedeng tumambay si Kaye. Halos isang oras din kaming naghanap. I looked at the time and its already 5:50 PM.Magtatakip-silim na pero hindi parin namin siya nahahanap. Sa tingin ko naman ay nalibot na namin ang buong campus. Sa practice room,sa gym at sa university park,pero wala talaga ehh. Hindi talaga namin siya mahanap. Kinakabahan na ako. Masamang-masama na ang mga kutob ko at para bang sobrang bigat na nang nararamdaman ko ngayon. Napuntahan na namin ang every classroom pero naka-lock lahat ng door which means,wala talaga siya doon.
Umakyat na kaming tatlo sa 2-storey building.

"Nahanap niyo ba si Kaye?!" Tanong ko sa kanila.
"No. Not a clue or a trace"sagot ni Ivan.
"Then,where'd she go? Bakit bigla nalang siyang mawawala?" Tanong ko habang kinakabahan na.
"Wait, I'll try calling her!" Dagdag ni Zyro then he dialed his phone.
Sandali lang yun then ibinaba na niya agad.
"Her phone is off!" Sambit niya.
"No way! Paano pa natin malalaman kung nasaan siya kung pati cellphone niya ay naka-off!" Ivan asked.
"I dont know but lets trust  and rely on our first instincts. Im very sure,hindi pa siya nakakauwi and she's still around in here. Ayaw ko na sanang malaman ni kuya Max na nawawala si Kaye so lets search for her again. Malaki ang kutob ko na nandito parin siya sa loob ng campus." I insisted.
"I will search for her in the hallrooms." Ivan replied.
"I'll just ask again the school guards" dagdag naman ni Zyro.
"Ok guys,thank you in advance" I smiled to them.
"Lyon,nasaan na pala si Kaizer? Lets ask him..." dagdag pa ni Zyro.
"No need bro. Mahahanap din natin si Kaye! And one more thing,I dont know where Kaizer is." I replied.

Umalis narin silang dalawa pero nagstay muna ako sa  2nd storey para magmasid ng mga pwedeng puntahan ni Kaye. Kitang-kita naman dito yung harapan ng campus.
Tumingin ako sa faculty room,but it seems its already closed. Napatingin ako sa canteen pero mukhang wala ng tao roon. Lastly,napasulyap ako sa may library pero mukhang sarado narin yun. Kinakabahan parin ako. Saan ba pumunta ai Kaye? Nakauwi na kaya siya? Pero bakit naka-off yung cellphone niya? I felt confused.

Nakatingin parin ako sa may library habang lumulutang ang isipan ko. Paalis na sana ako pero maya-maya lang,napansin kong bigla nalang bumukas yung ilaw ng library at parang may pumasok na tao.
DAMN! Sino kaya yun!? Dahil sa gulat,nataranta ako kaya dali-dali nalang akong bumaba ng building. Sino ba kasi yung pumasok? Parang lalaki siya or what. Hindi ko alam basta nakita kong,may pumasok. Imposible namang multo iyon. I dont believe in ghosts.

Binilisan ko ang pagtakbo ko at nang makarating na ako sa library,naka open na yung door pero parang wala namang tao. Ehh,sino yung nagbukas ng ilaw kanina? Geez. Totoo kayang multo yun? Hmm,nevermind. Walang multo dito! Theyre UNREAL!
Binuksan ko na ying door at pumasok narin ako sa loob.

Brother's ConflictWhere stories live. Discover now