KAYE's Point of View
"Paalam na Kaye. Hinahanap nako nina mommy eh. By the way, catch up with you later!"
Nagsimula nang iligpit ni Ellina yung mga test papers na sinagutan namin."Oh siya. Sasabay narin ako sa kanya beshy. Basta, palagi kang mag-iingat rito ha. Palagi ka naming pupuntahan dito. Mabuti nalang talaga, genius ka. Madali mong nasasagutan yung mga lessons natin just by looking at our notes." tumayo narin si Casey at niyakap ako.
"Im just really thankful na palagi kayong nariyan despite sa mga nangyari. Thank you sa inyo ha. " I just huuged them both dahil nangingilid na yung luha ko.
"Oh, wag ka na naman iiyak ha. Kahapon, umiyak ka na naman eh. Pati tuloy ako nadadamay." pang-aasar pa ni Casey.
Nagtawanan lang kaming tatlo.
"Paki sabi rin pala kina Louise, Mira at Zera na Thank you sa mga notes na sinend nila sakin. Mag-iingat kayo sa pag-uwi."
We bid goodbye at each other then tuluyan narin silang umalis.
Tinignan ko lang sila hanggang sa makalayo yung sasakyan nila.Nanatili akong nakatayo pero nagtaasan lahat ng balahibo ko ng umihip ang malamig na hangin. Tumingin ako sa palagid dahil pakiramdam ko may nakamasid sakin. I immediately closed the gate then nagtungo nako sa loob para magluto ng hapunan.
Its been more than a week. I sent a letter of temporary leave sa school dahil hindi pa ako kumportableng pumasok ngayon. Naintindihan naman yun ng school head dahil tinulungan din ako ni dad kaso 1-2 weeks lang yung binigay nilang duration.
Halos isang linggo nakong nakatira dito at kina Louise, Casey, Ellina, Zera at Mira ako nakakakuha ng updates about sa school lessons namin.Tuwing hapon, kung hindi sila busy, pumupunta sila dito sa bahay at binibigay nila yung ilang homeworks and activity na ginagawa nila kaya kahit papaano, nakakahabol parin ako sa academic requirements sa room.
Oo, mag-iisang linggo narin na hindi ako nagpapakita sa kanila. May narinig nakong search operation ng mga police pero ako na mismo ang nagsabi sa kanila ang sitwasyon ko. I just explained to them at nakiusap ako na hindi nalang nila sabihin kina kuya and Im glad na naintindihan naman nila kaya wala nang natuloy na in-search operation tungkol sakin.
Sinabi ko rin kina Louise na if ever magtatanong sila about sakin, I explained to them na ideny whatever information they know at sabihing wala silang kaalam-alam sakin.
I know this is somewhat rude and absurd but I just want them to forget about me. Isa akong malaking kahihiyan kung patuloy akong sasama sa kanila at ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong madungisan ang mga pangalan nila dahil lang sakin.
After dinner, naghugas lang ako ng pinggan then dumiretso narin ako sa kwarto ko. Sabado bukas and I've decided na papasok nako next week. It would be hard and awkward at the same time but I need to face everything.
- - - - - -
SILVER 's Point of View
It was a total silence.
Ganito palagi ang eksenang naabutan ko tuwing uuwi ako dito sa apartment galing sa trabaho .
I just sighed again. I closed the door then nilapag ko yung bag ko sa may couch saka ako dumiretso sa kusina. Hinubad ko yung kitchen uniform ko then kumuha ako ng malamig na tubig sa ref saka nagsalin sa baso. I sat on one of the high stools sa counter then nilagok ko yung malamig na tubig. I was still thirsty kaya kumuha pa ako ng isang canned beer saka ininom yon.
Nakakapanibago lang. Dati kasi, pag-uwi ko rito, ang ingay ng paligid at saka halos narito kaming lahat pero ngayon, wala ng buhay tong apartment dahil wala na yung tanging dahilan at nagbubuklod saming lahat. Si Kaye.
YOU ARE READING
Brother's Conflict
Teen FictionKayeTrixie Akihito has been living alone together for almost 17 years with her beloved parents; Mr. John Akihito,a half-Japanese,half-Filipino business minded man together with his wife,Irene Akihito,a pure Filipina and kind woman.Pinalaki si Kaye w...