KAYE's Point of View
"Okay ka lang? "
Napabuntong hininga lang siya and she just shrugged.
"Kinakabahan ako. "
I bit my lips.
"Stop it Kaye. We can all do it!"
"Yeah. Hindi naman natin hahayaan na masayang yung mga efforts natin all these weeks diba?"
Napatingin ako sa kambal, sina Mira at Zera na nakatingin rin sakin at naka-smile. Kanina pa nila ako kinakalma.
Buti pa sila sobrang positive samantalang ako. Hmp.
Pero tama naman sila, hindi dapat namin hayaan na mapunta lang sa wala yung nga pinaghirapan namin. Lalo na yung mga oras at efforts na inilaan namin para lang sa pag rereview.
"Thank you guys. " I replied with an excitement in my voice.
Tumayo ako at niyakap ko silang dalawa.
Maya-maya lang, dumating rin si Louise kasama sina Ellina at Casey, sila yung mga top 3 fangirls ni kuya Ivan sa classroom na sobrang naging ka close ko rin. Sobrang lapad ng ngiti nila habang papalapit pero Im sure kinakabahan rin sila.
"Kaye!Oh Em G! Buti nakita ka namin dito." May halong excitement yung boses niya.
"Oh,Hi Louise. Anong meron?" tanong ko sa kanila.
"Eh kasi, sabi kasi kanina ng kuya mo, hindi ka raw niya matawagan. Gusto ka raw i greet ng goodluck pero Naka-off daw phone mo eh. "
Sambit ni Casey na may kadamang pout.
Oo nga pala. Nakalimutan kong i-on yung phone ko kaninang umalis na ako ng apartment.
"Kaya, kami yung tinawagan niya Kaye. Kinikilig talaga ako grabe! Di ko akalaing gagawin niya yun."
Dagdag ni Ellina.
"Kaya eto....girls! "
Pagkasambit ni Louise nun,may inilabas na dalawang paperbag sina Casey at Ellina.
"Ano yan? " I asked curiously.
"Pinamili ka namin ng snacks at drinks mo tapos utos rin ng kuya mong ibilhan ka na raw namin ng extra towels para mamaya, eto oh. "
Iniabot na nila sakin yung dala nila.
"Ba't niyo naman sinunod si kuya Ivan. Alam niyo namang topakin yun at overacting. Kayo pa tuloy gumastos. Nakakahiya. Kaya ko naman tong sarili ko eh. Pero dont worry, babayaran ko nalang to mamaya. "
"Naku, okay lang yan. Basta para sa kuya mo and para narin sayo bestfriend. "
Niyakap nila akong tatlo then nagpaalam narin sila. Magbibihis na rin daw eh.
Nagpaalam narin yung kambal sakin then umalis narin sila.
Napatingin ako sa wrist watch ko at maaga parin. Marami pang oras para maghanda.
Naglakad narin ako papuntang locker room.
To think of it, ilang weeks narin pala ang lumipas at pagpapractice at pagrereview lang ang ginagawa namin.
Ilang weeks narin ang nakaraan mula ng hindi ko kinausap si kuya Kaizer dahil sa nagawa ko sa kwarto niya, na nabasag ko yung picture frame. Kumusta na kaya siya? Is he still mad? Hindi niya rin pala alam na hindi ko naibalik yung punit na picture sa frame na yun kaya tinago ko nalang .Hindi niya kasi alam na nakita at kinuha ko yun. Natatakot na akong ibalik pa ulit sakanya yung picture.
Binuksan ko yung locker ko tapos nilapag ko na lang muna dun yung mga pinamili nina Louise.
Saktong pagsara ko nun, nagulat nalang ako ang makita ko si Neil sa may pintuan ng room.
"Warm-up? "
Nakabihis narin pala siya.
"Sige, susunod na ako. "
I replied.
Kinuha ko yung raketa ko then naglakad na ako palabas.
Hindi ko akalaing ganito kabilis ang araw,.
Ngayon na yung exam at kung tutuusin, marami narin akong nalaman tungkol sa sports.
Mas hinigpitan ko yung pagkakahawak sa raketa.
Bakit kinakabahan parin ako?
Ba't pa kasi inilipat ang PE exam sa morning schedule tapos exclusive pa for half-day.
Ganon ba katagal matatapos ang exam? Hayys.
Kailangan ko parin gawin lahat ng makakaya ko sa lahat ng subjects dahil kapag may hindi ako naipasa, may tendency na maililipat ako ng section sa susunod na quarter,na ayokong mangyari sakin.
Ilang minuto rin kaming nag warm up ni Neil. Sobra akong nasiyahan dahil napakadaming nagbago sa sport skills ko. Hindi na ako nahihirapan sa deflect ng mga bola at naigagalaw ko na ng maayos yung raketa ko ng hindi nabibigatan. Hindi narin ako masyadong hinihingal sa pagtakbo hindi gaya ng dati. Ganito pala yung pakiramdam kapag nakapag practice ka ng mabuti at prepared. Buo narin yung tiwala ko sa sarili ko pero hindi parin maalis sakin yung kaba at negative thoughts.
YOU ARE READING
Brother's Conflict
Fiksi RemajaKayeTrixie Akihito has been living alone together for almost 17 years with her beloved parents; Mr. John Akihito,a half-Japanese,half-Filipino business minded man together with his wife,Irene Akihito,a pure Filipina and kind woman.Pinalaki si Kaye w...
