Chapter 31: Options

448 26 21
                                    

ZYRO's Point of View

"We still have 10 hours left before everything." I tried to catch my breath while staring both at Lyon and Ivan.

Pare-parehas kaming hinihingal dahil sa practice. Actually, nag start kami kaninang around 6 AM. We all decided na magfofocus lang kami ngayong araw sa pagpapractice ng sayaw. We went for a jogging first for warm up then nag simula na kaming mag rehearse 30 minutes after and weve been here until 9 kaya nag decide muna kaming magpahinga saglit.

"Ngayon ko lang nasilayan yung pagkaseryoso ninyong dalawa to be honest. Haha." sambit ni Ivan habang tumatawa at basang-basa rin ng pawis. Tinignan lang namin siya with that serious expression kaya bigla siyang natahimik.

"Whut? Im saying the truth! " protesta niya ulit.
"Eh kasi nga, minsan ka lang namang dumadalaw sa apartment eh kaya hindi ko kami masyadong nakikita. " I answered and he just rolled his eyes at me.
"Pero, desidido naman tayong manalo diba. We have to get that title alang-alang sa mga Fourth years and also, kay Kaye kasi nandoon siya at panonoorin niya tayo I swear!" biglaang singit ni Lyon na kanina pa hindi umiimik.

Natawa lang ulit kaming pareho ni Ivan sa kanya.
"Yeah, we will!" we answered at the same time.

The festival of talents. Its finally approaching. Di ko akalaing sobrang bilis matatapos ang semestral break and here it is. The season for the second sem. Sobrang bilis talaga ng panahon.

Pero tama nga si Lyon, no matter what the circumstances in the event, we have to win. Dancing is not my forte though pero hindi naman siya mahirap matutunan as long as kaya mong sumabay sa beat ng music and most importantly, as long as mahal mo yung ginagawa mo and youre doing it for a specific goal.

Wait for us Kaye. Hintayin at panoorin mo kaming kunin ang title sa dance category!

"All right guys! Tama na ang pahinga. Time to practice again!" sigaw ni Lyon. I just stood up and set up the music again.

LYON's Point of View

"What the hell Zyro! Asan na si Ivan!? Gago tong lalaking to! Cause of delay na naman siya! 30 minutes nalang matatapos na yung opening program! Saan ba siya nagsusuot ha!? Nakakainis!" I yelled.

Ive been fvcked up all this time. Akala ko hindi ako kakabahan pero bakit ganito, its the reverse. Kinakabahan ako at dumagdag pa tong si Ivan. Kung hindi talaga sisipot tong bakulaw na to, hindi ko siya mapapatawad.

"Tsk. No more words please. Ba't ang ingay mo Lyon.Kumalma ka nga diyan. Im sure dadating yun. Siguro, may pinuntahan lang saglit or baka may hinihintay lang diba?
And one more thing, kala ko ba, hindi ka kakabahan? Kung umasta ka ngayon, parang anytime, pakiramdam ko mamamatay ka na. " sambit ni Zyro na nakaharap lang sa malaking salamin sa dressing room kung saan kami naghihintay. Kanina pa siya Nagaayos siya ng buhok niya na dumagdag pa sa pagkainis ko.

"Im trying to calm myself up bro pero useless eh. Hindi ko maintindihan kung ba't ako kinabahan ng ganito. Nakita ko yung crowd kanina at nagulat ako dahil sobrang daming audience. Wala naman akong stage fright dati eh."
I answered.

"Ilang days tayong nag prepare para dito thats why, we shouldnt waste it. Kung papairalin mo yung negatibong emosyon mo ngayon, mawawala at mapupunta lang sa wala lahat ng pinagpaguran natin. Hindi talaga natin masasabi kung mananalo tayo but Im pretty sure, as long as we will do our part,it would be a great performance."
ngumiti lang siya sakin then ibinaling na niya ulit yung atensyo niya sa pag-aayos sa sarili niya.

I just sighed and sat down. Kahit papaano'y medyo gumaan yung pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim para kalmahin ulit yung loob ko.

"NAGSIMULA NA BA!? " muntikan nakong mapatalon sa gulat ng biglaang bumukas yung pintuan at nasilayan namin si Ivan na hinihingal pagpasok palang sa loob.

Brother's ConflictWhere stories live. Discover now