Chapter 34: Lets Go Home

367 21 15
                                        

IVAN 's Point of View

Mali.

Sobrang Mali. Ayaw ko ng ganito. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog. Ilang araw narin akong hindi mapakali at palaging pre-occupied. I was hunted.
I was fvcking hunted by that information na nalaman ko kay Kaizer.

"Oo. Tama lahat ng sinabi ko that night at Oo, tama lahat ng narinig mo. "

Naaalala ko pa yung mga huling katagang binitawan niya nung magkita kami bago siya tuluyang umalis.

Hindi parin ako natatahimik at patuloy akong binabagabag ng konsensiya ko. Walang kasiguraduhan kung totoo nga ba lahat-na adopted child si Kaye gaya ng nasabi ni Kaizer. I have no proof. Walang kasiguraduhan pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi nagbibiro si Kaizer at naramdaman ko yun. Sa mga kilos niya, sa mga salita niya at sa mga mata niya. Damn it! Paano nalang kung malalaman to ni Kaye? Anong magiging reaksyon nya? Shit.

Sasabihin ko ba?

Hindi.

Oo.

I dont know!

Masyado akong naguguluhan.

"Hey! Are you even listening!?"

Humarap muli ako sa principal namin na nakakunot ang noo. I was here in the school because I took a short break. I also need to focus on my academic aspects. Binigay niya sakin yung report card ko then inexplain lang sakin yung mga requirements na kailangan ko pang i-comply tapos umalis narin ako sa office.

Naglakad ako sa covered pathways then iginala ko ang tingin ko sakaling makita ko siya pero bigo ako.

I just sighed. Kaya ko kaya siyang harapin? Kaya ko kayang sabihin sa kanya? Pero, hindi ko siya kayang nakikitang umiiyak at nasasaktan.

Now I know, sa una palang, hindi lukso ng dugo ang naramdaman ko sa kanya. Akala ko noong una na mali. Mali dahil hindi maaring magustuhan ko ang isang kadugo ko. Nahulog ako sa kanya hindi dahil sa mali yun pero dahil yun yung unang pagkakataon na sinigaw ng puso ko ang pangalan niya.

Im sure ganun din yung iba, pinigilan namin ang sarili namin dahil alam naming hindi pwedeng umibig kami sa natatangi naming kapatid na babae na ngayon ay hindi pala.

Ang hindi ko lang maintindihan na parte ay kung bakit sinarili ito ni Kaizer. Kung matagal na niyang alam, ba't hindi niya sinabi? Bakit kailangan ko pang malaman yun sa aksidenteng pagkakataon. He's really a jerk. Pero naisip ko, baka ayaw niya lang masaktan ang damdamin ni Kaye kaya hindi niya ito pinagsabi. Pero, paano nga ba nalaman ni Kaizer ang tungkol kay Kaye?

Tsk. Sobrang gulo.

Umiling ako. I guess, I really need to tell this. Kung ayaw sabihin ni Kaizer, then I will. Hindi ko kakayaning itago to magpakailanman. Hindi pwedeng habang buhay kaming magbubulag-bulagan at Hindi pwedeng maunahan pa kami ni Kaye na makatuklas. Mas masakit kung mas lalo pa namin tong patatagalin.

Lunch break is almost over kaya nagmadali akong pumunta sa parking lot at mabilis kong pinatakbo yung kotse ko.

I tried dialing Kuya Max's phone pero after 3 attempts, hindi niya parin yun sinasagot. May part parin sakin na nagtatanong kung kailangan ko pa bang sabihin kung anong nalalaman ko pero sa tingin ko,yun ang tama. I was trembling and a little bit scared of what's going to happen but I think, I really need to tell this one.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din ako sa apartment. I ran all the way inside at naabutan ko si kuya Max sa sala .

"Kuya!" I yelled as I saw him.

Brother's ConflictStories to obsess over. Discover now