Chapter 32: Shattered

378 19 19
                                    

KAYE's Point of View

"Tao po! Ate, paki-bukas po tong gate!! Si Kaye po to!! " Kanina ko pa pinipindot tong bell pero wala paring sumasagot. I've been here for 15 minutes pero wala paring response galing sa loob. Sobrang tahimik ng paligid at palagay ko, parang nagsi-alisan nga lahat ng tao sa mga kalapit na units kasi ni isang ilaw sa bawat bintana, wala akong nakikita.

"Ate! Andyan po ba kayo!? Paki bukas naman po tong gate oh. Ako po to! Ako yung tinawagan niyo!" sigaw ko ulit pero wala. Tatawagan ko sana ulit yung landlady pero naalala ko na naiwan ko pala lahat ng gamit ko sa waiting area. Nakakainis.

Sa sobrang inis ko, napaupo nalang ako sa may sahig pero bigla akong nagulat nang maitulak ko ng kaunti yung gate ng sumandal ako roon. I just realized na hindi naman pala siya naka-lock. Kailangan lang tanggalin yung rehas na nakatali.

Agad akong tumayo at pagkabukas ko ng gate, dali-dali akong tumakbo sa may pintuan.

"Kuya! Kuya! Andyan ka ba!??" Sinubukan kong kumatok pero wala paring sumasagot. I tried to rotate the doorknob and fortunately,hindi siya naka lock kaya agad akong pumasok. Bumungad sakin yung malawak na living room pero sobrang makalat. Mga pakete ng sigarilyo, baso, mga nagkalat na damit, mga ilang basag na bote ng alak, at gaya nga ng sabi ng landlady, mga ilang bahid ng dugo sa sahig. Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil naalala ko, may hemophobia din ako. Pero sa ngayon, hindi ko pinairal yung takot ko, dumiretso ako sa may kusina at ganun rin, mga nagkalat na kitchen utensils. Narinig kong naka open din yung faucet sa may comfort room kaya agad akong dumiretso roon. Nag ooverflow na yung tubig sa may tumbler kaya pinatay ko na iyon.

Anong nangyari dito? Ninakawan ba si kuya Kaizer? Bigla ulit akong kinabahan. Pero ,ano yung mga dugo sa sahig?
Dont Tell Me..

"Kuya!! Kuya! Asan ka!?" sigaw ko pero this time, medyo mas malakas at mas nanginginig yung tono ng boses ko. Agad akong umakyat sa may hagdan papunta sa second floor. May isang room dun pero open siya. Papasok na sana ako pero nanigas ako sa takot ng masilayan ko si kuya Kaizer sa loob. Pawis na pawis siya, pinipilit niyang tumayo at eksaktong nakita ko yung pagsuka niya ng dugo.

"Ku-Kuya Kaizer!!" Nanginginig parin ako sa takot. Agad ko siyang tinulungang tumayo at pinaupo sa kama niya. Namumutla at sobrang init ng yung buong katawan niya saka pinagpapawisan siya.

"Anong nangyayari sayo kuya? May lagnat ka ba?" tanong ko habang sinusubukan kong damhin yung kanyang noo.

"Ni la.. Nilalamig.. Ako.. "
Sobrang nahihirapan siyang magsalita at nanginginig yung buong katawan niya. Eh panong hindi siya lalamigin, eh naka on yung aircon. Agad ko yung pinatay at nag isip ulit ako kung anong gagawin ko.

"Kaye... Kaye.. "
Binigkas niya ng paulit-ulit yung pangalan ko habang nakahiga siya sa may kama at nakapikit yung mga mata niya.
I just bit my lip. Dali-dali akong bumaba sa kusina at kumuha ng tubig at towel.
Ano ba kasing pinagga-gawa niya at ganito nalang katindi yung inabot niya and one more thing na kinaiinisan ko sa sarili ko. Akala ko, hindi ko na siya papakialaman pero ba't ganito, sobrang alalang-alala ako sa kanya.

Umakyat ulit ako sa room niya then I sat beside him. Kahit papaanoy kailangan kong punasan yung katawan niya para mag decrease yung body temperature niya.

WAIT!
WHAAT?

So ibig sabihin... Hu-huhubarin ko yung Tshirt niya? What the! NO WAY.
Tatawagan ko nalang si kuya Max!

Pero teka.. Wala pala yung phone ko kainis! Anong gagawin ko!?T_T

"Kaye.. "
Binigkas niya ulit yung pangalan ko pero this time, mas pinagpapawisan na siya at parang nanginginig.
I really need to do it.

Brother's ConflictWhere stories live. Discover now