REN's Point of View
Ilang araw narin mula nang una kong makita at makilala si Kaye,our little sister. For that 17 long years,naging masaya na kaming twelve na magkakasama. Naging masaya kami dahil buong buo yung bond namin as family kaya lang,hindi parin namin noon maiwasang malungkot dahil parang may kulang. And it figures out na yun ay yung time ng mga parents namin para sa amin. Im glad na hanggang ngayon,wala na kaming galit sa kanila. At mas lalo pa kaming natuwa especially for me nang ipakilala nina dad ang hidden sister namin. Wala akong alam na rason kung bakit nila iyon itinago sa amin but,whatever.
Ang importante naman ay,yung katotohanan na finally,na-meet na namin siya.Oo,marami na kami sa family pero para sakin,kulang parin ehh. Hindi kulang sa bilang kundi kulang sa kasiyahan. Most of us kasi,full men at meron nang mga trabaho kaya masyado na kaming nagiging busy. Hindi na nga ata namin kilala ang isat-isa dahil noon pa man,hindi na kami masyadong nagkikita lahat. Marami narin nagbago a year ago. Nung na promote na akong CEO sa office,hindi ko narin masyadong nakukumusta at nabibisita ang mga kapatid ko and mostly,sina dad and mom. Natutuwa parin naman ako dahil may time parin sila para sakin. Marami kasing project yung company namin na kailangan namin tapusin ASAP. Business minded narin ako tulad ni dad.
Malungkot talaga pero yung gap na yun, na fill-up'an nang dumating si Kaye. Na realize ko lang na kailangan parin pala namin ng kapatid na babae, isang kapatid na palagi mong kukulitin at aasarin everytime. Isang kapatid na kailangan mong alagaan at protektahan. Isang kapatid na tatawag rin sayo ng "kuya". Isang kapatid na siyang dahilan ng kasiyahan ng lahat.Hindi ko alam pero yung walang buhay naming apartment ay bigla nalang sumigla at yun ay noong dumating si Kaye sa piling namin.
Kung noon,kinamumuhian namin yung trabaho nina dad dahil kaagaw namin yun ng oras nila.pero mukhang ngayon naman,nagustuhan namin yun. Bakit? Kung hindi dahil kasi sa emergency na yun,siguro,habang buhay nalang na nakatago si Kaye ngayon.
Bilang isang office worker na kagaya nina dad,mahirap pala talaga mag manage ng time lalo na kung natambakan ka ng trabaho.Mahirap pero kailangan.
Naiinggit nga ako kay Kaye ehh. Sobrang napakamasayahin niyang tao at overly positive to the point na pati rin ako,sa moment
na nakita ko siya,nahawaan na ako ng pagkamasayahin niya. Palagi nalang akong napapangiti kapag naalala ko rin ang mga ngiti niya. Siya yung taong palangiti at hindi alam magalit.Nung niyakap ko nga siya,sobrang gumaan ang pakiramdam ko at parang nawala lahat ng pagod ko. Sadyang lumulutang ang damdamin ko tuwing nasa tabi ko siya.You know,she's quite very simple yet gorgeous and beautiful.
Halata sa mga kilos niya na mahinhin siyang dalaga at mararamdaman mong malinis talaga ang mga intensyon niya.
Nalilito na nga ako eh. Tuwing kasama ko siya,sobrang gaan ng pakiramdam ko na umaabot sa puntong naiisip ko na nahuhulog na ba ako sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko marealize ang nararamdaman ko pero sa tingin ko,hindi lang ako nahuhulog sapagkat palaging sinisigaw ng damdamin ko na mahal ko narin siya.Natatawa ako sa sarili ko. Baliw naman ako diba kung maiinlove ako kay Kaye,sa kapatid ko? Thats really insane.
Alam kong mali iyon pero,hindi ko mapigilan kung anong sinasabi ng puso ko,at kung ano talagang nararamdaman ko.Minsan napapaisip parin ako. Bakit naman ako mahuhulog sa isang tao and the worst is,kapatid ko pa siya.
Am I really that unlucky? Nakakalungkot isipin pero sana,pwedeng burahin kung anong nararamdaman ko ngayon kaso lang hindi talaga maari ehh kasi andito na to. Hindi mo talaga mapipigilan kung anong dinidikta ng puso mo. Sobrang hirap at pakiramdam ko,naiipit ako ngayon sa gitna.Palagi kasi akong busy sa office kaya wala na akong time para sa ibang aspects ng buhay ko. Ngayon ko lang naman naramdaman ang ganitong feeling,yung mainlove and I just came to realize na ang hirap pala.
Gusto ko na sanang ibalik yung panahon na hindi ko pa nakilala si Kaye pero kung hindi naman dahil sa kanya,hindi ako sasaya ng ganito. Mas gugustuhin ko nalang na isara nag pintig ng puso ko para sa kanya basta't makasama ko lang siya at makita araw-araw,ok na yun sakin.
Palagi kasi akong focused sa company ehh without knowing na maganda rin pala ang mundo ng pagmamahal.
I just didnt realize it.
-
-
...
![](https://img.wattpad.com/cover/62941466-288-k523869.jpg)
YOU ARE READING
Brother's Conflict
Подростковая литератураKayeTrixie Akihito has been living alone together for almost 17 years with her beloved parents; Mr. John Akihito,a half-Japanese,half-Filipino business minded man together with his wife,Irene Akihito,a pure Filipina and kind woman.Pinalaki si Kaye w...