Chapter 23: Picture Frame

1K 45 9
                                        

KAYE'S Point of View

"So are you ready Ms. Akihito?" Hindi ko rin mapigilang mapangiti sa mga actions ni Neil. I didn't know that he's like this. Every weekend kasi,palagi niya akong sinusundo sa apartment para yayaing mag-practice sa school and hindi ko na naman siya matanggihan dahil para naman iyon sa kabutihan namin. Very willing siya para tulungan ako. Habang tumatagal,napapansin ko ang pagka-gentleman niya sa kabila ng fierce at gwapo niyang mukha.

"Oo naman Mr. Lim. Excited na ulit ako for today!"
Lively kong sagot.
"Nakakahalata na ako ah.Palagi mo nalang kinukuha si Kaye samin. Sinasadya mo ba tol? "
Napatingin kami kay kuya Lyon na malapit nang magkasalubong yung kilay at nakakatakot yung aura.
Kinilabutan tuloy ako.
"Haha. Im not bro. This is for our own grade. "
Sagot ni Neil.
"Oo nga Lyon. Hywag kang masyadong possessive. She's not yours and Kaye will never be YOURS-FOREVER! Haha.Take note of that. "
Pang-aasar pa ni kuya Sky sa kanya.
Kahit kailan talaga, hindi ko mapigilang matawa kapag naasar si kuya Lyon. Para siyang 3 years old na bata at naagawan ng lollipop.
"Sayang nga lang hindi kita classmate sa PE class sis. Sana ako ang companion mo ngayon. " singit naman ni kuya Zyro.
Thats unfortunate nga naman.
"As if naman, alam mong maglaro ng lawn tennis. I doubt it."
Sumbat din ni kuya Eric sa kanya habang nagbabasa ng newspaper.
Napalingon sa kanya si kuya Zyro at kulang nalang,ibato niya yung hawak niyang tinidor na parang sa javelin throw.
Namumula na kasi siya sa sobrang inis.
Basketball kasi ang na take-up sa PE nila.
"Aalis na ba tayo? " Tanong ko sa kanila.
They just nodded all.
Sumasabay narin kasi sina kuya Sky, Zy at Ly.
Hindi sila nakiki-practice pero pumupunta rin sila sa school para narin sumabay samin sa pakikireview para sa first quarterly exams.

"Ah, kuya Max, asan na po pala si kuya Ivan? Hindi ba siya sasabay? " I asked.
"Nauna na siya little sis. Kaaalis niya lang kaninang 2AM. Parang pressured nga siyang umalis kanina eh dahil this few weeks,wala pa siyang masyadong pahinga. Tuloy-tuloy yung shooting nila. Hindi pa ata masyadong magaling yung injuries niya."
He explained.
Bigla nalang akong nalungkot. Kahit anong Oras kasi pupunta siya sa shooting kahit na wala pa siyang pahinga. He's overkilling himself so much. Sobra na kaming nag-aalala sa kanya.

"I know hahabol parin yun sa academic activities niyo sis so dont worry. Thats his job and he chose that path."
"Oo kuya. Alam kong kaya niya yun. "
I smiled.
Tama. Alam kong kaya niya yun. Kailangan maging masaya sa kung ano man yung role na ginagawa niya at dapat suportahan namin siya. Nag-aalala nga lang ako sa injuries na inabot niya last time nung magkasama kami.

"Sige,aalis na kami bro. Max. "
Pagpapaalm ni Neil.
Nag wave lang siya at parang papaalis narin papuntang work.

Aalis na sana kami nang sakto namang lumitaw si kuya Kaizer.
Nakabihis narin siya at mukhang ready narin.
"Sasabay ka ba samin? "
Tanong ni kuya Lyon.

Tumingin lang siya kay Neil pagkatapos sakin then umiwas lang siya ng tingin. Sobrang cold ng expression niya kaya parang nainis si kuya Lyon. Hindi lang pinahalata.
Since hindi naman siya intetested, nauna na kaming umalis pero hindi parin natanggal yung tingin ko sa kanya. He's really strange.

Sumakay na ako sa kotse ni kuya Lyon kasama si kuya Zyro at nagdrive ng sariling kotse sina Neil at kuya Sky.

Wala pang 20 minutes ay nakarating narin kami sa school.
We've been practicing and reviewing for almost less than 2 weeks. Napansin kong bihira narin yung serving skills ko sa tennis. Poor nga lang ako sa speed and endurance. Yun na siguro ang kahinaan ko. Hindi ako masyadong nakakatagal sa court dahil mahina ang lungs ko at madali akong mapagod.

Halos 3 hours din kaming nag stay ulit sa field tapos after mag pahinga. Didiretso na kami sa canteen para kumain ng lunch kasama rin sina kuya.
Umorder lang ako ng burger at fries tapos softdrinks then sina kuya, kumuha ng rice meals pati narin si Neil. Umupo kami sa may 6-seater na table.
Pinagmamasdan ko lang silang kumakain kaya tahimik lang kaming lahat.

Brother's ConflictStories to obsess over. Discover now