Voice 1 : My First Lovely View

4.8K 79 0
                                    

Janna's POV

Ten months earlier. .

"Tama na, nasasaktan ako. Tama na! " pagmamakaawa kong pakiusap sa mga fans ng Triple B habang pinagbabato nila ako ng itlog , harina, kinalmot at sinabunutan.

Nasasaktan ako.

Gustong gusto ko nang sumuko kaya lang pagsumuko ako ibig sabihin nun isinuko ko rin ang buhay ko.

He is my life. Kiel Cyriel Yuzon is my life.

"Obssessed, stalker, baliw!!! " sigaw nila habang pinagtutulungan nila ako sa pagsabunot.

Tiniis ko ang tatlong taon dahil mahal ko sya. Titiisin ko lahat para lang sa kanya. Para lang sa mahal kong si Kiel Cyriel Yuzon.

Habang lagkit na lagkit na akong nakatayo dito at humahapdi na ang mga sugat ko ay bigla nalang may humawak sa akin na mga braso.

Hindi na napigilan ang luha ko na bumagsak. Alam kong bulag ako pero hindi ito dahilan upang ipakita na mahina ako.

Tinatagan ko ang sarili ko, pinipilit kong maging matapang at matatag dahil alam ko sa kaloob looban nya mahal pa nya ako.

Mahal pa ako ni Kiel Cyriel Yuzon.

End. . .

Nabalik nalang ako sa tamang wisyo ng may nagsalita sa likod.

"Are you ready Ate, babalik na tayo sa Pinas ? " masayang tanong ni Brylle habang tinitingnan ko ang mga daliri ko.

I can't believe this, hindi ko inaakala na nakakita na ako ngayon. It's already four years, four years of blindess and darkness.

Hindi ko makakalimutan kung paano ako nangapa sa dilim. Kung paano ako inalalayan ni Dreimon sa apat na taon na yun.

"Si Dreimon hindi pa rin ba siya sasama sa atin pag uwi? " baling ko kay Brylle na deretsahang nakatingin sa mga mata ko.

Marahil nag alala pa sya kasi tatlong buwan pa ang mga matang to sa akin.

" Sabi nya susunod nalang sya, he's working so hard for his future Ate and for your future." makahulugan nyang sabi habang hindi pa rin pinuputol ang tingin sa akin.

Natameme ako. Kung utang ng loob ang pag uusapan alam kong kulang ang buhay ko para mabayaran si Dreimon. He's always here in my side specially in the worst part of my life.

He never leaves me, he becomes my guide and light through the darkness.

Pero sinabi ko na sa kanya kung anong kaya kong ibigay. We're friend and we can't be more than that.

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at bumaling sa asul na langit.

Everything is very clear to him , clear as the blue skies here in L.A.

Financially hindi naman ako umaasa kay Dreimon naibigay ng umampon sa akin ang share ko. Ang hinabilin sa akin ng mga magulang ko.

" Iba na ang kulay ng mga mata mo ngayon Ate. " pag iiba ni Brylle na nagpangiti sa akin.

Ang dating brown na mga mata ko ngayon ay kulay itim na. Naalala ko pa nun kung paano pinapahalagahan ang mg mata kong yun.

But I had to let them go, kasi kung hindi mananatili ako sa kadiliman na nakasanayan ko ng ilang taon. May mga bagay talaga na dapat mong pakawalan. And my eyes is one of them.

"Oo nga nagpasalamat talaga ako sa nagbigay sa akin ng mga mata ko. "

::::::

Habang bumahyahe kami ngayon dito sa kalagitnaan ng EDSA ay hindi ko maiiwasang tingnan ang naglalakihang billboard ni Kiel at ng banda nya.

It's been weeks since nakauwi kami pero hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Gusto ko syang makita sa malapitan pero natatakot ako.

Natatakot akong makikita ng dalawang mga mata ko na hindi pa rin nya ako kilala. At ang mas ikinakatakot ko ang makita sya kasama ang minamahal nyang babae.

I want to begged him and forced him to listen my side. Gusto kong ipaalam sa kanya na ako ang babaeng mahal nya pero natatakot akong makita ko sa sariling mga mata na wala na akong halaga sa kanya. Na walang Janna na nag eexist sa buhay niya.

Habang papasok ang sinasakyan ko sa isang village ay hindi nakaligtas sa akin ang isang pamilyar na bahay.

Bahay na alam kong naiguhit ko na minsan. Nalagyan ko nang plano at ang bahay na plinano ko para sa amin ni Kiel.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil naiiba sya sa lahat. Pero mayroon din sa kaloob - looban ko ang nagsasabing maaaring may nakaisip rin ng design na yan.

Habang lumilipas ang araw nakikita ko na lang ang sarili na pabalik balik sa lugar na iyun. Something pushes me to be there.

Hanggang isang araw habang naglalakad ako sa harap ng bahay na iyun at may tumawag sa akin mula sa likod.

"H-ey "

Kumabog bigla ang puso ko sa kaba at sa excitement.

That voice. How can I forget my loves voice?

Nanginginig ang mga kamay kong humarap sa kanya at pakiramdam ko kumawala ang puso ko sa sobrang kaba.

After four years makikita ko na rin sya. Pagkatapos ng apat na taon na boses lang ang pinanghahawakan ko at pagmamahal sa kanya ay sa wakas makikita ko na sya ng malapitan.

Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa kanya, gustong gusto na nilang kumawala sa saya.

Nang tingnan ko sya ay hindi ko maiwasan mapaluha.

Ang lalaking nasa harap ko ngayon ay napakalaki na ng pinagbago. Mas naging mature sya at ang dating mahaba nyang buhok na hinahaplos at sinasabutan ko tuwing manggigil ako sa kanya ay maikli na ngayon. At hindi pa rin nababawasan ang kakisigan at kagwapuhan nya ngayon.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan.

"K-iel " sambit ko sa kanya habang malamig lang syang nakatingin sa akin.

Those eyes , those cold eyes that reminds me of him many years ago.

How I missed him!

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon