This one is dedicated to Amiecaia. Thank you.
Janna's Point of View
Naramdaman ko na lang ang pagkahandusay ko sa mabatong lugar dito sa labas ng studio pagkatapos akong pinagtulakan palabas na parang nakakadiring taong grasa.
Aakma na sana akong tatayo ng may tumama na naman sa akin na bato upang mapahawak ako sa parteng natamaan nito.
Nanlamig bigla ang kalamnan ko ng makitang may dugo ang palad kaya kunot noo akong bumaling sa kanila. May phobia pa rin ako sa dugo.
At tumambad sa akin ang tatlong babaeng galit na galit na nakatingin sa akin.
Para silang asong ligaw na handang kumain sa akin ng buhay!
"Ikaw na naman!! Girls sya yung sumisira sa buhay ng ating pinakamamahal na si Kiel! " daing ng isa na naging dahilan upang mas lumapit sila sa akin.
Napaatras nalang ako sa galit na nakikita mula sa kanila.
"Stalker!! "
What the!
" Obssessed! Baliw ! "sigaw ng isa kasabay pa nito ang pagbato nya ng bottled water sa ulo ko.
Kaya napahawak uli ako sa ulo ko na sugatan.
Kahit masakit ang balakang at tuhod ko ay pinilit ko ang sarili na tumayo.
Ngunit naramdaman ko na lang ang pagtulak nila sa akin ng malakas na naging dahilan upang bumagsak uli ako!
"Tama na! " mangiyak ngiyak kong sambit nang maramdam ko ang mga kukong bumaon sa braso ko.
Habang nakadagan sa akin ang isa ay sinabunutan naman ako ng isa. They're like wild animals, ugly wild animals.
Napapikit nalang ako sa sakit habang pinipilit kong ilagay ang dalawang braso ko pantakip sa mukha.
Nagsisimula ng dumaloy ang luha mula sa mata ko.
Alam kong kasalanan ko kung bakit palaging ganito ang mararanasan ko pero kailangan kong lumapit sa kanya.
Kailangan kong kumapit sa pinakamasakit na pag asang maaaring panghahawakan ko.
Sa pag asang babalik ang ala ala nya. Sa pag asang mababalik uli sya sa akin.
Habang napaluha ako ay naramdaman ko nalang ang pag alis nila sa akin.
"K-iel " utal na sambit ng isang babae na nagpadilat sa mga mata ko.
"What the hell are you doing to her?!! " galit na galit na boses ni Kiel upang mamutla ang mga babae.
Dahil sa pagkabigla ko ay sinubukan kong tumayo habang tinitingnan ngayon si Kiel.
Sobrang sakit na nang katawan ko at humahapdi na ang mga sugat ko.
"K-asi hindi ba sya yung obssessed fan mo Sweettie Kiel ?" nagsusumamong tanong ng babae pero nakita ko nalang ang paghablot ni Kiel sa braso nya na naging dahilan upang manginig ang babae.
"The next time I saw you lay your dirty flirty hands on her believe me sisiguruhin kong sa hospital na ang bagsak nyo . " nangagalaiting sabi ni Kiel habang ramdam na ramdam ko ang pagdilim ng paningin ko
Kasabay ng pagkarinig ko ng yapak na papaalis ay ang tuluyang pagdilim ng paningin ko.
Kiel's Point of View
Nanginginig ang kalamnan ko sa galit dahil sa nakitang pananakit nila kay Janna.
Gustong gusto ko silang tirisin sa mundo!
Habang matalim na sinusundan ng tingin ang mga na fans ay kinakabahan kong binalingan si Janna. Pero imbes na pag alala ay takot nalang ang nararamdaman ko ng makita syang nakahandusay habang nawawalan ng malay.
Ginapangan ako ng sobrang takot. Takot na mawala sya. Takot na maaaring may masamang nangyari sa kanya!
Nang makita ko ang taxing paparating ay agad ko itong pinara at binuhat si Janna papasok sa loob. At agad kong sinabi ang address ng family doctor namin. Her situation horrified the hell of me.
Nang makapasok ako sa loob ng taxi hindi ko naiwasan ang tingin ng driver kahit ginulo ko na ang buhok ko.
"This is an emergency kaya pwede ba manong pakibilisan. " inis kong sambit sa driver upang i focus nya ang paningin sa kalsada.
Isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko sa loob ng taxi. The feeling overwhelms me. Hindi ko naiiwasang hawiin ang buhok nya upang mapagmasdan ang mukha nya.
Nasasaktan akong makita ang pasa at dugo sa mukha nya.
Her bruises is like a blood in mouth, stab in my heart and desserted my soul to the core of the earth.
Na kahit gawin ko pang bato ang puso ay kusa nalang itong lalambot dahil sa paghihirap na dinanas nya.
Sa kabila ng hindi maipaliwanag na taranta at nararamdaman habang nakahawak ang kamay ko sa dumugo nyang ulo ay dumapo bigla ang paningin ko sa namumutla nyang labi.
Dammit !!
Napalunok nalang ako nang maisip kung gaano ko sya gustong halikan.
Shit!!
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...