Voice 24: Chances

2.4K 36 1
                                    

Kiel Cyriel's POV

After a month. . .

Pagkatapos sabihin ni Jiela sa akin lahat dinaig ko pa ang isang pulis na pinagpasan ng isang sakong buhangin sa gitna ng karagatan.

Naalala ko na lahat lalo pa kung paano ko pinagtabuyan noon si Janna!!

Dahil sa sama ng loob ay naitapon ko ang basong may lamang tubig.

"Dammit! "

" Kuya!! " pigil sa akin ni Jielo upang itulak ko sya na nagpahandusay sa kanya sa sahig.

" Ano Mom may tinatago pa ba kayo sa akin? May tinatago pa ba kayo bukod sa mga katotohanang ipinagkait nyo sa akin ng magka amnesia ako!! " nanggagalaiti kong tanong sa kanila habang inalalayan ni Jiela si Mommy.

" Kaya ba pinipilit nyo akong magpagaling? Kaya ba pinipilit nyo akong wag puntahan si Janna kasi may malaki akong kasal anan sa kanya? Sa tingin nyo ba hihiga nalang ako dito sa hospital habang iniisip kung kumusta na ang babaeng mahal ko! Hell NO!!! " sabi ko sabay tayo.

Isang buwan. .isang buwan akong nagpapagaling ng hindi ko namamalayan na napakalaki ng nawala sa akin.

Aakma na sana akong lalabas ng bumukas ang pinto at hindi paman sila nagsasalita ay alam ko na agad kung sino sila kaya umayos ako ng upo.

Dammit!!

**********
" Pagkalabas at pagkalabas mo dito ay magho-hold agad tayo ng presscon para masagot lahat ng ibinabato sayong kontrobersya Kiel " ito agad ang bungad sa akin ni Manager Steph

Tumango nalang ako sa bawat salita ni Manager sa akin. Walang ibang nasa isip ko ngayon kundi si Janna. Bakit hindi sya dumadalaw sa akin? Dahil ba sa galit o maaari kayang sumuko na talaga sya sa akin. Naaalala ko na ang huli naming pagkikita sa mall nung may mall show kami.

Nakalimot man ang isip pero hindi kailanman sya nilimot ng puso ko.

Bakit nga ba kami humantong sa ganito?

" Kiel are you with us? " tanong sa akin ni Manager Steph upang ilinga ko ang mata sa paligid.

Everyone was staring me eagerly. Wala na si Jeila at si Mommy at ang natatanging naiwan lang para bantayan ako dito ay si Jielo.

"Of course, yun ang iniisip ko kung paano ko sasabihin sa mga press na itinatago natin mula sa kanila ang pagka aksidente ko. " tugon ko sa kanila upang tumahimik sila.

Pakiramdam ko ang daming bagay na dapat kung ayusin.

" Isang linggo, isang linggo pa ang ilalagi ni Kuya dito kaya wag nyo syang madaliin " maotoridad na sambit ni Jielo sa likod upang mapatingin ako sa kanya.

Isang linggo? Kailan ko mapupuntahan si Janna kung ganun?

" Maghihintay pa rin kami. Beside yung pagkawala ni Kiel pupwede lang namang palabasin na nagbakasyon sya sa labas ng bansa. Family matters kumbaga " sambit ni Manager Steph upang tumango na naman ako.

" Kailangan na nating magsimula Kiel. Marami na tayong nasayang na oras. " sambit naman ni Xander upang magsalita si Jielo.

" Wag nyong madaliin si Kuya. Kung makapagsalita kayo dyan parang hindi nag agaw buhay ang sinasabihan nyo. " iritang sambit ni Jielo upang magsalita ako.

" Wag kang mag alala Cyrus sinasabi lang nila ang dapat kong gawin pagkalabas dito. Chill bro. " pagpapakalma ko pa sa kanya na ikinasimangot nya.

Pagkalabas at pagkalabas ng mga kabanda ko ay agad dumapo ang tingin ko sa hawak hawak na susi ni Jielo.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon