Janna's Point of View
Pak!
Agad akong sinalubong na malutong na sampal ng isang babae habang nasa labas ako ng isang mall.
Kasabay nito ang pag aligid bg mga kasama nya sa akin.
" Malandi! Mukhang pera! Walang panindigan! " pambibintang pa sa akin ng babae upang kunutan ko sila ng kilay.
" Aba nagtapang tapangan pa! " kasabay ng pagsasabi ng babae nun ay ang pagsabunot nya sa akin saka kinaladkad ako ng kasamang nyang lalaki papasok sa isang tagong lugar.
Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko kaya. Masyado syang malakas para sa akin. Bakit ba kasi napakahina ko? Lage nalang akong umaasa kay Dreimon at ngayong namumuhi na sya sa akin ito na ang napapala ko.
" Bitawan mo ako. Nasasaktan ako sa pinagagawa mo! " pagpupumiglas ko ngunit naramdaman ko nalang ang pagtulak sa akin ng lalaking kasama nila saka nakatawa silang tumingin sa akin.
Para akong nanonood ng isang babaeng inaapi at papatayin.
" Grabe ang tigas din ng babaeng to. Hindi man lang nagpapakita ng kahit kaunting takot. " sarkastiko pang sabi ng isang kasama nila upang matalim ko silang tingnan.
"What would you expect sa landi ba naman ng babaeng yan. Iniwan ang isang Yuzon para sa isang Sy. Mukhang pera! " sabi ng babae kaya unti unti akong tumayo.
Di nila alam ang pinagsasabi nila. They're nothing but the people who has empty mind that keeps on making noise just to prove their self that they're worth it.
Ngumiti naman ako ng nakakaasar sa kanila.
" Hindi ko alam kung galit ba talaga kayo o sadyang inggit lang kayo sa akin. " sabi ko pa sa kanila upang makita ang galit mula sa kanila.
I need to wear those fighting spirits para hindi ako magmumukhang kaawa awa! Lagi nalang akong umiiyak. Nagmamakaawa na mahalin ng iba at ngayon alam kong tears is not the answers for every pains and heartaches that I've been through.
Naramdaman ko nalang ang pagsampal sa akin ng babae upang kalmutin ko rin ang mukha nya. Galit na galit naman akong sinugod ng isa upang mapahandusay ako sa malamig na sahig.
Naramdaman ko nalang ang mga kukong bumaon sa braso ko. Just like the old days, nung lage akong humahabol kay Kiel.
Hindi naglaon ay nakita ko nalang ang paghinto nila at doon tumambad sa akin ang babae. Isang magandang babae ang mas ikinabigla akita kong kahalikan ni Dreimon noon.
" Bitch! "sambit nya kahit blurred na sya sa paningin ko.
Unting unti ng lumalabo ang paningin ko kasi bukod sa nawawalan na ako ng lakas ay may mga dugong dumadaloy ngayon sa braso ko.
Bakit ko ba nakalimutan na may phobia pala ako sa dugo? Akala ko nakaget over na ako sa phobiang ito dahil kay Dreimon pero heto na naman sya ngayon bumabalik.
Naramdaman ko uli ang paghawak ng lalaki sa buhok ko upang mapilitan akong tumayo.
" Inagaw mo si Dreimon sa akin! Malandi! " sigaw nya sabay sampal nya sa akin ng malakas. Pakiramdam ko napunta ang mukha ko sa kabilang banda dahil sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin.
Masakit pero wala nang luhang lumalabas sa akin ngayon. Walang wala ang physical na pananakit nila sa akin kaysa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Isang linggo nalang at ikakasal na kami ni Dreimon kaya kailangan kong magpakatatag. Kahit yun lang makakabawi ako sa kanya sa laki ng utang na loob ko sa kanya.
Hinablot uli ng babae ang buhok ko upang makita ko ang galit na galit nyang mukha.
" Do you know how many surgery I went through para lang mapaganda ang sarili ko? At sa isang katulad mo lang ipagpapalit ako ni Dreimon? Hell with you! I'll make sure na hindi ka na madadatnan ng umaga dito! " pagbabanta pa nya upang ngitian ko sya ng nakakaasar.
" Peke na nga ang mga bahagi ng katawan mo pati lahat ng pag uugali mo made in China. You're rooting for Dreimons wealth and not his love kaya dapat lang manatili sya sa tabi ko. You didn't Dreimons attention! "
Sa pagkakasabi kong yun ay isa namang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Sarcastically, she looks like a monster in my eyes kaya nilabanan ko ang takot na nadarama. I shouldn't give them the satisfaction for bullying me!
Same as she don't deserve Dreimons love.
Nang malasahan ko ang dugo sa labi ko mas lalo akong nakaramdam ng paghilo.
" Make sure to kill me here kasi kung hindi nasisiguro kong hindi lang sa kulungan ang pupuntahan nyo kundi pati sementeryo matitirahan nyo! " pagbabanta ko pa sa kanila upang sakalin ako ng babae.
" Matapang ka ha? Titingnan natin kung hanggang saan ang katapangan mo! " sambit ng babae upang tuluyan nya akong sakalin.
Naba blurred na ang mga mata ko at kulang nalang masuka ako sa sobrang sama ng tyan ko.
And before my eyes closed a figure of a man appear in my peripheral vision.
I hope I was not dreaming this time.
___
Kahit mabibigat ang mga mata ko ay pinipilit ko itong idilat.
"She's one week pregnant Mr. Sy so please take care of her. She needs a lot of attention lalo pa't may dinadala sya" rinig kong sambit ng doctor upang bumagsak ang mga luha ng mata ko.
I am pregnant with Kiels baby! Dahil sa ideyang ito ay napahagulhol nalang ako ng iyak.
When Dreimon saw me he automatically turned into my side. Nakita ko din ang madaliang paglabas ng doctor.
Naramdaman ko nalang ang paghaplos ni Dreimon sa pisngi ko sabay pahid ng luha. Pero agad ko itong hinawi.
Nakakahiya sa kanya I did not deserve him.
Mabilisan naman nyang hinawakan ang kamay ko upang hawiin ko uli ang kamay nya.
Kitang kita ko kung paano sya nadidismaya sa inaasta ko.
" Im sorry. Hindi lang kita ginamit, pinaasa't sinaktan kasi hindi pa ako nakuntento nagpabuntis pa ako sa kanya. Sana hindi mo nalang ako niligtas. Sana pinabayaan mo nalang ako Dreimon. Bakit ka pa kasi dumadating sa panahong laging nasa panganib ako? "
Humahagulhol kong sabi sa kanya upang yakapin nya ako ng mahigpit.
" Kahit ilang ulit mo pa akong saktan hindi ko kayang mawala ka sa akin Janna. Tatanggapin kita, aakuin ko ang batang pinagbubuntis mo wag ka lang umalis sa tabi ko Jana. " basag pang boses na sabi nya upang humahagulhol ako ng iyak.
Bakit ba mahal na mahal nya ako? Samantalang ako walang ibang ginawa kundi saktan sya. Bakit ba sobrang swerte ko dahil isang Dreimon na hindi nang iiwan sa akin.
" Ang batang yan na nasa sinapupunan mo ay anak ko at paglaki nya ako rin ang kikilanin nyang ama Janna. Sya ay anak nating dalawa. " sabi nya upang mas maiyak ako.
Wala syang ibang ginawa kundi intindihin ako.
Dahil sa sobrang kalituhan ay niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Hindi ako karapat dapat sa kanya pero hindi ko rin kakayanin na saktan pa sya.
Maybe Dreimon Sy will be a good father to my baby.
Im sorry Kiel but magiging masaya lang tayo kung wala tayong taong masasagasaan at masasaktan.A/N:
Hi reader how's this chapter? Malapit na. Sinong maka Yuzon o maka Sy dito? :-)
Vote if you like this one or leave feedbacks. Every feedbacks is very precious to me. Salamat.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...