Voice 14: Gone

2.5K 53 0
                                    

Dreimon's POV

Ilang araw na akong pabalik balik dito sa apartment ni Janna pero wala pa ring bumubukas sa akin.

Badly, kinuha nya ang spare key ng apartment nya mula sa akin.

Nakailang tawag na rin ako at wala akong nakuhang kahit isang sagot.

Masama ang kutob ko dito.

Aakma na sana akong aalis nang makasalubong ko ang landlady ng apartment.

" What? Are you kidding me Manang ? Paano sya aalis ng hindi magpapaalam sa akin?" inis kong sambit sa landlady ng sabihin nyang umalis na si Janna.

" Eh yun nga iho eh. Nagmamadali sya at ibinigay na rin nya sa akin ang mga susi ng apartment. At wala rin syang sinabi sa akin kung saan sya pupunta. " sambit nya upang mapahilamos ako sa mukha.

Nang makaalis sya ay napaupo nalang ako.

Hindi ko aakalain na aalis sya. Di ko aakalain na iiwan nya ako!

Habang naglalakad ako patungo sa kotse ay hindi ko alam ang gagawin. Sa tuwing maiisip sya ay nawawalan ako ng pag asa sa buhay

Hindi ko kayang wala sya sa tabi ko. Hindi ko kayang hindi sya maalagaan at makita.

Hindi man naging kami pero ang pagmamahal nya ay walang katulad. Kung mag alaga sya hindi mo makikitaan ng kahit anong kasamaan at kasakiman.

" Fuck this life! " sigaw ko sa manibela ng kotse ko.

Naghahabulan ang takbo ng puso dahil sa takot. Takot na tuluyan na nya akong iniwan!!

Damn Janna, why do you have to leave me?

Ganun ka na ba nasaktan dahil sa kanya?

Kiel's Point of View

"Kiel what happened to you? Ano bang problema mo? " sambit ni Andrea sabay kuha ng basong may laman na alak.

Dammit!!

" Umuwi ka na Andrea. I don't need you here! Paano mo ba nalaman itong bahay ko! Dammit Andrea bakit ko nga nakalimutan na pinababantayan mo pala bawat kilos ko! " diin kong sabi sa kanya sabay bawi sa basong hinablot nya sa akin.

" Kiel hinahanap ka na nila? Ano bang problema mo? Fiancee mo ako Kiel bakit mo ako ginaganito? " basag na boses nyang sabi upang kumunot ang noo.

Fiancee? Bakit ko nga nakalimutan na niyaya ko pala syang magpakasal?

Naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi nya sa akin upang itulak ko sya.

Bakit sya na naman ang naiisip ko? Bakit si Janna na naman?

"What the hell is wrong with you Kiel? " galit nyang sambit upang tumayo ako.

She's pathetic!

" Im not in the mood Andrea kaya pwede bang umuwi ka na" sabi ko sabay laklak ng bote ng alak.

I want to forget how I was hurt now!

I want to forget her face!

I want to forget how I fall and get hurt because of her.

"Ano bang nangyayari sayo Kiel. Nagsisisi ka ba na niyaya mo ako----"

"Dammit Andrea I said get out. Bakit kailangan mo pang magtanong? Gusto mo bang malaman ang totoo? Gusto mo bang malaman kung gaano ako nagsisisi na niyaya kitang pakasalan. Gusto mo-- " napigil nalang ang sasabihin ko ng niyakap nya ako ng mahigpit.

Napahiwalay nalang uli sya sa akin ng may magdoorbell.

Kaya agad akong lumabas ngunit pagkabukas at pagkabukas ko sa gate ay sinalubong agad ako ng isang malakas na suntok upang mapahandusay ako.

Napatingin nalng ako sa may pakana nito habang pinapahid ngayon ang dugo sa labi ko.

Fuck this!

Aakma na naman sana nya akong susuntukin uli ng hawakan sya ni Andrea.

" Tama na Dreimon! " sigaw ni Andrea habang matalim na matalim nya akong tiningnan.

" Nasaan sya? Tinago mo ba sya? Sumama na ba sya sayo? " nanggagalaiti nyang sambit upang kumunot ang noo ko.

" Ano bang pinagsasabi mo? " taka kong tanong sa kanya ngunit hinablot nalang nya ang damit ko upang makita ko kung gaano nya ako gustong patayin.

Nanlaki ang mata ko marealize na sinong tinutukoy nya.

" Nawawala sya? Nawawala si Janna? " sambit ko upang lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin at nakita ko nalang kung paano nya sinuntok ang gate namin upang dumugo ang kamao nya.

" I condemned you to the hell Yuzon! You hurt her, you broke her at wala kang ibang ginagawa kundi ang pinagtabuyan sya! Pagsisisihan mo ang lahat ng to Yuzon! "  sigaw nya sabay duro pa sa dibdib ko upang kumirot ang puso ko.

" Pagnakita ko sya hinding hindi mo na mahahawakan kahit isang hibla ng buhok nya Yuzon! " inis nyang sambit sabay talikod sa akin.

Para akong nabuhusan ng malamig na yelo sa narinig mula sa kanya.

Para akong nahulog sa bangin na nagpawala sa akin sa sarili.

She is gone.

Nawala sya dahil hinayaan ko syang bumagsak at sinaktan pa.

Dahil sa nangyari ay agad akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap ang susi ng kotse ko.

Hahanapin ko sya.

Hihingi ako ng tawad sa kanya. Magsisimula kaming muli at iiwan ko ang nakasanayan kong buhay para sa kanya.

Alam ko ito ang tamang landas na tinatahak ko. Alam ko na sya ang daan para masagot ang mga kasagutan ko sa nakaraan.

Habang papasok ako sa kotse ay napahinto nalang ako ng hinarang ako ni Andrea.

"Kiel where are you going? Please Kiel wag mo akong iwan para sa kanya? Kiel wag mo syang hanapin, pl-- "

" Tigilan mo ako Andrea, stop manipulating my life! Pag ako nalaman ko ang totoong pinagloloko mo ako. Pag nalaman kong pinagkakaisahan nyo ako tandaan mo to Andrea makikita nyo ang galit ng isang Kiel Cyriel Yuzon " madiin kong sambit upang lumayo sya sa akin.

Nang papaalis ako ay nakita ko nalang ang paghikbi nya kaya mabilis kong nilisan ang lugar na iyun.

Habang nag dadrive ako pakiramdam ko na lumilipad ang utak ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong para mahanap sya.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon