Voice 5: Anger of his Love

2.8K 63 1
                                    

Dreimon's Point of View

Habang papasok ako sa kwarto na kinalalagyan ni Janna ay hindi ko alam ang nararamdaman.

Marami na akong pinagdadaanan habang inaalagaan ko sya ngunit ganito lang sya kung saktan ng iba.

Fuck you Yuzon!!

Nang buksan ko ang pinto agad tumambad sa akin ang napakaawang mukha ng babaeng mahal ko.

Tumayo sya sa pamamagitan ng saklay kaya batid ko ang paghihirap nya dahil dito.

Nangingitim ang mga braso at kitang kita ko rin ang ilang plaster dito. Sa mukha naman ay mga pasa rin at ang ulo nya ay nakaplaster din.

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko pumuntang ulo ko.

I wanted to kill now !! My hands balled into fists. I can't control my anger.

Ang babaeng matagal kong pinoprotektahan ay bugbog na bugbog ngayon! Fuckinshit.

Ilang linggo ko lang syang hindi nakikita at ngayon madadatnan ko syang ganyan ang kalagayan !! Pesteng buhay!!

Hindi ko kayang pagmasdan sya sa ganyang kalagayan! Hindi ko matatanggap na basta basta nalang siyang sasaktan ng iba!

Aakma na sana akong tatalikod ng tinawag nya ang pangalan ko.

"Dreimon. " mahina nyang boses upang lingunin ko sya at bumungad uli sa akin ang mala anghel nyang ngiti. Ngiting laging tumutunaw sa galit na nararamdaman ko.

Pero sadyang binubuhay ako ng galit at hindi ko kayang makita sya sa ganyang kalagayan!

Dahil sa pag aalalang baka hindi ko makontrol ang galit ko ay agad akong tumalikod sa kanya ng walang paalam.

I am fuckin mad right now!

Rinig na rinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit wala na ako sa sarili dahil sa galit.

:::::::::

Nakita ko nalang ang sarili ko sa tapat ng bahay ni Yuzon at nang bumukas ito ay agad kong sinugod ng suntok si Yuzon na nagpahandusay sa kanya.

"What the fuck Sy! Ano bang problema mo! " inis nyang sambit habang tumatayo na ngayon .

Kaya nga lang dahil galit ako ay hindi ko napigilan ang sarili na sapakin na naman sya. Lintik lang ang hindi nanakit.

Ngunit naramdaman ko nalang ang pagsapak nya rin sa akin upang ako naman ang mapahandusay!! SHIT!

" Ano bang problema mo Sy! " tanong nya ulit habang galit na galit na nakatingin sa akin.

Galit rin ako ngayon kaya hindi ako patitinag sa galit nya. Pambihira ang sarap talagang pumatay ng tao!

"Problema!? Ikaw ang problema ko Yuzon. Paano mo naatim na makita syang ganun? Paano mo naatim na naghihirap sya ng ganun ? " inis kong sigaw sa kanya upang mapatigil sya.

" Wala ka na ba talagang pagmamahal sa kanya na maatim mong makikita sya sa ganung kalagayan?!! Fuck you Yuzon !! For Gods sake halos malumpo na siya Yuzon. " nanggagalaiti kong sambit upang tingnan nya ako ng makahulugan.

Nabalik nalang ako sa sarili ng maisip ko ang pagkakamali sa sinabi.

Kaya agad akong tumalikod sa kanya.

Aakma na sana akong maglalakad ng hawakan nya ang balikat ko. Kaya walang emosyon ko syang binalingan.

Hindi nya pwedeng malaman, hindi nya pwedeng kunin sa akin si Janna!

"Sabihin mo nga sa akin Sy ano bang meron sa amin ni Janna noon? Bakit ba ganyan ka nalang kagalit sa akin.? " tanong nya upang kunutan ko sya ng noo.

Hindi nya pwedeng malaman!

Habang binabasa nya ang nasa utak ko ay hinawi ko ang kamay nya.

"She is mine. Mine alone Yuzon. " diin kong sabi upang malaglag ang panga nya.

:::::

" Dark tama na yan! Hindi na sa ospital ang bagsak nyan kundi sa sementeryo na ! " sigaw ng kasamahan ko sa gang habang patuloy ko lang na binubugbog ang nakalaban namin.

I wanted to taste blood right now. My heart is burning with anger. My mind is uncontrollable due to my madness.

"Dark enough. " sambit ni Sword kasabay ng paghablot ng dalawang braso ko.

Nang nailayo na nila sa akin ang kalaban na nag aagaw buhay ay agad kong tinapik ang kamay nilang nakahawak sa akin.

"Sa susunod na papapuntahin nyo ako dito yung may laban naman. Hindi yung sisiw lang, nakakawalang gana!! " sambit ko sabay alis sa harap nila.

Ilang taon na rin simula nung iniwan ko ang pagiging regular sa gang at yun ay para maalagaan si Jana. Pero ngayon nakikita ko nalang ulit ang sarili dito.

Dark ang tawag nila sa akin. Dark ibig sabihin kadiliman, pag ako kinalaban ng sinuman ay isa lang ang maipaparanas ko sa kanila at yun ang pait ng kadiliman.

Pero sa kabila ng kadiliman kong yun isa lang natatanging nagbibigay ng liwanag sa akin.

At yun ay si Janna. Kaya hindi ko hahayaang magkakaganun siya.

Habang inis akong nagda drive ay nakita ko nalang uli ang sarili sa apartment ni Janna. My feet froze while standing in front of her door. I am hesitant, baka magalit siya sa akin dahil sa pakikipagbugbugan.

Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang pigura niyang nakahiga sa sofa.

Nasisiguro kong sa sobrang pag aalala nya sa akin kaya sya nakatulog dito.

She knows me, she accepts my flaws and cares for me aside from being imperfect. Pero sa kabila ng pananatili ko sa tabi nya bakit hindi pa rin nya nakikita ang pagmamahal ko?

Gaano ba ako kahirap mahalin? Gaano ba kahirap intindihin at mahalin ng lubos ang isang Dreimon Sy?

Habang kinukumutan sya ay nabigla nalang ako ng imulat nya ang mg mata nya at kunot noong tumingin sa akin.

Kaya napaatras ako.

Dammit malamang sisigawan at pagagalitan na naman ako nito!

Pero imbes na sigaw ay naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap nya sa akin na nagpatibok sa puso ko ng malakas.

" Saan ka na naman ba nanggaling? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag aalala sayo Dreimon. " nag aalala nyang sambit upang manghina ako.

She never fails to make me fall inlove with her. And I fall inlove with her again and again.

" Nakikipagbubugan ka na naman? Diba sabi ko sayong hindi yan makakabuti, shit Dreimon paano kung may nangyari sayo. Paano kung maospital ka na naman? God Dreimon alam mo namang ikaw lang ang natatanging gabay ko sa buhay. Diba pwe-- " naiiyak nyang sabi upang putulin ko ang pagsasalita nya at yakapin sya ng mahigpit.

" Shh. Di na mauulit, promise. " sabi ko sa kanya sabay hagod sa likod niya. Napailing nalang ako sa katangahan.

Ayaw ko syang umiiyak. Ayaw ko syang nahihirapan. Di bale kung ako nalang ang masaktan wag lang sya.

Di bale na kung maging martyr, tanga at bobo wag lang syang mawala sa tabi ko.



The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon