Voice 23: The Color

2.3K 41 1
                                    

Janna's POV

Habang nagmamaneho si Dreimon ay hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya.

" T-hat will be the last time that I'll visit him " pauna ko pang sabi kay Dreimon upang maramdaman ang pagkuha nya sa kanang kamay ko habang yung kanang kamay naman nya ang nagdadrive.

Naalala ko bigla noon. Ganitong ganito kami ni Kiel sa tuwing kami lang dalawa sa kotse pasimple nyang hahawakan ang kamay ko.

Pero napatingin nalang ako kay Dreimon ng dumampi ang labi nya sa kamay ko pagkatapos ay ngumiti.

Ngiting marahil isang beses lang sa isang buwan makikita.

" It was fine Janna. And thank you for giving me the chance. Narinig ko ang sinabi mo kay Jiela and it makes me gone crazy Janna. I am so happy " nakangiti pa ring sabi nya upang mapangiti ako.

" Masaya rin ako Dreimon na makikita kang masaya. You don't know how thankful I am for coming into my life my Guardian Angel. " masaya kong sambit sa kanya kahit nahihirapan ang kaloob looban ko lalo pa kung maalala si Kiel.

" By the way Janna may appointment pala tayo ngayon sa isang fashion designer " sabi nya upang mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa labas ng kotse.

Preparations for our wedding probably.

" Mmm talaga anong oras? " masaya kunwari kong tanong sa kanya at nakita ko nalang ang pagseryoso ng mukha nya.

"This afternoon, pero hindi ka ba inaantok? " nag aalalang tanong nya sa akin upang umiling ako.

Paano kaya nya nalaman na nandun ako?

*********

Habang maigi lang akong tumitingin ng gown dito sa isang boutique ay hindi ko maiwasang maiisip si Kiel.

Paano kaya kung kami ang ikakasal ni Kiel?

Ano kaya ang pakiramdam na ang lalaking mahal mo ang maghihintay sayo sa altar ng simbahan?

Siguro ang sarap nun sa pakiramdam. Siguradong mas masarap pa yun sa tagumpay ng makapasa sa board exam o manalo sa lotto.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may pumulupot na mga braso sa bewang ko mula sa likod. Hindi ko na kailangan magtanong kung sino yun kasi mula sa repleksyon sa salaming nasa harap namin ay kitang kita ko ang masayang mukha ng lalaking papakasalan ko.

Dreimon Sy.

" Do you like that one my princess? " kalmadong kalmado nyang tanong sa akin upang ngumiti ako

Most of the time makikita ko syang matalim ang tingin o di kaya nakasimangot wearing those bad boy looks na noon kinatatakutan ko sa kanya pero ngayon iba. Ibang iba.

He is totally happy at natatakot akong babalik na naman sya sa dati kung sasaktan ko man sya.

" Napakaganda hindi ba? " tanong ko sa kanya upang tumango sya bilang pagsang ayon sa akin

Napahiwalay nalang kami sa isa't isa ng may tumikhim sa likod namin.

" Mr. Sy Im sorry to interrupt the both of you gusto ko lang imbitahan kayo sa loob para mapag usapan na natin ang details ng kasal nyo. " bungad sa amin ng organizer upang sumunod kami sa kanila.

Naramdaman ko pa ang paghawak sa kamay ko ni Dreimon kaya hinayaan ko nalang sya.

Nang makapasok kami sa loob ay namangha nalang ako sa nakitang ibang ibang kulay ng ribbon.

Pero isa lang kumuha ng atensyon ko.

" Mrs. SY to be anong gustong mong motif nang kasal nyo? " yan agad ang tanong sa akin ng organizer na may malaking ngiti sa labi. Kitang kita ko pa ang malalagkit nilang tingin sa braso ni Dreimon. Ang braso nyang may pakpak ng anghel. Sa kabila naman ay may buong pangalan ko na may bungo sa gitna.

Pero imbes na magmukha syang adik ay nakakadagdag lang yan sa pagiging ma appeal nya.

" Can you stop staring at me if you still want to see yourself! " inis nyang banta upang mapabaling sa akin ang isang bakla at ang assistant nito.

Kaya pinisil ko ang mga kamay nya upang mapakalma sya.

" I want the blue, how about you
Janna " kaswal na tanong ni Dreimon sa akin upang tingnan kong mabuti ang nakalatag na ribbon.

Puti. Puti ang nagpapaalala sa akin kay Kiel.

Naalala ko na naman kung gaano sya ka adik sa kulay puti at gaano sya kaorganize na lalaki.

Nabalik nalang ako sa wisyo ng naramdaman ang paghawak ni Dreimon sa  hita ko.

" Janna " banggit nya sa pangalan ko upang balingan ko ang mga organizer.

"Y-yung puti, g-usto ko ang puti pero kung asul ang gusto mo. Yung blue nalang. " saad ko pa upang kumunot ang noo ni Dreimon.

" Yung navy blue po ba ang gusto nyo Sir? " malanding tanong ng bakla upang matalim syang tingnan ni Dreimon.

" My wife want the white so white will be our motif. " deretsahan sambit ni Dreimon upang maguilty ako.

Hindi ako ang may gusto ng puti kundi si Kiel.

********

Habang papasok kami sa apartment ay tahimik lang na nakasunod sa akin si Dreimon.

" Pagod ka ba? " ilang na tanong ni Dreimon upang humarap ako sa kanya at ngumiti.

" Hindi, ikaw gusto mo bang matulog sa loob? Ipagluluto kita para sabay na tayong maghapunan. " pag iimbita ko sa kanya at nabigla nalang ako ng niyakap nya ako ng mahigpit.

" Thank you very Janna. Thank you for not leaving me. " paos nyang sabi upang mangilid ang luha ko.

Dreimon Sy deserves the best. Hindi sya karapat dapat saktan.

" Ako ang dapat magpasalamat sayo My Guardian, lahat iniwan na ako. Pero ikaw, ikaw ang taong nanatili sa buhay ko. Habang nalulunod ako sa dagat ng kalungkutan ikaw naman inihaon mo ako at binigyan ng bagong buhay " sambit ko upang humiwalay sya sa akin at naramdaman ko nalang ang paghalik nya sa noo ko, sa ilong at ang huli sa bibig upang mabigla ako.

His luscious lips gently touch mine. Mainit at puno ng pagmamahal na halik sa unang pagkakataon.

Pumikit nalang ako ng maramdaman ang kagustuhan nyang pasukin ang kaloob looban ng bibig ko.

Bakit pakiramdam ko I cheated Kiel with what I have done. Jusko si Kiel bakit hindi ko sya kayang ibaon sa limot.

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha sa mga mata ko upang yakapin ko si Dreimon.

At mula sa pagyayakap kong yun ay palihim kong pinahid ang luha ko.

Gaano ba kahirap turuan ang puso na magmahal ng iba?

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon