Kiel's POV
Isang linggo na rin ang lumipas ng sinabi yun ni Daddy.
Habang papalapit ako kay Mommy ay hindi ko maiiwasang mangamba.
I'm not prepared for that marriage pero kung tutuusin may point naman si Daddy. Apat na taon na kaming magkarelasyon ni Andrea and she's on my highest and lowest point of my life.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang lalim ng iniisip ni Mommy kaya nilapitan ko pa sya lalo.
"Mom" sambit ko na nagpabigla sa kanya.
"Baby may kailangan ka? " agad nyang tanong upang tumayo ako sa tapat nya.
At mula sa pwesto namin ay kitang kita ko ang kabuuan ng subdivision.
"Nakita lang kita dito Mom. " wala ko sa sarili kong sabi at hindi naglaon ay isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa amin.
"Kiel are you ready to get married" walang emosyong sabi ni Mommy upang mapatingin ako sa kanya.
Hindi mo makikitaan na masaya sya o malungkot. There was something bothered her.
" What do you think Mom? " sabi ko habang kitang kita ko ang pagkagat ni Mommy sa labi.
"I a-m worried " sabi ni Mommy upang tingnan ko sya ng makahulugan.
"Worried of what Mom? " mabilis kong tanong upang mabigla sya
" D-on't you have any hesitations Kiel. I mean marriage is a solemn thing Kiel at pag kinasal na kayo wala ka nang babalikan pa sa nakaraan. What if pagsisihan mo ito pag bumalik ang alaala mo? " wala sa sariling sabi ni Mommy na nagpakunot sa noo ko.
"Ano bang nasa nakaraan ko Mom? Bakit pakiramdam ko ang dami nyong tinatago sa akin? " deretsahan kong sambit kay Mommy upang mapaluha sya.
Dammit Kiel!!
Kaya agad kong niyakap si Mommy.
"What we had done is all for your own good Kiel. We want your father only the best for you. At nung macoma ka pakiramdam ko nawalan ako ng isang paa. Hirap na hirap ako Kiel that's why we decided to leave everything behind. " sabi ni mommy habang umiiyak pa rin upang tapikin ko ang likod nya.
I don't know where to start. I don't know kung sinong lalapitan ko. Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap ng sira sira kong nakaraan.
Janna's POV
Kababalita lang ng nalalapit na engagement ni Kiel. Hindi ako papayag na magpapakasal sya sa impostora.
Habang wala ako sa sariling naglalakad dito sa labas ng JJC Condominium ay bigla nalang nahagip ng paningin ko ang magandang mukha ni Mrs. Yuzon.
Kaya mabilis akong tumungo sa pwesto nya ngunit bago paman ako makalapit sa kanya ay naramdaman ko nalang ang pagpigil sa akin ng mga bodyguard nya.
"Mrs. Yuzon! " tawag ko sa kanya upang mapahinto sya at pagharap nya ay para syang nakakakita ng multo.
Kaya ngumiti ako sa kanya ng pilit.
It's almost four years since then.
"Masaya akong makita kayong muli Mrs. Yuzon " sambit ko at naramdaman ko nalang ang pagyakap nya sa akin.
Naalala ko bigla ang huli naming pag uusap noon.
Flashback
Nang sumabog ang sinasakyan ni Jude ay may rumescue sa amin na naging dahilan upang madala agad kami dito sa ospital.
Hindi ako masyadong napuruhan dahil iniharang ni Kiel ang buo nyang katawan wag ko lang maramdaman ang impact ng banggaang iyun.
Pero nabali pa rin ang braso ko at ngayon lumalabo na rin ang paningin ko.
Natatakot akong tuluyan na akong mabulag kong sakali man at hindi na makikita si Kiel.
Si Kiel na buhay ko.
"Mrs. Yuzon hindi ko po sinasadya-- '" naramdaman ko nalang ang malakas na sampal galing sa kanya upang mapatigil ako at umiiyak na tumingin ngayon sa galit na galit nyang mukha.
" Hindi mo sinasadya? Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganyan ang anak ko. Kung hindi sana sayo hindi mamatay ang bestfriend nya na kapatid mo. You are a mess Janna. Isa kang kahihiyan sa mga Velasquez! " sambit nya upang mapaatras ako habang matalim na matalim akong tiningnan ni Jiela.
I know I am a mess. Ang pagpayayag na makipagrelasyon sa kinakapatid ko , sa legitimate na anak ng umampon sa akin ay hindi katanggap tanggap na bagay sa lipunan.
And the worst he becomes paranoid because of me at ngayon namatay rin sya dahil sa akin.
Naramdaman ko nalang na may humila sa buhok ko upang mapahandusay ako sa sahig.
At nang tingalain ko ito kitang kita ko ang galit na galit na mukha ni Mommy.
Agad nyang sinakmal ang leeg ko sa pamamagitan ng mga kamay nya upang mahirapan akong huminga.
Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa akin na kahit anong oras kakayanin nyang patayin ako.
"Walang utang na loob. Nang dahil sayo namatay si Jude! Pagkatapos ka naming ampunin. Pagkatapos ka nyang minahal ng higit pa sa kapatid ay hinayaan mong magkaganito! Papatayin kita ! " nanggagalaiting sabi ni Mommy habang nakahawak sa leeg ko upang magdililim ang paningin ko.
"Enough Tita" sabi ni Jiela ngunit itinulak lang sya ni Mommy
Kung mamatay man ako ngayon sana naman mabuhay si Kiel.
This what I get after my brother / lover died because me. Dapat lang itong mangyari sa akin dahil sa nangyari sa pinakakamahal kong si Kiel.
Nang unting unti nang magdilim ang paningin ko naramdaman ko nalang ang pagluwag ng mga kamay na yun sa leeg ko at hindi naglaon may mga brasong yumayakap sa akin ng mahigpit.
"You're safe now my Princess"
At nang marinig ang boses na yun ay kusa ko nalang ipinikit ang mabibigat at pagod na pagod kong talukap.
Driemon.
End. .
Naramdaman ko nalang ang paghikbi ni Mrs. Yuzon habang nakayakap sa akin.
She's a mother to me sa kabila ng malagim na nangyari noon.
::::::::::
Habang nag uusap kami ngayon ni Mrs. Yuzon ay kitang kita ko ang pagdaloy ng mga luha nya na nagpasikip sa dibdib ko.
"Please Janna hayaan mo nalang si Kiel. He's now moving on. Its almost four years Janna let him free from your love. " nakikiusap na sabi ni Mrs. Yuzon upang mapaluha ako.
Hanggang ngayon pala ayaw nya pa rin sa akin. Hanggang ngayon pala masama ang loob nya dahil sa nangyari kay Kiel.
"Mahal ko po sya Mrs. Yuzon at ipaglalaban ko po sya hanggang may hininga ako. Ako po ang nakikiusap sa inyo Mrs. Yuzon sabihin nyo na po sa kanya ang totoo " basag na boses kong sabi ngunit nakita ko nalang ang pagluhod nya sa harap ko upang bumagsak lahat ng natitira kong pag asa.
"Please Janna nagmamakaawa ako sayo. Masaya na sya ngayon sa buhay kasama si Andrea. Kung may pagkakamali man kami sana intindihin mo kami bilang mga magulang " humihikbi nyang sambit upang yakapin ko sya ng mahigpit.
Nagmamakaawa ang ina nya upang lumayo ako sa anak nya.
Dapat ko na ba talagang bitawan si Kiel? Pero mahal na mahal ko sya.
"Please Janna wag mo nang ungkatin ang nakaraan." nagmamakaawang sambit ni Mrs. Yuzon upang humahagulgol rin ako.
Ang hirap, pagkatapos ng apat na taon, pagkatapos ng apat na taon na paghihintay na makasama sya mawawalan rin pala ng kwenta ang lahat.
Pagkatapos ng apat na taon mawawala rin pala ang tatag na itinayo ko para sa sarili. Ang pag asang makasama lang sya ay mawawasak ng ganun ganun nalang.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...