SPG ALERT!!
Kiel Cyriel's POV
Habang pabalik balik ako sa paglalakad ay bigla nalang akong nilapitan ni Jiela.
Hindi ako mapalagay simula nung makita ko kung paano hinalikan ni Dreimon si Janna sa noo!
Dammit! Noo lang yun paano pa pag sa labi na! Siguradong sa pagkakataong yun makakapatay ako.
Tatlong araw na simula ng makita yun pero para itong sirang plakang paulit ulit na bumabalik sa utak ko.
Kahit sa pagtulog ko nakikita ko sa isip kung paano sya hinalikan at niyakap ng gagong yun!
Parang may sasabog ang puso ko dahil sa sobrang galit!
" Puta!! " nanggagalaiti kong sabi at naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin ni Jiela.
" Okey ka lang kuya? "
Agad kong binalingan ng masama si Jiela. My mind try to formulate the possibilities of how to get my Amanda again!
Umiling muna ako kay Jiela at napagdesisyunang umalis ng bahay.
Nang nasa harap na ako ng apartment ni Janna napakagat nalang ako sa labi. Natatakot akong tuluyan na syang mawala sa akin.
Ano bang gagawin ko?
Nang lumalim na ang gabi ay napagdesisyunan kong pumasok sa gate ng apartment ni Jiela.
Habang pabalik balik ako sa paglalakad dito sa harap ng pinto nya ay napihit ko nalang bigla ang pinto nya upang tuluyan na akong pumasok.
Bakit hindi sya naglalock ng pinto?
Dahil nagdadalawang isip ay aakma na sana akong babalik sa labas ng biglang sumulpot sa harap ko si Janna.
Kitang kita ko pa ang pagkabigla nya upang mapalunok ako ng wala sa oras.
Pero ng makita ko ang pagkataranta nya ay hindi ko mapigilan ang sarili na lumapit sa kanya.
I miss her. I badly miss her.
Pwede naman sigurong yakapin sya hindi ba?
Janna's POV
Para akong nasa taping ng isang pelikula. Alam kong pagkakamali. Alam kong mali itong nararamdaman ko sa kanya pero paulit ulit ko lang itong ginagawa. Hoping that this time my mind has won over my heart.
Pero lahat ng yun naglaho nalang basta basta. Ang kagustuhan kong labanan ang puso ay tulad ng paglaban ko sa tadhana.
Gusto kong labanan ang nararamdamang ito. Kahit magdasal ay gagawin ko mawala lang ang nararamdaman ko sa kanya upang hindi na ako lalambot sa isang Kiel na palaging nanggugulo sa akin.
Kung pwde lang magmakaawa ay gagawin ko lumayo lang sya sa piling ko.
Pero lahat ng to walang kabuluhan kasi sa ayaw at gusto ko. Kiel Cyriel will remained as the shadow who'll always chase Janna's Heart.
" Ilang ulit ko bang sasabihin sayo Kiel na iwan mo na ako! Na lubayan mo na ako! " dumadagundong kong sigaw sa kanya mula dito sa sala ko habang papalapit sya pwesto ko.
Hindi ko alam kung saan sya kumuha ng spare key upang mabuksan ang apartment ko. O di kaya hindi ko ito nalock.
" Tumigil ka na Janna. Bakit ba pinipilit mong pakasalan ang lalaking hindi mo naman mahal. Look at me Janna at last Im back. Kaya bumalik ka na rin sa akin." saad nya habang papalapit sa akin.
Kung totoong nakakatunaw ang titig ng isang tao malamang matagal na akong lunod sa mga titig ng isang Kiel Cyriel Yuzon.
" Please Kiel makinig naman sa - " bago paman ako nakasagot ay mabilis syang nakapunta sa harap ko at naramdaman ko nalang ang pag hawak nya sa baba ko upang makita ko ang kabuuan ng pagmumukha nya.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...