Three months after
Jiela's Point of View
Nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa namumutlang mukha ni Kuya. He lost a lot of weight, humahaba na rin ng kaunti ang buhok nya and the worst he still in coma. Its almost three months pero pakiramdam ko tatlong taon na sya sa kama na yan.
Sobrang hirap makita ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo nakaratay ngayon sa kama at ang mas hindi ko matatanggap ay hindi pa alam kung kailan sya magigising.
Its all our fault. Kung hindi lang sana namin sya niloko. Kung sana noon pa lang sinabi na namin sa kanya ang totoo eh di sana masaya na sya ngayon.
Dahil sa sobrang sama ng loob ay napahagulhol nalang ako sa tabi ni Kuya habang nilalaro ko ang mga kamay nya.
Sobrang sakit.
" Kuya please gumising ka na. K-asi kuya kung hindi ka pa gigising dyan baka tuluyan na syang mawawala sayo. " hagulhol kong sambit. Kulang nalang manuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa nakakaawang mukha niya.
Wala syang kamalay malay na ang babaeng tanging minahal nya ay engage na sa iba.
Mas lalo lang akong naiyak ng maalala ang pangyayaring yun ng pupuntahan ko sana si Ate Janna.
Flashback
" What the heck Brylle gusto ko lang syang kausapin. You know what happened to kuya please Brylle maawa kay Kuya " sambit ko habang nakatungga ako dito sa labas ng mansyon ng mga Sy.
" I know what happened Jiela pero maawa ka naman kay Dreimon he sacrificed a lot. Bukod pa dun sinaktan nyo na si Ate Janna and I think its fair enough para tantanan nyo sya. Kung ano man ang nangyari kay Kiel ay ikinalulungkot ko yun. He's a brother to me pero iba na ang usapan pag si Janna na ang pag uusapan. And besides hindi pwede ngayon " sambit nya upang matalim ko sya tingnan.
Kanina ko pa napapansin na labas pasok ang mga kotse ngayon sa mansyon. Simula ng maaksidente si kuya ngayon lang ko lang nalaman na nakabalik na pala sya. Mabuti at may nababayaran ako dito sa loob ng mansyon para ipaalam sa akin kung sakali man na bumalik na siya. This family is too private.
"W-what do you mean bakit hindi pwede ngayon? "taka kong tanong sa kanya ngunit nakita ko nalang ang pagkadismaya ng mukha nya habang nakatingin sa akin upang kabahan ako.
" Im sorry Jiela but tonight will be their engagement party. " sa pagkakasabing yun ni Brylle kusa nalang bumagsak ang mga luha sa mga mata.
I automatically pictured out what will be the reaction of kuya kung malaman nya ito. Kung paano sya magwawala at paano nya isusumpa lahat ng miyembro ng pamilya namin.
Nanghihina ang loob ko sa maaaring mangyari pag nagising si Kuya at ito ang balitang tatambad sa kanya. Ate Janna is his everything. Natatakot akong magpapakamatay sya pag nalaman ito.
Kaya lumuhod ako sa harap ni Brylle. If is this the only way para makakausap si Ate Janna at mapigilan ang engagement nila ay gagawin ko. Lulunukin ko lahat ng pride ko para lang sa kuyang kong nag aagaw buhay.
"J-iela what are you doing ? Nahihibang ka na ba? Tumayo ka dyan" nag aalalang sambit ni Brylle ngunit hindi ako nagpatinag.
" Brylle maawa ka kay Kuya pakausap kay Ate Janna. Hindi sya pwedeng ma engage kay Dreimon. " pakiusap ko sa kanya upang yakapin nya ako.
" Im sorry Jiela pero nasa block list kayo dito sa pamamahay ng mga Sy. After the old Sy witnessed kung paano nyo pinagtatabuyan noon si Janna sa engagement ni Kiel ay hindi na nya pinapagayang makalapit ang isa man lang sa inyo kay Janna. Lalo ng makita nya kung paano gumuho uli ang mundo ni Dreimon ng mawala ang babaeng mahal nito. Alam mo na sa pagkakataong ito hinding hindi na uli hahayaan ng matandang Sy na mawala si Janna. Dreimon is his treasure and Dreimons life was Janna kaya Im sorry to disappoint you Jiela. Wala nang chances na may Janna at Kiel pa na magaganap " makahulugang sabi ni Brylle at kasabay nito ang pagtalikod nya sa akin at pagpasok sa loob ng mansyon upang mapahagulhol ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...