Habang inaabot ang kamay ni Dreimon ay nanginginig ang kamay ko.
Nag uunahang lumabas ang mga luha ko. Kaya nakita ko nalang ang pagkunot ng noo ng ama nya.
"T-ears of joy " sambit ko pa upang yakapin ako ni Dreimon ng mahigpit.
All of the sudden everything falls.
My strength and my faith in true love falls like a meteorite in the atmosphere.
Hindi paman nagsisimula ang seremonya ng kasal namin ni Dreimon ay naramdaman ko nalang ang pagbitaw nya sa kamay ko. Kasabay nito ang pagbulong nya sa akin ng mga salitang hindi ko inaasahan.
Kaya ramdam na ramdam ko ang kamay nya na may ikinuyom sa akin at iniwan ang isang bagay.
" Salamat sa lahat. Alam ko kung gaano ka kabuting tao. Kahit hindi mo ako mahal ay pinapatunayan mo sa akin kung gaano ako kahalaga sayo. You're truly my princess and my angel. Mahal na mahal kita Jana Amanda Velasquez." saad nya upang tumingin ako sa kanya ng makahulugan.
Naramdaman ko nalang ang kamay nya sa pisngi ko habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
" Don't let your tears flow because of me Janna. All I want is to give you happiness. You deserve to be happy after what you've been through. " saad pa nya upang hawakan ko ang kamay nyang nasa pisngi ko.
" Maraming salamat Dreimon. Salamat sa lahat. " buong puso kong pasasalamat sa kanya at naramdaman ko nalang ang paghalik nya sa noo ko.
Habang nagsisimula na ang pari sa kasal namin ay doble ang kabang nararamdaman ko.
Ito pala yun.
Ito pala ang pakiramdam ng ikakasal.
Para akong nasa alapaap sa kabang nararamdaman.
Naisip ko bigla si Kiel. Ano kaya ang pakiramdam kung sya ang kasama ko? Gaano kaya kasaya yun?
Mahigpit na mahigpit lang ang pagkakahawak ni Dreimon sa kamay ko ng biglang hinalikan nya ito saka bumulong sa akin.
" Mahal na mahal kita " sambit nya at kasabay nito ang pagbitaw nya sa kamay ko.
Napatingin nalang ako sa kanya habang deretso lang syang nakatingin sa nagsasalitang pari. Alam kong hindi na magtatagal ay magsusumpaan na kami ni Dreimon. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga luhang pumapatak sa mata nya.
Aakma ko na sana syang hahawakan ng magdilim bigla ang paligid. Nagkakagulo ang mga panauhin at rinig na rinig ko pa ang sigawan ng mga tao.
Pero nabigla nalang ako ng may brasong pumulupot sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
" Thanks for everything my Angel. Now Im giving you and the baby the freedom from me. Magpakalayo layo ka kasama ni Kiel. And this time make sure na hindi ka makikita ng mga tauhan ni Daddy na papalabas dito." saad pa ng boses ni Dreimon upang maghalo halo ang emosyong mararamdaman ko.
Saya kasi sa wakas makakasama ko na si Kiel ng walang iniisip na iba. At kasabay nito ang lungkot kasi maiiwan ko syang wasak.
" Paano ka? Kasal--"
" Shhh. I'll be fine. Paglabas at paglabas mo dito naghihintay si Brylle sa labas. " agad nyang kinuha ang kamay ko at doon nakita ko nalang ang bagay na ibinigay nya sa akin kanina.
Isang bilugang bagay na lumiliwanag. Sa loob nito ang ang arrow na kumikislap kislap at nagtuturo sa likod ko.
Niyakap ko nalang sya ng mahigpit.
" Maraming salamat. Wala kang kapantay sa buhay ko Dreimon. " sa pagkakasabi kong yun ay agad nya akong pinakawalan.
Mabilis akong tumakbo papalabas. At kahit may nabangga pa akong tao ay iniwan ko lang ito makalabas lang ako sa venue nang kasal ko.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...