Voice 18: Reason

2.5K 49 6
                                    

Janna's Point of View

Habang nag aayos ako dito sa loob ng apartment ay hindi ko mapigilang hindi malungkot. Ang mga larawan ni Kiel na pinag iiponan ko nang halos apat na taon ay kailangan ko nang bitawan, itapon o sunugin.

Hindi ko paman sya tuluyang binitawan ay kailangan unti untiin ko na syang pakawalan.

I am now engage to Dreimon at iilang buwan nalang at ikakasal na kami.

Dreimon is too good na hindi ko kayang saktan. I want to prove him that I deserve his love. Kailangan ko nang kalimutan si Kiel.

Naalala ko pa nung napagpasyahan kong lumayo sa kanya.

Flashback

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalabas ako dito sa Pier ng Cebu. Naaalala ko bigla si Kiel. Ang huling mga salita na narinig ko sa kanya ay hinding hindi ko makakalimutan.

Gusto kong sumama sa kanya at ipaalala sa kanya ang lahat. Pero mas higit akong nag aalala kung makakagulo na naman ako sa buhay ng lahat tulad ng sinasabi ng matandang Sy sa akin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako itatago ng matandang Sy. Basta sya na daw ang bahala sa akin.

Nang tuluyan na akong nakalabas ay nakita ko agad ang sasakyan na may logo ng mga Sy.Kaya bago ako humakbang ay tumingala muna ako sa langit.

Malapit ng lumabas ang araw pero ang Pier mas malala pa sa matataong lugar ng Maynila.

Kumusta na rin kaya si Dreimon sana naman maging maayos sya.

Nang nasa daan kami ay hindi ko mapigilang mamangha. The place resembles peacefulness. Naglalakihang puno at hindi rin ganun kadaming bahay hindi tulad ng Maynila. Ibang iba rin sa naglalakihang building ng L.A.

Sa tingin ko ito ang lugar kung saan ako nababagay.

Halos dalawang oras ang tinakbo ng sinasakyan namin nang makarating ako sa isang napakagandang bahay. One-storey lang ito na bahay pero halatang milyon din ang halaga dahil sa pagkakadesinyo nito at mamahaling straktura.

At ang mas nakakabighani ay nakaharap ito sa dagat kung saan matatanaw ko talaga ang pagdating ng Haring Araw.

Lumipas ang linggo at buwan na nanatili ako dun. Nahihirapan man ako ngunit nakayanan ko naman paminsan minsan tumutulong ako sa caretaker ng bahay. Kailanman hindi ko sinubukang buksan ang tv, ayaw kong maalala si Kiel dahil pakiramdam ko mamamatay ako sa sakit dahil sa paglayo ko sa kanya.

Dalawang buwan pa ang lumipas at medyo natuto na ako sa gawaing pangprobinsya. Yung pupunta ka ng market market nila. Makikipagtawaran at makikipaghalubilo sa kanila.

Pakiramdam ko isang achievement yun. Hindi man ako tunay na anak ng mga umampon sa akin ay hindi naman ako na exposed sa buhay sa labas. At nung pinalayas naman nila ako ay mas uso sa akin nun ang instant noodles tapos trabaho. At nung nandun naman ako sa puder ni Kiel lalong hindi nya ako hinahayaang mapagod. At mas malala pa nung inalagaan ako ni Dreimon daig ko pa ang bini-baby.

Naisip ko lang bigla, ang dami ko na palang pinagdaanan. And this place really help me to reminds me kung gaano ako kaswerte noon sa kabila na kawalan ng pamilya.

Pamilya. Yan ang pangarap ko noong buuin kasama si Kiel.

Habang tumutulong ako dito sa mangingisda sa pag iba iba ng mga huli nila ay napahinto nalang ako ng may lumapag na chopper hindi kalayuan sa bahay.

"Manong pupwede bang lalapag ang chopper dyan? "taka kong tanong sa asawa ng caretaker  sa mansyon.

"Ai oo Maam kadalasan diha lalapag ang mga chopper pag may dumating dinhi na malalaking tao sa lipunan " matigas na sambit ng Tagalog ni Manong Henry upang ngumiti ako saka pinagpatuloy namin ang ginagawa.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon