Voice 29: Consequence of Happiness

2.3K 36 1
                                    

Janna's POV

Lumalalim na ang gabi ng marinig ang katok galing sa labas.

Kaya agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga mula sa braso ni Kiel.

Si Driemon!

Nakita ko naman ang pagkagising ni Kiel upang mapaupo rin sya sa kama.

"Kiel umalis ka na ngayon. Dreimon is here ayaw kong madatnan ka nya dito " naalarma kong sabi sa kanya habang naghahabulan na ang takbo ng puso ko dahil sa kaba.

Nakita ko naman ang pagsuot nya sa boxer nya at jeans.

" No haharapin ko sya. " sambit nya upang mapatigil ako sa pagsusuot ng t-shirt ko.

" Please Kiel not now. Ipapaliwanag ko lang sa kanya ng maayos " kinakabahan kong sabi upang tingnan nya ako.

Probably Dreimon will kill him kung madadatnan nya kaming magkasama.

" Hindi ka nya papakawalan Janna " daing pa nya upang buksan ko ang bintana ng apartment ko.

"Please Kiel hayaan mo munang ayusin 'to. Nakikiusap ako sayo, alam mo kung gaano ka mainitin ang ulo nya. " dagdag ko pa upang yakapin nya ako ng mahigpit.

" Okey, but please take care of yourself Amanda. Here, dial my number if emergency happens to you " nag aalala nyang utos upang tumango ako at bago paman sya lumabas sa bintana ay hinalikan muna nya ako.

Rinig na rinig ko pa ang malakas na pagkasira ng pinto ko upang kabahan ako lalo.

Pero bago paman ako makalabas ay sinigurado ko munang nakakaalis na ang kotse ni Kiel.

Nang masigurong nakaalis na ito ay pumunta muna akong lababo. Kitang kita ko pa ang bawat hickeys sa leeg ko upang tingnan kong mabuti ang sarili sa salamin.

Now Janna, face the wrath of a Dreimon Sy.

Maloloko mo lahat pero hindi sya.

Narinig ko nalang uli ang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko upang mangatog ang tuhod ko.

"Wag kang matakot Janna. Tell him you cheated on him. Tell him you had sex with your ex fiancee. There's no reason for lying kasi malalaman at malalaman rin naman nya" mahina ko pang sabi sa sarili upang mapakagat ako sa labi.

Hindi naglaon ay tumungo na ako sa pinto. Nang buksan ko ito ay agad tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Dreimon habang nakakuyom ang dalawang kamao.

Alam ko kahit anong oras kayang kaya nya akong burahin sa mundo.

" You let someone inside, don't you? " madiin nyang tanong habang pinapakita ang damit na pagmamay ari ni Kiel.

" L-et me explain Dre--"

" Explain what Janna? Na pinayagan mo syang makapasok dito and the worst you had sex with him!! How dare you to fool me around? " nanggagalaiti nyang sigaw sa akin sabay hablot sa kamay ko.

Kasabay nito ang pwersahan nyang pagdikit sa akin sa likod ng pinto ko saka marahas nya akong halikan.

" Ganito ba ? Ganito ba ang gusto mo Janna? Ginanito ka ba nya noon upang hindi mo sya makalimutan? " nanggigil nyang sambit upang manginig ako sa takot.

He is damn angry!

" Sabi mo subukan natin. Sabi mo tuturuan mo ang sarili mo na mahalin ako. How dare you to cheat on me? Pagkatapos kitang saluhin sa pagkakabagsak mo. Pagkatapos kitang alagaan at mamahalin gaganituhin mo lang ako? Oo Janna, alam kong hindi mo ako mahal but you give me that damn chance para umasa ako. Paano mo nagawa to sa akin? Paano mo ako nakayang saktan ng ganito?"

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon