Before reading this chap. reader kung hindi mo pa nabasa yung chap. 21'-chap 24 please bumalik ka dun. Hindi ibig sabihin na limang chapter ang pinublished ko itong panghuli ang pinakamaganda. Pramis ito ang pinakapangit, hihihihi.
********
Kiels Cyriels POV
Habang nagdadrive ako patungo sa apartment nya hindi ako makapag isip ng tama. Ang natatangi ko lang nais ay makuha sya. Alam kong kasal anan ko lahat.
Siya ang bulag dati pero ako ang nagpabulag sa katotohanan. She is my life before at isinantabi ko nalang sya basta basta sa panahong kailangan pala nya ako.
Kaya ngayon gagawin ko ang lahat mapatawad lang nya ulit. Kahit magmakaawa ako lumuhod at maging alipin nya, makuha lang ang kapatawarang hinahangad.
For God sake I cant live without her.
Nang nakapagpark ako ng kotse agad kong patakbong tinungo ang apartment nya.
Kakatok na sana ako sa pinto nya ng kusa itong bumukas at agad tumambad sa akin si Dreimon na nakahawak sa kamay sa pinakamamahal kong babae.
Para akong binagsakan ng sandamakmak na yelo sa nakita.
Am I too late?
Hinding hindi ako susuko sa kanya tulad ng paglaban nya sa akin sa panahong pinagdamot ng lahat ang katotohanan tungkol sa kanya ay tungkol sa aming dalawa.
Marami na syang pinagdaanan para sa akin. Marami na syang isinakripisyo para lang makuha uli ako. At lalo sa lahat, nagiging matatag sya sa kabila ng pagtataboy at pagkamuhing ipinaramdam ko sa kanya.
" What are you doing here Yuzon? " madiing tanong ni Dreimon na ikinanuot ko ng noo.
Hindi na ako nagsalita habang pinagmamasdan lang ang babaeng mahal ko. Pero hindi naglaon nagsalita si Janna, kitang kita ko ang pangingilid ng luha nya na nagpadurog sa puso ko.
Mga luha na kagagawan ko! Sakit na ako mismo ang nagbigay sa kanya!
" Ano pa bang gusto mo, lumayo na ako. Sinunod ko na ang matagal mong pinangarap, ang pangarap mong makalayo sa anino ko. So please Kiel wag mo na akong guluhin " basag na boses na sabi na ikinasikip ng puso ko.
Ito na ba yun? Ito na ba ang kapalit ng mga katarantaduhang pinagagawa ko sa kanya? Tanga ako, baliw!
Kusa nalang bumagsak ang mga luha ko sabay ng pagluhod sa harap nya.
Janna's POV
May mga bagay na mahirap nang ibalik. May mga bagay na dapat nang tapusin. Si Dreimon sobra na sobra na ang utang na loob ko sa kanya. At hindi ko na kayang saktan pa sya.
" Im sorry Janna just please tanggapin mo na lang uli ako. " pagmamakaawa ni Kiel at naramdaman ko nalang ang paghigpit ng pagkakahawak ni Dreimon sa kamay ko.
" I begged you to believe me before, ibinaba ko ang sarili ko at tinanggap ko lahat ng kahihiyan na ipinaramdam nila sa akin para sayo. Pero lahat din pala ng pagtitiis ay may hangganan Kiel. Ang sakit Kiel, para akong pinapatay ng sarili kong kagagawan kahit ang gusto ko lang naman ay makasama ka. Im sorry Kiel but I already gave up on you specially on us" matigas kong sabi sa kanya.
Youre such a great liar Janna. In my entire life ngayon lang ako nagsinungaling sa harap ng isang tao. Kung ito ang ikakabuti ng lahat ay gagawin ko.
" Please Janna tanggapin mo nalang uli ako " pakiusap pa uli nya upang madurog ang puso ko.
Unti unti nang naglabasan ang mga luha sa mga mata ko. I cant help it from falling.
" Im sorry Kiel but I already decided to marry Dreimon " sa pagkakasabi kong yun ay kusang humiwalay ang mga braso nya mula sa pagkakahawak sa tuhod ko.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...