Janna's Point of View
Habang natutulog sya sa paanan ko ay patuloy ko lang ginagamot ang mga sugat nya.
Ganito sya kung may problema o makikita nya kung gaano ako nasasaktan. Pero ano bang magagawa ko? Kailangan kong lumaban para sa amin ni Kiel, kailangan kong ipaglaban si Kiel.
Taon lang ang dumaan pero ang pagmamahal ko sa kanya hindi kumukupas.
Masakit pa rin ang mga bugbog ko pero alam kung mawawala rin ito kalaunan.
Habang pinagmamasdan ko si Dreimon ay napatayo nalang ako ng may kumatok.
Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang mga pulis kaya kunot noo akong tumingin sa kanila.
" Ano po ang kailangan nyo ? " bungad kong tanong sa kanila.
" Ikaw ba si Janna Amanda Velasquez Miss? "tanong nya upang tumango ako.
Nabigla nalang ako ng may inabot sya sa akin kaya agad ko itong binuksan.
Nang mabasa ko ito ay pakiramdam ko bumagsak lahat ng pag asang pinanghahawakan ko. Isa subpoena, subpoena na nagbabawal sa akin na lapitan si Kiel at ang girlfriend nya.
Pagkatpos kong basahin yun ay agad umalis ang mga pulis. Pagkapasok ko ay napaluha nalang ako.
Kakayanin ko pa ba? Gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko wasak na wasak na ang puso ko.
Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko naramdaman ko na lang ang mga brasong pumulupot sa akin.
Kailan pa sya dyan sa likod ko? Narinig kaya nya ang sinasabi ng mga pulis?
" Enough Janna, tumigil ka na. Sumuko ka na, kinalimutan ka na nya Jana. Hayaan mo na sya Janna palayain mo na ang pagmamahal nya. Hanggang kailan mo ba igagapos ang pagmamahal nya sayo. Bumitaw na sya Janna kaya palayain mo na ang sarili mo" basag na sabi ni Dreimon upang mapaiyak ako.
Bumitaw na sya habang kumakapit pa ako. Kailangan ko na ba talaga syang bitawan? Pero paano ako, kakayanin ko bang magpatuloy sa buhay kung ang pagmamahal ko lang sa kanya ang bumubuhay sa akin?
" Move on Janna and open your eyes for someone who is deserving enough for your love. " dagdag ni Dreimon upang ibaon ko ang mukha ko sa dibdib nya.
Hindi ko kaya, natatakot akong magpatuloy kung wala ang pinanghahawakan kong pagmamahal sa kanya.
Kiel's Point of View
Weeks after. .
"Ano bang pumasok sa kukuti mo Andrea at ginawa mo yan. Pambihira ka naman Andrea. Why did you decide for myself without even consulting my decision! " galit na galit kong sigaw kay Andrea habang hawak hawak ang subpoena na nagbabawal kay Janna na lumapit sa akin at sa kanya.
" God Kiel its for our own good. Hindi ba mas pabor yan sa atin kasi hindi na nya ako masasaktan. Hindi ka na nya malalapitan."
Sa pagkakasabing yun ni Andrea ay napatigil ako. Bakit nga ba nagre-react ng ganito kung tutuusin pabor sa amin ang ginawa nya.
Pero mali pa rin, hindi pa rin tama ang paraan na ginawa nya.
" What the heck Andrea hindi pa rin yun tama. Wala pa ring tama sa ginawa mo! " inis na inis kong sambit sa kanya na nakapagpakunot sa noo nya.
" Ano Kiel, ano ba sa tingin mo ang tama? Ang lage syang lumapit sayo? Nahihibang ka na ba? You're ridiculous! "at sa pagkakasabi nyang yun ay padabog syang lumabas ng music room ko dito sa bahay.
Kaya pagkalabas at pagkalabas nya ay napahilamos nalang ako sa mukha. Ngunit napatingin nalang ako sa pinto ng bumukas ito at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Jiela.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...