Voice 19: Love & Hatred

2.5K 40 0
                                    

Janna's Point of View

Habang pinisil pisil ko ang kamay ko sa hindi malamang ikikilos sa nalalaman ay hindi ko mapigilan maiyak.

Ano bang dapat kong gawin?

Si Dreimon alam na kaya nya ito? Bakit hindi nya sinabi sa akin? Si Brylle impossible ring hindi nya alam?

Alam kong engage na ako at engage na sya. At hindi makakabuti sa amin na magkita pa lalo pa kung malaman ito ni Dreimon. Dreimon is too good to me.

But what should I do?

" Ate alam kong marami kaming pagkakamali pero sana naman ito Ate pagbigyan mo kami. Alam mo ba kung sinong hinahanap nya ng magkamalay sya noon ate? Ikaw ate, ang babaeng palagi daw na kumakanta sa panaginip nya. Kahit sa panaginip nya ikaw ang kasama nya kaya sya nagising noon. Alam naming napakalaki ng kasal anan namin sayo pero kahit ngayon lang Ate " pakiusap ni Jiela upang madurog ang puso ko.

Ako ang hinanap ni Kiel paggising niya noon pero sinong ipinakilala nila.

Si Andrea. Si Andrea na gustong gusto ng pamilya nila para kay Kiel.

How I wanted to see him those dark times in my life pero pinagbawalan nila ako?

Just like my previous family they also hated me for bringing Kiel into that situation.

At pag nalaman ito ng matandang Sy ay hindi ko alam kung anong magagawa nya sa akin.

"I-m sorry Jiela but everything about me and Kiel was over. Hindi makakabuti pag pupunta pa ako dun. " utal-utal kong sabi upang manlumo si Jiela sa kinauupuan.

Batid na batid ko ang kagustuhan niyang bisitahin ko si Kiel and even me I admitted it to myself that I really want to visit Kiel pero may mga bagay talaga na kailangan ko nang bitawan at iwasan.

Nang umalis na si Jiela ay may iniwan syang card sa akin kung sakali man daw na magbago ang isip. Isang hospital pass.

I half lied to myself hindi totoong hindi ko pupuntahan si Kiel. Hindi ko pala kakayanin na hindi sya pupuntahan. 

Hahanap lang ako ng tamang pagkakataon para mapuntahan si Kiel ng walang makakaalam.

Habang tinatanaw ko ang bawat paghampas ng dagat sa dalampasigan mula dito sa kwarto ay sya namang pag uunahan ng luha ko na dumadaloy mula sa mga mata.

Napakarami na ng pinagdaanan namin pero heto pa rin ako I'll still end up loving Kiel.

Nang lumalalim ang gabi ay agad akong naghanda sa sarili para makaalis. Mabuti nalang din at nagpuntang Bacolod si Dreimon para sa pagbubukas ng branch doon ng kompanya nila.

Alam kong alam nya kung gaano ko kamahal si Kiel and its bother me kung bakit hindi nya sinabi sa akin.

*********

Nanlalamig ang kamay ko habang papalapit sa kwarto ni Kiel. Batid na batid ko pa ang lalim ng gabi dahil sa katahimikan ng paligid.

Nanghihina ang tuhod ko sa kadahilanang maaaring hindi kayanin ng mga paa ko ang pagtayo kung sakali man makita ko ang kalagayan niya.

Nang makapasok ako sa kwarto ay hindi ko mapigilang mapahagulhol sa iyak ng makita si Kiel. Parang bumagsak ang mundong pasan pasan ko.

Kiel was not the same Kiel I met. Bumagsak ang katawan nya mula sa pagiging matipuno at ngayon sobrang pumayat na sya. Sobrang namutla din ang mukha nya. At humaba na din ang buhok nya.

How come na naitago ito ng pamilya Yuzon sa publiko. Its almost four months pero wala man lang nagtaka kung nasaan si Kiel. Wala man lang naghanap kung nasaan ang frontman ng bandang Triple B.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon