Voice 30: Hopelessness

2.2K 42 0
                                    

Hi readers thank you sa 1.9 k reads, yeey. Jump! jump! Hindi ko nabisita ang reads and now  good to see na marami na pala sya. Thank you so much reader. Sa totoo lang kinontinue ko lang to para sa naghihintay ng ending. Pero sa reads na meron sya thank you talaga.

Delayed sya kasi bukod sa busy ako kadalasan ( most of the time) at tinatamad rin minsan ay busy rin ang utak ko kaiisip na baka matalo na ang SMB sa semis ng PBA lately. Naku! Mas nakakaparanoid ang frustration ko sa tuwing matatalo sila!

Anyway.

Thank you uli reader. Hindi ko aakalain na may hindi pa nagsasawa sa kabila ng ka o.a -han ng kwento ko, hehe

Enjoy reading :-)

__

Janna's Point of View

Habang sinusukatan ako ng designer ay walang kabuhay buhay kong tiningnan ang sarili sa salamin.

" Mrs. Sy ang ganda naman ng body stats mo. Pwedeng pwede kang maging model. Tsaka yung face mo te panalo. " puri pa ng baklang designer sa akin upang ngumiti ako ng pilit.

My heart is breaking.

" Sabi nila ang swerte mo daw sa mapapangasawa mo. Pero alam mo ba ang nakikita ko mas maswerte sya sayo Maam. You are humbly beautiful in your own ways. Alam mo kasi te yung pera marami yan dyan pero ang isang mabuting tao ilang dekada pa ang lilipas bago makikita yan. " dagdag pang sabi ng bakla upang tingnan ko ang isang gown na suot suot ng isang manikin.

" Salamat pero hindi naman ako ganun kabait kung tutuusin maswerte talaga ako sa mapapangasawa ko " saad ko pa sa bakla saka naramdaman ko nalang ang pagsukat nya sa bewang ko.

" Napipilitan ka hindi ba? Napipilitan kang magpakasal sa kanya diba? " paninigurado nya upang tingnan ko sya.

" May kumakalat na video ng isang bokalista na nagpopropose sa isang babae ngayon sa social media. " sabi nya upang balingan ko syang pasimple pa ring kumukuha ng sukat ng likod ko.

Bokalistang nagpo propose ?

" Medyo makaluma na nga yung video eh. Five years ago siguro yun? " makahulugan nyang sabi na nagpakaba sa akin.

" Sino naman ang bokalistang yan ? " kinakabahan ko pang tanong sa kanya.

Video? Di kaya kumalat yung video namin ni Kiel noon? Video ng niyaya nya akong magpakasal sa kanya noon?

" Sikat sya Ma'am. At ang ikinalungkot ko lang ngayon kasi yung babaeng niyaya nya ay ang babaeng sinusukatan ko ngayon "

At sa pagkakasabi nyang yun ay agad akong umalis sa boutique na yun.

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng bakla pero hindi ko nalang sya nilingon. Kailangan kong malaman kung saan nanggaling yun? Bakit kumalat iyun?

Ikakasal na kami ni Dreimon at ayaw kong may mga isyung lalabas.

Nang makarating ako sa bahay ni Kiel ay agad akong nagdoorbell dito.

Pagkabukas at pagkabukas nito tumambad sa akin ang pagmumukha ni Jiela na nag aalalang tumitingin sa akin.

" Ate Janna what are you doing here? "

Pero bago paman ako nakasagot ay agad kong nakita ang bulto ni Kiel na paparating sa pwesto ko.

He looks so messy.

Nabigla nalang ako ng dinamba nya ako ng yakap. I miss him. I badly missed him pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Everything will fall again kung ipagpatuloy ko ang kabaliwhan sa kanya.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon