Voice 16: Accident

2.6K 53 2
                                    

Kiel's Point of View

" Kuya where are you going? " tarantang tanong sa akin ni Jiela habang papalabas ako ng building.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagmumukha na akong EWAN ngayon but who cares.

My life is a big mess. Noon paman patapon na ang buhay ko.

Binuhay man nila ako pero para na rin nilang pinatay ang kaluluwa ko sa pinakain nilang kasingungalingan sa akin.

Nang papasok ako sa kotse ay hinablot nalang ako bigla ni Jiela upang mapaharap ako sa kanya.

"Kuya---"

" Pwede ba Jiela wag mo akong mapigil-pigilan. Hahanapin ko si Janna, kailangan ko syang makita. Kailangan kong malaman kung nasaan sya! " sigaw ko sa kanya at naramdaman ko nalang ang yakap nya upang kumalma ang magulong isip ko.

" Kuya Im sorry, were very sorry. Sana maintindihan mo kami kuya. " sambit nya upang humiwalay ako sa pagkakayakap nya sa akin.

Ngunit hindi ko pinakinggan si Jeila at pumasok ako sa loob ng kotse. Bumusina pa ako ng malakas upang hilahin sya ng kasama nya palayo sa kotse ko.

Nang makalayo ako ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Gulong gulong ang isip ko sa nalaman. I don't know whom should I asks for help? Hindi ko na alam kung sinong lalapitan ko.

Nang silipin ko ang phone ko ay agad tumambad sa akin ang number ni Mommy kaya wala sa sarili ko itong pinindot at isinaksak sa tenga ko ang headset.

Ilang minuto lang ang lumipas na mumunting hikbi lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko sinaksak nila ako galing sa likod. The thought of having everything money, family, fame and a loving girlfriend soffucates me. Hypocrisy and lies is the only thing they brought to me.

" Why? Why do you have to do that Mom? Bakit kailangan nyong itago sa akin ang lahat. You stole my happiness. You diverted me to someone who was not the right one. All my life I respected you. All my life I agreed everything you want me to do. Pero hindi ko inaakala na ipagkakait nyo sa akin ang katotohanan. " umiiyak kong sabi sa kabilang linya.

They betrayed me. Sinira nila ang pagkakataon na sana makasama ko sya.

Nagpigil ako sa nararamdaman sa kanya kasi akala ko bawal. Palihim ko syang sinusundan kasi alam kong may masasaktan ako kung darating ang time na may nakakaalam na may pinagpapantasyahan akong babae.

But heck! Hindi pala ako ang mali. Hindi pala ako dapat ang makonsensya kasi sila ang mas may pagkakasala sa akin.

" Baby akala namin that was the best thing to do. Im sorry baby but we're doing it for your own good---"

" Sorry? Damn that sorry Mom! Maibabalik nyo pa ba ang nawala. Mapapalitan nyo pa ba ang nasayang na. You know exactly how I treated her this pasts months. Pinagtabuyan ko sya, pinaramdam ko sa kanya kung gaano sya kawalang halaga sa akin. Andrea hurt her not only emotionally but also physically. Hindi nyo nakikita kong gaano sya nagmamakaawa sa harap ko. Hindi nyo naranasan na halos kamuhian ko na ang sarili ko hindi ko lang maapakan ang pride ng pamilya natin for tolerating an obssessed person. Hindi nyo alam kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko. And now malalaman ko nalang na palabas nyo lang lahat to? I am very dissappointed Mom. The feeling of being betrayed by your own family drowned and poisoned me. How I wished I could invent a time machine para magawa kong balikan ang nakaraan. Para matama ang pagkakamali ko, kasinungalingan nyo at makasama sya. Do you know Mom I almost started losing my hope now? Ang sakit na naidudulot nyo ang papatay sa akin. Ang magandang pananaw ko sa pamilya natin ay nasira nalang basta basta. Paano nyo ito nagagawa sa akin Mom? " basag na basag kong boses habang hikbi lang ni Mommy ang naririnig ko.

Sisiguruhin kong pagsisihan nyo ang ginawa nyong pagsisinungaling sa akin.

" B-aby umuwi ka na. Pag uusapan natin yan. Tutulungan ka namin mahanap sya. Gagawin namin ang lahat pa----"

" Stop that craziness Mom! Sinira nyo na ang pagtitiwala ko sa inyo sa tingin nyo ba papasok pa ako dyan sa bahay nyo. Para ano? Para pakainin nyo naman ako ng mga kasinungalingan? Nah! Im used to have it ! Tandaan nyo ito Mom pagnakita ko na sya ay tuluyan ko na kayong iiwan. You did not deserve a son like me. I condemned you, Dad, Andrea and everyone for bringing me in this situation. For hurting and not telling me the truth! " sigaw ko sa kanya habang umaagos na ngayon ang mga luha ko.

Dahil sa sobrang frustrations ay napagdesisyunan kong itabi ang sasakyan ko. At mula sa kinaroroonan ko ay doon ibinuhos ko ang luhang natitira sa mga mata ko. Pinaghahampas ko pa ang manibela ng kotse ko.

Nanggigil ako sa galit, gustong gusto kong manakit dahil sa sama ng loob at pakiramdam ko anytime kakayanin kong makapatay ng tao kung sakaling makaharap ko man ang mga taong nagsisinungaling sa akin.

Nawala na ang tatag ng kalooban ko. All I want now is how I can make them suffer for what they did to me! Kung saan ba ako magsisimulang maghanap sa kanya. At kung mapapatawad pa ba nya ako?

"God Janna!! " emosyonal kong sigaw sa pangalan nya habang pinaghahampas ang manibela ko.

Naalala ko pa ng una naming pagkikita. Bulag na sya noon nang nakuha nya ang atensyon ko. Nang nakita ko syang hawakan ng Dreimon na yun ay nakaramdam ako ng selos.

Hindi pa iyun natapos dun paulit ulit ko pa syang pinupuntahan sa parke para lang makita. At ang pinakamasakit nang ilang ulit syang sinasaktan ni Andrea dahil sa paratang na isa syang obssessed stalker. May mga pagkakataon pang binubully sya ng mga fans ko. Pero ano bang ginawa ko??

"Ano bang ginawa mo Kiel Cyriel Yuzon!! Nagpahabol ka, pinagtabuyan mo sya at sinabihan mo sya ng masasakit na salita!! How could you do that to the only person who loved you unconditionally? Sa natatanging tao na ipinaglaban ka sa kabila ng mga kasinungalingan ng iba! Ikaw ang bulag at hindi sya!! " 

Dahil sa sama ng loob ay mabilisan kong binuhay ang makina ng kotse ko at pinatakbo ko ito ng mabilis.

Walang ibang nasa isip ko ngayon kung hindi sya. Baka sakaling nandoon na sya sa apartment nya! Baka sakaling umuwi na sya! Walang nasa isip ko ngayon kung hindi sya, kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya.

Habang mabilis na tinahak ng kotse ko ang daan patungo sa apartment ni Janna ay nabigla nlang ako ng may sumagi sa likod ng kotse ko upang bumusina ako ng malakas.

Nag iinit ang ulo ko dinagdagan nya pa!

" Dammit !! "

Kaya lang habang nagpapatakbo ako ay mas lalo lang ako napagdiskitahan ng kotseng yun upang makipagkarerahan ako.

Kitang kita ko pa ang pag grin ng driver nito upang mas lalong mag init ang ulo ko.

Ang apoy kung dadagdagan ng panggatong ay mas lalong sisiklab!! Kaya mas lalo akong nabuhayan ng loob upang mas bilisan ang pagpapatakbo sa kotse.

Lumawak nalang ang ngiti ko ng wala na akong makitang kotseng nakabuntot kaya ng maaninaw ko na ang apartment ni Janna ay binagalan ko na ang pagpapatakbo.

Wala nang mas sasaya pa kung makikita ko sya sa loob nyan.

Ngunit aakma ko na sanang itatabi ang kotse ko ng namataan na may paparating na kotse. At hindi nagtagal naramdaman ko nalang ang pagbundol ng kotseng yun sa likod ng kotse ko upang mabagok ang ulo ko sa may pinto ng kotse.






The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon