Voice 11: Proposal

2.1K 48 2
                                    

Janna's POV

"Tumigil ka na Janna, stop with your obssession with me. Makakahanap ka pa ng lalaking para sayo. Please Janna Im begging you, tigilan mo na ako" sabi ni Kiel upang mas mawalan ako ng pag asa.

Isinuko na nya ako pero mahal ko sya. Alam kong may pagkakamali ako upang magduda sya sa akin pero mahal ko sya.

Mahal na mahal na hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang nakaraan namin.

Kahit mapahiya man ako sa lahat ng taong nandito ay handa konf tanggapin.

"Pero Kiel nangako ako sayo noon na ikaw lang ang mamahalin ko. I promised you many years ago na kahit anong mangyari ikaw lang " maluha luha kong sabi sa kanya pero napatigil nalang ako ng pinuto nya ang pagsasalita ko.

"Youre out of your mind Janna. Walang pangakong nagaganap, you're just imagining things stupidly. Never naging tayo so please tigilan mo na ako. " sambit nya upang manlumo ako.

By that , sinimulan na akong kaladkarin ng mga gwardya ng venue.

Kitang kita ko pa ang pag aalalang mukha ni Jeila habang nakahawak sa kanya ang lalaking may katangkaran.

I am so tired now. Napapagod na ako . Ang gusto ko nalang ngayon ang sumuko.

Habang para akong taong grasang pinalabas ng mga gwardya agad huminto sa tapat ko ang isang BMW na alam kong pagmamay ari ng mga Sy.

At agad tumambad sa akin ang matalim na tingin sa akin ng matandang Sy.

"Get in. " utos nya sa akin upang mapatayo ako at pumasok sa kotse.

Hanggang nakarating kami sa mansion ay hindi nakaligtas sa akin ang matatalim nyang tingin.

Nang makababa sya ay agad rin nya akong pinasunod sa study room nila.

" I don't like how you act. I don't like how you become obssessed with that Yuzon. " pauna nyang sabi upang tingnan ko sya.

"Youre a shame to my son" deretsahan nyang sabi upang kumabog ng malakas ang puso ko.

Gusto nya rin bang umalis ako sa tabi ni Dreimon?

"Mainit ang mga mata ng media ngayon sayo Velasquez so I suggests na magpakalayo layo ka muna." deretsahan nyang sabi upang mapaluha ako.

Logic of a businessman!

"Hindi po pwede, mag aalala po si Dreimon " sabi ko ngunit narinig ko nalang ang kalampag ng baso sa mesa upang manginig ako.

Nang balingan ko sya ay masamang masama syang nakatingin sa akin.

" Pinaasa mo na ang anak ko at sinasaktan mo rin! At hindi lang yan kinaladkad mo pa ang pangalan nya sa kahihiyan. Get your own life women! " sabi nya upang mapaluha ako.

May point sya, ginamit ko lang si Dreimon pero hindi ko sya pinaasa. I treated him as my family.

" Now women I have a proposal. Take this and leave. Kasi kung hindi ako na ang gagawa ng paraan upang lumayo ka sa kanya " maotoridad nyang sambit sabay abot ng isang envelope.

Pagkabukas ko dun ay napaluha nalang ako.

Panahon na ba upang tuluyan na akong umalis sa buhay nila?

Gulo lang ba talaga ang dala ko sa buhay nila?

Kiel Cyriel's  POV

"Andrea Diaz w-ill you be my Mrs. Yuzon " pagpopropose ko kay Andrea habang pansin na pansin ko ang pagclick nang mga kamera sa harap namin.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ng mahigpit ni Andrea at paghikbi.

I think I made the right decision. After four years na relasyon namin napatunayan na nyang sya lang ang babaeng nasa tabi ko.

" Oo Kiel mahal na mahal kita na kahit ano pang gusto mo o saan mo ako gustong pakasalan papayag ako." naiiyak nyang sabi upang mapangiti ako.

Narinig ko nalang ang sigawan ng lahat ng panauhin sa venue namin at hindi naglaon ay nagsimula ng silang maglapiyan sa amin.

Nang nilapitan ko si Janna na maiging nag uusap sa isang matangkad na lalaki ay kitang kita ko ang malamig na tingin nya sa akin.

"Dear sister can I dance with you ? "pag aaya ko sa kanya upang bitawan sya ng lalaking katabi.

Nang nagsasayaw na kami ay hindi ko mapigilang tumingin sa mukha ng kapatid ko. She really grew pretty and totally gorgeous. Kaya hindi maikakaila na maraming nagkakagusto sa kanya.

Pero kahit na ganun alam kong may dinaramdam sya. Sa akin at malamang rin sa naging karelasyon nya nitong nakaraan.

"Masaya ako at sumipot ka baby Jiel" nakangiti kong sambit sa kanya pero kumunot nalang ang noo ko ng makit syang naluluha.

" I-m totally happy for you kuya" basag na boses nyang sabi at kasabay nito ang paghagulhol nya upang yakapin ko sya.

Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga sya o nalulungkot. Marahil may pinagdaraanan rin sya sa nobyo nya at nakadagdag ako sa sama ng loob.

" Enough baby, kahit anong mangyari hindi ka pababayaan ni Kuya ok? " pagkakalma ko sa kanya upang humiwalay sya sa akin.

"I am broken kuya at mas lalo akong nahihirapan sa naging desisyon mo ngayon. I don't know where should I put myself kuya. Gulong gulo ako. I wanted to stop you pero kahit ako may malaki ring pinagdaanan. " basag na boses nyang sabi ipang kumunot ang noo ko.

Hinagod ko nalang ang likod nya. Pero bago paman sya humiwalay sa akin ay may sinabi muna sya upang mas lalo lang akong maguluhan.

"Kuya don't marry her hanggang hindi pa bumabalik ang ala ala mo. Si Ate Janna minahal mo sya noon, nagkarelasyon kayo noon. Mahal na mahal mo sya noon. " sabi nya upang hablutin ko ang braso ni Jiela papalapit sa akin.

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko binagsakan ako ng isang toneladang yelo.

Ang babaeng lage kong pinagtabuyan ay minahal ko noon!!

" W-hat did you say Janna? " madiin kong tanong sa kanya

"You loved her before kuya and----"

"Mahal " tawag sa akin ni Andrea upang humiwalay sa akin ng tuluyan si Jiela.

"Halika kausapin natin ang mga angkan ko " sambit nya upang matalim ko syang tingnan.

Sino ba talaga ang nagsisinungaling?

Habang kinaladkad ako ni Andrea ay nakita ko nalang ang paglabas ni Jiela kasama ang escort nya.

Kaya bagsak balikat akong nakipag entertain sa lahat.

Probably hindi na kami magkakausap ngayon kasi alam kong sa condo sya matutulog.

Janna's  POV

Kahit saang banda dito sa kalye na nadadaanan ko rinig na rinig ko ang engagement na Kiel-Andrea.

Nawawasak ang puso ko sa tuwing makikita kung gaano sya kasaya sa piling ng iba. Gustong gusto ko nang magpakalunod sa dagat o pagpasagasa ng ten wheeler truck.

Nakaramdam ako ng pagod at pananakit ng paa habang naglalakad lang ako patungo sa apartment.

Pakiramdam ko wala na akong buhay. Pakiramdam ko wala nang kwenta ang buhay ko.

Napapagod na ako.

Napangiti nalang ako ng maaninaw ko ang apartment ko.

Ang apartment ko kung saan iiwan ko na rin.Kung saan puno ng ala ala namin ni Dreimon.

Si Dreimon na iiwan ko lang din at sasaktan.

Aakma na sana akong papasok sa maliit kong gate nang may humarang sa akin na nakahood.

Napaluha nalang ako ng maaninaw ko mula dito ang mukha ng lalaking mahal na mahal ko. Ang mala anghel na mukha ng lalaking minahal ko ng ilang taon.

At ang lalaking pinapakawalan ko na ngayon.

Si Kiel Cyriel Yuzon.

A/N : Sorry sa typo hindi na ako nag e edit. Please vote and comment.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon