Kiel's Point of View
Kitang kita ko ang paghigpit ni Dreimon sa pagkakahawak sa kanya kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
Pakiramdam ko hindi ko kayang pakawalan sya.
" J-anna Im sorry sabihin mo sa akin ang totoo!! " madiin ko sambit habang nakayakap ako sa kanya.
Pero sinapak na naman ako ni Dreimon upang mapahiwalay sya sa akin.
Dahil nakakarami na syang ay ginantihan ko ang basagulerong si Sy and this time dinaganan ko na sya.
"Ang gusto ko lang naman malaman kung sino sya sa buhay ko pero bakit ka lagi kang bumubuntot sa kanya!" madiin kong sabi habang pinagsusuntok sya.
Inipit ko ang mga braso sa pamamagitan ng mga hita ko para hindi na sya makagalaw.
Ang alam ko lang gusto ko syang makausap pero masyado syang hadlang.
Pero nabigla nalang ako may humawak sa braso ko ng mahigpit at nang tiningnan yun ay tumambad sa akin ang luhaang mukha ni Janna.
" Tama na Kiel, wag mo nang saktan si Dreimon. Umalis ka na! " sigaw nya upang mapitlag ang tenga ko.
Ito ang unang pagkakataon na narinig ko syang nagtaas ng boses. Parang dinurog ang puso ko dahil dito.
" Damn Janna pinapaalis mo ako para lang sa lalaking yan? Para lang ipagtanggol ang lalaking yan? " nanggagalaiti kong sambit habang umaalis sa pwesto ni Dreimon.
Nadurog nalang ang puso ko ng makita kung paano nya pinuntahan si Dreimon at inalalayan.
Nakakainis! Gustong gusto kong pagsasapakin ang lalaking yan hanggang malumpo.
"Umalis ka na! Nagmamakaawa ako sayo Kiel umalis ka nalang!!" sambit nya upang bumagsak ang balikat ko.
Pakiramdam ko I was having a nightmare with what happened tonight.
How I wished this is just a nightmare para bukas pagising ko ay maging masamang alaala nalang sya.
Nang makarating ako sa may kotse ay agad kong pinagsisipa ang gulong ng kotse ko.
Galit ako at gustong gusto kong sirain ang pagmumukha ng Dreimon na yun!
Nakita ko nalang ang sarili sa tapat ng mansyon ng mga Sy.
Nang matamaan ko ang pagdating ng kotse ni Brylle ay agad akong lumabas. At kitang kita ko pa ang pagkabigla nya.
"K-iel , what are doing here " tanong nya habang nakatingin sa kabuuan ko.
I looked like a mess now.
Sino bang hindi pagkatapos ng engagement ay pumunta ako sa babaeng pinagtabuyan ko at kulang nalang lumuhod para makasama sya. But the worst I was rejected because I punched his friend or whoever he was in her life!
Nakakainis.
"Do you know the truth, sabihin mo alam mo ang totoo diba ? " deretsahan kong tanong aa kanya at kitang kita ko ang pagkabigla nya.
" What are you talking about? " patay malisya nyang sabi upang matawa ako kaunti.
I was not dumb.
He is my friend, and I treated him as my brother pero hindi ko aakalain na maglilihim sya ng ganito sa akin.
" Pinahalagahan kita ng parang kaibigan pero di ko aakalain na maglilihim ka ng ganito kalaki sa akin " sabi ko baka sakali sabihin nya sa akin ng totoo.
I have no proofs pero alam ko sa sarili na nasa tamang landas ako.
Nakita ko naman ang pagtalikod nya kasabay sabi ng mga salitang alam kong totoo.
" Wag mo akong sisihin, binalaan na kita Kiel. Binalaan na kita na makinig ka sa boses na sinasabi ng puso mo at hindi ng iba. So don't put the blame on me Kiel at lalong wag mo akong sisihin kung tuluyan ka nyang talikuran. You deserve that. "
Sa pagkakasabi nyang yun ay naiwan akong tulala.
**********
The other day nagkaroon agad kami ng mall show.
Nahihirapan ako.
Hindi ako makapagconcentrate. Balisa ako at magulo ang isip ko.
Nang nagsimula na kaming kumanta ay nagkaroon ako ng pagdadalawang isip.
Parang sa unang pagkakataon lang ako nakatuntong ng stage.
I was very affected with what happened lately.
" Okey ka lang? " tanong sa akin ni Xander upang tingnan ko ang paligid.
Lahat masayang masayang makita kami. Lahat sila umaasang mabibigyan ko silang nang magandang performance.
Pero hindi ko alam kung saan ang handa kong kakayanin ngayon.
Sa tuwing tayoy magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko.
Mamasdan lang ang kislap ng iyong mata.
Kahit ano pa ay kakayanin ko na.Basta't kasama kita
Lahat magagawa lahat ay maiaalay sayoHabang kumakanta ako at pumipikit ay agad kong naaalala ang una naming pagkikita. Nung muntikan ko na syang mabangga. Kung gaano ko gustong halikan sya nun.
She already caught my heart that time. Pero hinayaan ko lang syang maghirap dahik sa akin.
How fool I am for not listening what my heart says.
Naramdaman ko nalang pagbabago ng boses ko upang maidilat ko ang mga mata. Basag ang boses ko, nanghihina ako upang mawalan ng lakas ang boses.
Kitang kita ko pa ang mapagtanong na mata ng mga nakikinig sa akin.
At sa hindi kalayuan nahagilap ko bigla ang mga matang palaging nasa isip ko.
Umiiyak sya habang tumitingin sa akin.
Gaano ba kasakit ang ginawa ko sa kanya? Gaano ba kahirap ang pinagdaanan nya para sa akin?
Dahil sa hindi malamang emosyon ay huminto nalang ako sa pagkanta at tumalon paibaba ng stage.
Mula sa kinaroroon nya ay tinakbo ko sya ng hindi pinuputol ang tingin at niyakap sya ng mahigpit.
Ramdam na ramdam ko ang paghikbi nya kaya sinaklob ko sa kanya ang hood na suot suot nya.
" Im sorry. Im sorry kung nasaktan kita Janna " paos kong bulong habang niyayakap sya ng mahigpit.
Napakaraming salita ang gusto kong sabihin ngunit paghingi lang tawad ang lumalabas sa akin ngayon.
Nakikita ko pa ang pagflash ng mga camera pero hindi ko ito ininda kasi patuloy lang syang umiiyak.
"Janna ---- " naputol nalang ang sasabihin ko ng magsalita sya.
Mga salitang hindi ko aakalain sasabihin nya. Mga salitang kahit sa kabilang buhay hindi ko inaakalang sasabihin ng babaeng nakasanayan kong maghabol at magmamakaawa sa akin.
Mga salitang pumapatay sa puso ko ngayon..
"Kiel Im letting you go. Im sorry sa gulo na ginagawa ko sa buhay mo and now Im letting you free. Im giving now your freedom from our past and from my love. Im sorry Kiel. " at pagkakasabi nyang yun ay kusa syang umalis sa pagkakayakap sa akin.
Daig ko pa si Rizal na nakatayo sa Luneta.
At ang tanging nagawa ko lang ang panoorin syang tumatakbo palayo sa pwesto ko habang pumapatak ang iilang butil galing sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...