Kiel Cyriel's Point of View
Napadpad nalang ako sa harap ng JJC Condiminium kung saan makikita ko malamang si Jiela.
Hopefully makikita ko sya.
Nang papasok ako sa loob ay pinagtitinginan ako ng mga empleyado at ilang costumer namin dun.
Sa pagkakaalam ko ngayon lang ako nakatapak sa condominium naming iyun.
Agad kong napansin ang paglapit sa akin ng isang empleyada namin upang huminto ako.
May katandaan na sya at batid na batid ko ang kasiyahan nyang makita ako. Malamang fan ko ang isang to kaya bilang isang tv personality ay ngumiti ako sa kanya.
" Good noon Sir Kiel. Maligayang pagbabalik po dito sa condo nyo. Nais nyo po bang puntahan ang pad nyo. " sambit nya upang mawala ang ngiti sa labi ko.
My pad ako dito? Bakit hindi ko alam, bakit hindi nila sinabi sa akin?
"P-wede po ba ? "utal kong tanong upang sumilay ang ngiti nya.
Habang naglalakad ako ay kinakabahan ako sa maaaring malaman sa loob.
"Akala ko po talaga Sir Kiel hindi na kayo babalik dito. Pero mabuti nalang at hindi iyun pinapagalaw ni Maam Jiela. Kasi sabi nya babalik at babalik ka daw dito balang araw. At ngayon sa wakas nandito ka na" sambit nya habang naghahabulan ang puso ko sa nalaman.
"Minsan nga po Sir napapadpad dito yung nabulag nyong girlfriend. Lage nyang nililinis ang pad nyo at lage rin nya kaming dinadalhan ng tanghalian. Nabigla na nga lang kaming mga empleyado ng nabalitaang na engage ka na sa iba " dagdag pa nya upang malaglag ang panga ko.
" S-inong pinagsasabi nyo Ms. Felicina? Sinong tinutukoy nyo? "taka kong tanong sa kanya.
" Si Janna Sir yung fiancee nyo noon. Nakalimutan mo na ba sya Sir. Naku Sir mahal na mahal mo nga sya noon" sabi nya upang hawakan ko ang dalawang braso ng matanda.
Kitang kita ko pa ang pagkabigla nya upang bitawan ko sya.
"Im sorry but I had an amnesia Ms. Felicina kaya may mga bagay akong hindi maaalala. " sabi ko upang mapanganga sya.
At sa hindi malamang dahilan ng makaabot na kami sa isang pad ay agad syang umalis pagkatapos nya itong buksan.
Ni hindi na sya sumasagot sa mga tanong ko.
Nang makapasok ako ay agad kumirot ang puso.
Naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Namumuo ang emosyon sa buong pagkatao ko.
Habang gulong gulo ako ay may biglang nahagilap ng mga mata ko ang isang voice recorder aa sofa.
Kaya agad ko itong kinuha at pinindot.
Nadurog nalang ang puso ko sa narinig na boses sa voice recorder.
"Mahal kahit hindi kita nakikita. Malamang mahal mo na sya pero ako mahal ikaw pa rin ang nag iisa dito sa puso. Mahal sana naman marinig mo ang kantang to.Mahal na mahal kita Kiel Cyriel Yuzon.
Alam ko na mahal ka nya
Ngunit pa'no na itong aking
Nadarama
Batid ko ring ikay higit
Sa paningin maging sa
Pagtatangi nyaAlam kong kay bigat ng puso nya
Pag ikay inibig nya
Ngunit anong magagawa
Sadyang minamahal mo sya
Di ako magtatanong kung nasa'n ka
O siya ba ang iyong kasama
Maari ba, kahit pag ibig moy di totoo
Pasaasahin mo ako na ako ang nandyan sa puso moAng isang pag ibig na may
Pagkukunwari
Ngunit puso ay manhid
Kahit batid pa ang tunay at
Katotohanan."Kainis naman mahal oh kailan ka ba babalik sa akin. Miss na miss na kita "
Dahil sa pagsakit ng ulo ko ay napilitan akong i off ang voice recorder na yun.
Nang mahimasmasan ako ay agad kong binuksan ang unang kwarto at tumambad sa akin dun ang ibat ibang klase ng instrumento pangmusika.
Nang nasa ikalawang pinto ako ginapangan nalang ako ng kaba.
Malamang kaya nandyan ang sagot sa mga tanong ko?
Nang pihitin ko ang pinto ay tumambad sa akin ang isang napakalinis na kwarto at kulay puti.
Nanginginig ang tuhod ko habang papalapit sa isang picture frame.
At doon nahulog ko nalang ito ng makita ang babaeng niyayakap ko.
Unti unting umaagos ang luha ko habang pinupulot ang larawan.
Si Janna at ako.
Napahilamos nalang ako sa mukha sa nakita.
Ang babaeng nagmamakaawa sa akin na pakinggan.
Ang babaeng pinagtabuyan ko ng mas masahol pa sa aso ay ang babaeng dating minahal ko!
Bakit tinago nila sa akin to? Ano bang kasal anan nya para ipagkait nila ang kasiyahan ko kasama ang babaeng mahal na mahal ko.
Ano bang pagkakamali namin para ipagkait nila sa akin ang katotohanan?
Dahil sa sobrang gulo ng pag iisip ko ay nahagis ko lahat ng bagay malapit sa akin.
Paano nila to nagawa sa akin?
Pakiramdam ko pinagkait nila ang mundo sa akin! Pakiramdam ko inilihim nila ang buong pagkatao sa akin!
Winasak nilang ang buhay ko!!
Habang nagiging hysterical ako ay napatingin nalang ako sa pinto ng may magsalita upang mapatingin ako dito.
At doon tumambad sa akin ang luhaang mga mata ni Jiela habang nakaalalay sa kanya ang isang lalaki.
"K-uya, please kuya calm down " basag na boses na sabi nya upang masama ko syang tingnan.
"Calm down ? What Janna, you want me to calm down after all the lies they feed to me? After all the lies and hatred they give me to Janna? Bakit Jiela, bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo! Bakit pati ikaw naglihim sa akin? Ano bang pagkakamali nya para ipagkait nyo ako sa kanya? Anong bang pagkakamali ko upang itago nyo sa akin ang katotohanan Jiela!" sigaw ko sa kanya habang nag uunahan na ang luha sa mga mata ko.
Truth hurts me.
Truth will kill me, truth will condemned me in my entire life!
" Kuya iniisip lang ni Mommy ang kalagayan mo. Ang makakabu---"
" Fuck that shit Jeila. Wag mo na akong paikutin. Sabihin mo na sa akin ang totoo! " sigaw ko at nakita ko nalang ang paghikbi nya.
" K-uya you had the accident with Ate J-anna four years ago n-ang ...nang banggain kayo ng EX nya na bestfriend mo. Nacoma ka kuya at namatay ang bestfriend mo. Sino bang dapat sisihin nyan. They put all the blame to Ate Janna at ang hindi namin alam na nabulag rin pala sya. Were very horrified by what happened kuya kaya hindi mo masisisi si Mommy. " sambit nya upang manghina ang tuhod ko sa narinig.
Napahandusay nalang ako sa nalaman.
The reason is like a roller coaster. Masyadong magulo at hindi ko alam ang gagawin!
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula!
Hindi ko alam kung sino ba dapat ang unahin ko.
At lalong hindi ko alam kung saan sya hahanapin!
Ngayon pa sya nawala, ngayon pang kailangan na kailangan ko sya!!
A/N: Sorry sa typo. Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...