Kiel's Point of View
"J-anna " utal kong sambit sa kanya habang napapako sya sa kinatatayuan na umiiyak.
Luhang ako ang dahilan.
Kitang kita ko pa ang pagngiti nya ng pilit upang makaramdam ako ng kirot sa puso.
"K-iel --" sambit nya sa pangalan ko.
Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. May kakaiba sa kanya.
Ni hindi nya ako niyakap, hindi sya nagmamakaawa sa akin.
"C-ongrats nga pala k-asi sa wakas n-apagpasyahan mo na ring magpakasal " nahihirapan nyang sambit upang magwala ang tibok ng puso ko.
Nahihirapan sya and she was trying to hide the pains. Nahihirapan din ako sa inaasta nya. Supposed to be makikiusap syang pakinggan ko sya, magmamakaawa.
"Masaya ka bang makita akong makasal sa iba ? " malamig kong tanong sa kanya habang nakatingin lang ang mga mata nya sa paanan ko.
"Y-our happiness is m-y happiness and if you chose to settle down with her. W-ala na akong magagawa" napakahina nyang sambit upang mag init ang ulo ko.
Bakit hindi na nya ako pinaglalaban ngayon? Bakit hinayaan na nya ako ngayon?
"Bakit ka umiiyak kung masaya kang makita akong masaya " dagdag ko pang tanong pero nakita ko nalang ang pagyakap nya sa sarili.
Hinang hina sya kung titignan ngayon. Parang wala syang kabuhay buhay at ito ay nagbibigay ng kakaibang takot sa puso.
"Te-tears of joy kumbaga " wala sa sarili nyang sabi upang mapakuyom ako sa kamao.
As of now natatakot ako. Natatakot ako na tuluyan na syang sumuko sa akin. Natatakot akong baka napagod na sya. Paano kung nagkamali ako sa panghuhusga sa kanya? Paano kung hindi ko pala kayang pakawalan nya ako?
I know I've been hard to her for this past years pero hindi yun sapat para basta basta nalang syang sumuko sa akin.
"M-ay gusto ka bang sabihin s-a akin. Handa akong makinig sayo ngayon. " nahihirapan kong sambit pero nakita ko nalang ang pagpahid nya sa mga luha nyang dumadaloy ngayon sa pisngi nya.
Aakma ko na sanang hawakan sa mukha nya ng tinapik nya ang kamay ko upang mkaramdam ako ng takot.
Ewan ko basta takot lang ang nararamdaman ko. Takot na maaaring sumuko na sya o di kaya takot na mawala sya sa akin.
I am damn confused.
" Wag mo akong hawakan, nakikiusap ako sayo wag mo nang ipakita sa akin na nag aalala ka sa akin. Wag mo nang ipakita na may malasakit ka pa sa akin. Kasi Kiel sobrang sakit, sobrang sakit na nabibigyan mo ako ng pag asa pero hindi mo naman pala akong kayang saluhin. " basag nyang sabi upang mapako ako sa kinatatayuan.
Lubos ko syang nasaktan pero gusto kong malaman ang totoo.
Aakma na sana syang papasok sa loob nang hinablot ko ang braso nya at niyakap sya ng mahigpit.
Ang lamig na nararamdaman ko sa katawan nya ay sing lamig ng pakikitingo nya sa akin ngayon.
Nasasaktan ako. Sanay akong sasabihin nya kung gaano nya ako kamahal.
I want to hear that words again from her.
" Sabihin mong mahal mo ako. Sabihin mong totoo ang sinasabi mo. Sabihin mong ikaw ang nagsasabi ng totoo sa kanila. Sabihin mo Janna at handa kong iwan ang lahat. Handa akong isama ka sa lugar kung saan tayo lang dalawa. Sabihin mong sayo ang pangalang nakatattoo sa likod ko at mga matang nasa puso ko. Just tell me Janna and Im willing to live in your arms in my entire life. " desperado kong sabi sa kanya.
Nahihirapan ako, pakiramdam ko gustong sumabog ng puso sa hindi malamang dahilan. At ano man ang sinasabi ng bibig ko ay galing talaga sa puso ko.
I am doomed.
I dont want to lose her this time. I am afraid that she'll be gone in my life. Damn, this is a shit!
Ngunit naramdaman ko nalang ang paghiwalay nya sa akin at pagtulak nya sa akin ng kaunti upang manigas ako sa kinatatayuan.
It feels like she rejected me out of her life.
" Napapagod na ako Kiel. So please Kiel I want to rest now. " dahil sa sinabi ay agad ko syang hinablot upang mapalapit sa akin.
At wala pang isang minuto ay nakalapat na ang maiinit nyang labi sa akin.
I want her lips. I am dying just to kiss her lips.
Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nya pero dahil may gusto akong malaman ay mas lalo ko lang idiniin ang sarili sa kanya.
Ramdam na ramdam ko pa ang pagpupumiglas nya pero hindi nya ako matitinag.
God how I wanted to kiss her. Isang taon akong nagtitiis na iwasan sya. Isang taon akong nagtitiis na pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.
And now I finally know why she bothers the hell of me.
Because. . .Im totally inlove with her.
Napapikit nalang ako habang napako sa kinatatayuan.
She is mine. I know she is mine noon pa! They lied. Everyone lied on me and she's the only person who fight the truth for me.
Pero naramdaman ko nalang ang kamaong dumapo sa mukha ko upang mapahandusay ako.
Nang balingan ko ito agad tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Dreimon na nakatingin sa akin.
" Dreimon " sambit ni Janna pero nakita ko nalang ang paghablot nya dito at sapilitang kinaladkad sa loob kaya agad ko syang hinabol.
"Yuzon stay away from her!! " dumadagundong na sigaw ni Sy upang mamutla si Janna.
" Sinaktan mo na sya, ano pa bang kailangan mo sa kanya! Hindi ka ba nakakaintindi ng salitang responsibilidad! Dammit Yuzon engage ka na sa half sister ko magkaroon ka naman ng respeto sa nararamdaman nya! " sigaw nya ulit upang mabalik ako sa sarili.
I am inlove with her. I am inlove with the girl beside him!
"Let me talk to her. Let me talk to Janna . Fuckinshit Sy just let me talk to her! " sigaw ko sa kanya pero nakita ko nalang ang paghawak nya sa braso ni Janna at inilagay sa likod.
No this can't be. I know she is mine. Hindi ako papayag na uuwi ako ngayong magdamag na hindi ko malalaman ang totoo!
A/N: Sorry sa typo. Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
The Voices Behind Her Love (Completed)
General FictionYuzon Series 1: She loves him. She sacrificed a lot just for him. And she's willing to sacrifice more just to prove how much she loves him. Pero hanggang saan ang kakayanin nyang pagtitiis para sa kanya, para sa pinakamamahal nyang si Kiel Cyriel Yu...